CHAPTER 9

3.6K 66 2
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Naging madamdamin ang tagpong iyon para sa dalawang nagmamahalan. Naging mapusok ang kanilang halikan at unti- unti na ring lumalaban sa halikan si Kathleen. Kumawala sila ng binata at nakangiti silang nagtitigan.

"Alam kong malaki ang pagtatampo mo sakin simula nung iniwan kita Kath. But I want you to know na hindi lang ikaw ang nakadama ng pag-ibig noon. Maging ako ay minahal din kita ng palihim." maemosyong pagsisimula ni Kian.

"Bakit mo ako tinalikuran noon? Saka bakit hindi ka nagtapat sa akin?" tanong naman ng dalaga. Sadyang iniba ang aura ng muka niya.

"Dahil, dahil naduwag ako. Inakala ko na baka hindi mo matanggap ang pag-alis ko papuntang Amerika at parehas lang tayong masasaktan kaya minabuti kong iwasan ka nalang baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko sayo pero nabigo ako dahil kahit nasa ibang bansa ako ay ikaw parin ang laman ng puso ko." paliwanag ng binata.

Nagdiwang ang puso ni Kathleen sa mga narinig buhat sa binata.

"I love you so much Kian." ang masayang tugon niya sa binata. "Tanging ikaw lang ang naging laman ng puso ko. At mas lalo pa kitang mamahalin ngayong ganun ka din pala sa akin." naluluhang pagtugon niya muli.

"Oh baby, promise I will not going to leave you anymore." sagot naman nito at hinalikan ang kanyang buhok.

Walang kapantay ang sayang nadarama ni Kath sa gabing iyon. Hindi niya inaasahan na ganon kabilis ang lahat. Ang akala niya ay kailangan pa niyang pikutin si Kian upang maging sila pero taliwas pala sa inaakala niya dahil ang binata na mismo ang nagsabing mahal siya nito.

Umalis na sila ng lugar na iyon. Alas- diyes na ng gabi kaya nagpasya na silang umuwi. Magkahawak ang magkabilaan nilang kamay habang naglalakbay sa daan.

"Hindi na kaya kita ihahatid sa bahay niyo?" nakangiting sambit ni Kian. Nilingon niya ito.

"Ha, bakit naman?"

"Parang gusto pa kasi kitang makasama ngayong gabi eh, nabibitin ako."

"Saan mo ba ako gustong dalhin, sa unit mo?"

Napalingon ang binata sa kaniyang sinabi.

"Why baby? You won't like it? I feel hot this time!" pilyong wika nito.

"Alam ko yang iniisip mo." pamulagat naman na saad niya ng mawari ang gustong ipahiwatig nito. Bahagyang namula siya.

"I'm not thinking anything baby, I'll just saying what I feel. And I think its better for you to start learning the basic moves of being lust."

Kinilabutan siya sa sinabing iyon ng binata. Lust? Ang bilis naman nitong mag-init sakaniya. Ilang oras palang silang magkasintahan pero excited na yata ang binatang makipag- sex sakaniya. Ngunit kinilig siya sa bagay na iyon. Baka kung hindi siya makapagpigil ay siya pa mismo ang magyaya sa hotel.

"Hoy Kian ha, wag kang magkakamaling galawin ako ng agad-agad. Conservative si mommy, baka makalbo ako nun kung malaman niyang hindi na ako virgin."

"Just a suggestion baby." sagot nito at ginawaran siya ng nakakabaliw na ngiti.

"God, ang lalaking ito talagang sineseduce ako." usal ng isipan niya.

Nakarating na sila sa bahay nila Kathleen. Hinatid pa siya ng binata hanggang sa loob ng bahay nila.

"O nandito na pala kayo." boses ni Lucia.

"Hinatid ko lang po si Kath, tita. Uuwi na rin po ako." pamamaalam ni Kian.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon