CHAPTER 7

3.8K 74 2
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Pakiramdam ni Kathleen ay walang minuto na hindi siya makaramdam ng pagiging inlove. Kahit pa alam niyang pagkakaibigan pa lang ang namamagitan sa kanila ni Kian ay hindi na niya mapigilan ang puso na sumibol na naman ang dating pagtatangi niya sa binata. Oo, hindi magandang siya na babae ang unang nagpapakita ng pag-ibig sa binata ngunit hindi naman natuturuan ang puso niya kung kailan siya dapat magmahal.

Halos araw-araw ay nagpapalitan ng mensahe sina Kathleen at Kian. Nagtatawagan din sila paminsan-minsan kapag hindi busy ang binata sa opisina. Si kathleen naman ay nakalimutan na yata ang kanyang trabaho dahil masyado na siyang nag-eenjoy habang kasama niya si Kian.

Minsan ay sinundo siya ng binata sa kanilang bahay. Namasyal sila sa Ocean park. Labis ang kasiyahan niya habang magkasama sila at magkahawak kamay pa. Paminsan-minsan ay panakaw niyang tinititigan ang binata. Nahuhuli naman siya ng binata. Natatawa lang naman ito sakanya.

"Bakit ba panakaw ang mga titig mo sakin Kath? Pwede mo naman akong tingnan ng harapan." nakangiting wika ng binata sakanya at humarap pa ito sakanya.

Namula siya doon. "Gosh, nahuli pala ako." sambit ng isip niya.

"Kath, are you ok? Para kang naipako diyan sa kinatatayuan mo."

"Ahm, yeah I'm ok, kaya lang gutom na kasi ako eh" daing niya sa binata. Ang totoo ay talagang hindi niya maiwasang titigan ito. Habang kumakalam na din ang sikmura niya sa gutom.

Niyaya siya ni Kian na kumain sa restaurant. Pagkatapos nilang kumain ay nag-ikut-ikot pa sila sa kamaynilaan. Halos maghapon silang magkasama, nagtatawanan, nagkwekwentuhan at nagkakatitigan. Magkahalong kilig at saya ang nararamdaman niya. Gabi na ng ihatid siya ng binata. Parehas silang pagod sa maghapong pamamasyal. Ganon pa man ay tila bitin siya sa maghapon na iyon.

"Thanks for your time Kath." nakangiting sabi ni Kian sa dalaga.

"I enjoyed a lot." sagot naman niya.

"I know your happy with me Kath, I can see in your eyes that..." hindi na nito tinuloy ang sasabihin bagkus ay tumawa ito ng makitang pinamumulaan na naman ang dalagang kaharap niya.

"Parang may gusto pa atang ipahiwatig 'tong lalaki na ito ah." ang nasa isip naman ng dalaga.

"Anyway, I'll pick you up tomorrow in the evening." ani Kian.

"Ha, saan tayo pupunta?" pagtataka niya.

"May dadaluhan tayong party. Just wear a beautiful dress Kath." sagot ng binata saka ngumiti.

Tumango lang siya. Sandali pa ay nagpaalam na ito. Sumakay na si Kian sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito.

"Take care!" pahabol niya ng paalis na ang binata.

Habang nasa daan si Kian, hindi niya maiwasang isipin si Kathleen. Madami na nagbago sa panlabas na anyo ng dalaga. Mas lalo na itong gumanda ngunit hindi parin nagbago ang damdamin nito sa kanya. Ito ang namumutawi sa isipan niya. Napapangiti pa siya habang nagdadrive. Hindi man niya aminin ay matagal na rin namang nagkaroon ng puwang sa puso niya ang dalaga bilang matalik na kaibigan at mas higit pa doon. Kung alam lang ni Kathleen na nagsisi siya ng tanggihan niya ito sa pag-amin ng pagmamahal nito sa kanya. Naduwag siya sa mga panahong iyon sa takot na kung sakali mang suyuin rin niya at umaming mahal niya rin ito ay baka masaktan lang siya sa oras ng paghihiwalay nila. Nangako kasi siya sa mga magulang niya noon sa kagustuhan nilang sa Amerika siya mag-aaral at ipagpatuloy ang nasimulan doon ng kanyang ama. Ito ang naging dahilan kaya pilit niyang iniwasan ang dalaga kahit pa labag sa kalooban niya hanggang sa tuluyan na silang hindi nagkita.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon