LAST CHAPTER

6.5K 176 18
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Pumasok sila sa kinaroroonang silid ni Vivian. Gising nga ito at nakatulala lang. Habang papalapit sila sa babae ay nakaramdam ng awa si Kath para sa babae. Magkahawak kamay ang magkasintahan ng nasa tabi na sila ng higaan nito.

"Vivian" tawag ni Kath sa babae.

Napalingon naman ito sa kanila at tuluyan ng dumaloy ang luha nito.

"What happened to you?" muling tanong ni Kath.

"Ginahasa ako?"garagal nitong sagot kasabay ng paghikbi.

Napitlag siya sa narinig. Nagkatinginan sila ni Kian.

"Sinong nanggahasa sa iyo?"

"Hindi ko kilala pero mamukahan ko sila lalo na yung sinamahan ko nung gabing yun." umiiyak pa ring tinig ni Vivian.

Nahintakutan si Kath. Ang galit niya sa babae ay biglang napalitan ng awa. Gusto niyang damayan si Vivian. Maging si Kian ay naawa na rin. Ngayon lang niya nakita si Vivian sa ganong emosyon. Alam niyang maluwag ang babae sa mga lalake at sanay makipaglaro pero ang nakikita niya ngayon ay kakaiba. Isang kaawa-awa na biktima ng karahasan.

Napahawak si Kath sa kamay ng nakahigang si Vivian. Gusto niya itong damayan.

"Magpalakas ka Vivian at pagbabayarin natin ang mga taong gumawa sa iyo yan." madiing tugon niya.

Masama ang kalooban niya pag nababalitaan niya ang mga ganoong karahasan sa mga kababaihan. Nakatingin lang si Kian sa kaniya. Nakikita niya sa kasintahan na handang tulungan ang babae ang hustisya.

Ilang sandali pa ay binalingan siya ng kasintahan.

"Kian, can we help her?" tanong nito sa kaniya.

Tinitigan niya ang ito saka siya ngumiti.

"Yes!" tanging sinagot niya.

"Salamat sa pagtulong." sambit ni Vivian at pinisil ang kamay ni Kath na nakahawak sa kaniya. Tinugunan lang naman ni Kath ng ngiti.

Pagkalipas ng ilang araw ay nakalabas na ng hospital si Vivian. Dahil sa wala na itong sapat na pera ay pinaghatian ng magkasintahan ang nagastos sa hospital. Inasikaso rin nila ang pagpapaimbestiga sa nangyari kay Vivian at agad ngang nalutas ang kaso at nadakip ang mga taong humalay sa kaniya na mga myembro pala ng sindikato.

"Naayos ko na ang mga papers mo pabalik ng America." wika ni Kian kay Vivian ng magkaharap sila.

"Salamat Kian pati na rin sayo Kath." madamdamin naman nitong tugon.

"Patawarin niyo sana ako sa mga nagawa kong kasalanan. Alam kong kabayaran ang nangyari sa akin sa lahat ng nagawa kong kasalanan." muli nitang wika at napaluha siya. Dinamayan siya agad ni Kath.

"Napatawad ka na namin Vivian. Wag mo ng isipin yung nangyari ang mahalaga ay makabalik ka na sa America at magsimula muli ng panibagong bukas." tugon ni Kath saka niyakap ito.

Makalipas ang ilang araw ay nakalipad na si Vivian papuntang America. Umuwi na rin ang mga magulang ni Kian sa Pilipinas at inasikaso nila ang kasal ng magkasintahan.

Walang hanggang kaligayahan ang nadama ni Kath habang nagpapalitan sila ng 'I do' ni Kian. Tuwang-tuwa ang lahat sa kanilang kasal. Maging si Mya ay labis ang kasiyahan para sa mga kaibigan niyang nagmamahalan.

Naghoneymoon ang dalawa sa isang private resort sa Antipolo.

"I love you baby." sambit ni Kath sa kaniyang asawa habang naroon sila sa inupaang cottage.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon