CHAPTER 24

3.7K 58 0
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Parang nabunutan ng tinik si Kath sa ginawa niyang iyon kay Vivian. Pakiramdam na ay sapat na iyon bilang ganti niya sa babae. Ang mahalaga lang sakaniya ay maipakita niya rito na hindi siya basta nalang nagpapaapi.

"Pasensiya na kayo sa nangyari." nahihiyang sambit niya sa mga crew ng restaurant na naroon.

"Naku okey lang po iyon maam saka wala naman pong ibang tao ngayon." sagot naman ng isang crew.

"Para lang po kaming nanood ng pelikula maam, na matapos apihon yung bida ay siya naman ang gumanti sa kontrabida." masayang sagot naman ng isa.

Nakangiti lang si Kath sa kanila.

"Alam niyo maam, masama po talaga ang ugali ng babae na yun. Sa tuwing pumupunta dito lagi nalang siyang may reklamo. Naninigaw pa kapag hindi niya nagustuhan ang serbisyo namin." usal naman ng isa.

"Bayaan niyo na siya. Wag niyo nalang pansinin ang kamalditahan niya kung magpunta pa siya dito para hindi kayo ang baliktarin niyang masama." bilin naman ni Kath sa mga crew. Tumango lang ang mga ito sa kaniya at nagpaalam na rin agad.

Araw ng luwas ni Kath papuntang Cebu. Sanay na siya na nagbibiyahe mag-isa kaya hindi na rin masyadong nag-aalala ang kaniyang mga magulang. Isang buwan din ang pinaalam niya sa mga magulang na bakasyon niya. Nagpaalam din siya kay Mya na kung hindi lang din ito abala sa pagmomodelo ay gusto niya itong makasama sa pagbabakasyon. Pinili rin niya ang sumakay ng barko kaysa sumakay ng eroplano. Nagsawa na rin kasi siya na nagbibiyahe sa himpapawid. Gusto naman niya ang nakikita ang karagatan sa kaniyang paglalakbay. Simula ng huling pag-uusap nila ni Kian ay wala na siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa binata. Iyon naman talaga ang usapan nila, ang putulin muna ang komyunikasyon nilang dalawa.

Sa unang araw ni Kath sa Cebu ay mas lalong naging magaaan ang pakiramdam niya. Nawili siya sa mga magagandang pasyalan roon. Lumipas pa ang ilang araw ay nakagawa na rin siya ng madaming designs na kaniyang aasikasuhin pagbalik niya ng Maynila.

Samantala, inabala naman ni Kian ang sarili sa kaniyang kumpaniya. Isang linggo rin siyang nasa Germany para sa bagong branch ng KLA doon. Wala siyang sinasayang na oras kundi lahat ay itinutuon niya sa kaniyang trabaho.

Naiisipan din ni Mya ang subukang mag-aaply n modelo sa ibang bansa. Desidido na rin siyang tapusin nalang g isang taon na kontrata niya kay Kian bilang modelo ng KLA at hindi na siya magre-recontract pa. Alam din ni Kian na may sama ng loob ang kaibigan kaya nilalambing niya rin ito sa tuwing naroon sa kumpanya.

"How are you Mya." masayang bati ni Kian ng madatnan si Mya sa kumpanya. May hawak siyang chocolates ng araw na iyon. Sinadya kasi niya na dumaan muna sa opisina bago bumili ng bulaklak at dalhin ito pati na ang chocolates sa pagbibigyan niya. Nakatawag pansin naman iyon kay Mya. Nagisip tuloy ito na baka may nililigawan ng iba si Kian.

"Buhay parin gaya ng dati." mapaklang sagot naman ni Mya sabay inirapan ang binata ng tingin.

Natataea nalang ng lihim si Kian sa inaasta sa kaniya ng kaibigan. Pagkuway iniabot nita ang isang chocolates sa kaibigan.

"Sayo na 'tong isa." turan ni Kian.

"Wag na Kian, nakakahiya naman sa pagbibigyan mo niyan."

"Sige na, matutuwa pa iyon kapag nalaman niyang binigyan din kita." nakangiting sagot niya. Sinimangutan lang naman siya ni Mya. Ngunit bago siya umalis ay iniwan parin niya ang isang piraso sa mesa na katabi ni Mya. Nang hindi na nito makita ang likod ni Kian ay kinuha rin ni Mya iyon.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon