CHAPTER 5

4K 82 3
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Hindi malaman ni Kathleen kung lalapitan nga ba niya ang binata. Parang nahiya kasi siyang magpakita. Baka isipin nito na sinusundan siya. Ngunit may pag-alala rin siya para sa binata. Malimit kasi niyang nababalitaan ang mga gulo sa ganong klaseng lugar. "Bahala na" ang nasa isip niya.

Umupo siya sa tabi nito ngunit mukang hindi iyon napansin ng binata. Patuloy ito sa pagtungga.

"Kian" mahinang usal niya.

Tinitigan muna siya nito na para bang kinikilala siya nito.

"Hey, what are you doing here? Hah?" tugon ng binata sakanya ng mawari kung sino ang katabi. Malabo na ang paningin nito dahil sa kalasingan.

"You're already drunk Kian?" mahinang wika niya.

"Wanna join me?" yaya nito sa kanya sabay angat ng wine glass.

"No, I don't!" tanggi niya.

"So what are you doing here? Are you following me?"

Napamulagat siya. "Ha? Hindi, i just saw your car infront of this bar." nahiya tuloy siya rito.

"Okey! I'll order you a juice" ani nito at tinawag ang waiter.

Naka-apat na baso na siya ng juice ngunit wala paring tigil si Kian sa pag-inom. Lasing na talaga ito at hindi na kayang itayo ang sarili.

Tumayo ito at kumuha ng bayad sa wallet niya. Pagkabigay ay di nito nakontrol ang katawan at natumba. Nasalo naman siya ni Kathleen na nasa tabi nito ngunit dahil mabigat ang binata kaya maging siya ay natutumba na rin.

Lumabas na silang dalawa sa bar na iyon. Ikinawit ni kathleen ang braso ni Kian sa likod niya upang maalalayan niya ito. Paekis-ekis ang paglakad nila.

"Kian hindi mo kayang magdrive." ang naibulalas niya ng makitang kinakapa nito ang susi ng sasakyan niya.

"Ibilin ko nalang sa guard ang sasakyan mo. Ihatid nalang muna kita." sambit niya at pinuntahan agad ang security guard ng bar upang ibilin ang sasakyan. Hindi na rin umiimik si Kian dahil inaantok na siya sa sobrang lasing.

Isinakay nga ni Kathleen si Kian sa kanyang sasakyan. Tulog na ito sa mga sandaling iyon. Napagod siya sa pag- alalay sa binata. Ganun pa man ay nag- enjoy naman siya sa pagmasid sa napakagwapong muka ng binata.

Dahil dala-dala niya ang bigay ni Kian sa kanya na address nito ay madali lang niyang natunton. Pagkadating ay ginising niya ang binata. Naalimpungatan naman ito.

"We're here! Lets go inside Kian para makapagpahinga ka ng maayos." sabi niya at tumango naman ang binata.

Pagkapasok nila sa loob ng unit ni Kian ay dumiretso sila sa silid ng binata. Pinahiga niya ito ng maayos at tinanggal ang pang-itaas na damit nito. Kumuha siya ng maaligamgam na tubig at towel. Pinunasan niya ang binata.

Nakaupo siya sa tabi ng natutulog na binata. Hindi niya maiiwasan ang hindi maakit sa diito. Lalo pa't nakatitig siya sa abs ng binata. Hindi niya tuloy maiwasang mapahawak sa katawan nito.

"Shit Kath, behave!" saway niya sa sarili.

Nahagilap niya ang phone ng binata. Napapindot siya at nakita niya ang mga applications sa cellphone nito.

"Mahilig din pala maglaro ng games ang lalaki na to." mahinang wika niya ng makitang puno ng games ang cellphone nito. Napangiti pa sya ng makita duon si flappy bird. Paborito rin niya itong nilalaro sa tuwing nasa bahay lang siya.

Binuksan niya iyon at namangha siya. Nakalevel 64 na pala samantalang hirap pa niyang abutin ang level 38.

Kinuha ang cellphone niya at naglaro din ng flappy bird. Gusto niyang mahigitan ang level na natapos ng binata.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon