CHAPTER 10

3.4K 59 0
                                    

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN?

Written By: Apple

Inihatid siya ng nobyo sa kanilang bahay. Nasa muka parin ng binata ang panghihinayang. Natatawa naman siya rito dahil sa nakasimangot ito.

"Baby, wag ka ng sumimangot diyan. Hindi pa naman kasi tayo kasal." turan niya sa binata ng makarating na sila sa gate ng kanilang bahay.

"Hindi mo lang alam kung ano ang damdamin ng nabibitin." sagot naman nito na may pagtatampo.

Tinawanan lang niya ito. "Ikaw kasi eh, hindi ka makapagpigil. Ang mabuti pa, iligo mo nalang yang libog mo ulit para mahimasmasan ka." pang-aasar niya saka siya tumawa.

Patagilid sya nitong tinitigan na nakasimangot parin.

"Joke lang!" bawi niya rito.

Hindi rin nakatiis ang binata kaya humarap na ito sakanya at hinawakan ang kanyang chin.

"Sige na baby, pumanhik ka na sa loob dahil baka magbago pa ang isip ko at baka saan pa kita maidala." nakangiting usal nito.

"I love you, Kian" emosyonal na wika niya.

"I love you too, baby" sagot naman mg binata at hinalikan muli ang labi niya.

Bumaba na si Kathleen sa sasakyan. Kinawayan pa niya ang binata ng paalis na. Maya-maya'y pumasok na siya sa loob ng bahay.

"Let's talk first, Kath" Narinig niyang boses ng ama niya na nasa sala. Paakyat na sana siya sa kanyang kwarto nung oras na iyon.

"Sitdown anak!" utos ng ama niya. Sumunod naman ito.

"Ano po bang pag-uusapan natin dad?" tanong niya sa ama.

"Its about your work."

"May problema ba sa office dad?" muling tanong niya.

"Wala naman! Ang gusto ko lang sana malaman kung kailan mo balak bumalik sa trabaho."

Napayuko siya sa sinabing iyon ng kanyang ama. Ngayon lang niya napagtanto na tapos na ang ilang linggo niyang bakasyon.

"Its over Kath, sumobra ka na ng isang linggo and the company needs you." turan ng ama.

Kailangan daw siya ng kumpaniya nila. Grabe ang daddy niya kung minsan, napaka- OA nito sa lahat ng bagay.

"Ok dad, I'm going to report tomorrow." naibulalas niya sa ama.

"Good!" wika nito pagkatapos ay iniwan na siya sa sala.

Kinabukasan ay pumasok na nga si Kathleen sa trabaho niya. Tambak ang mesa niya ng mga dokumento. Natataranta tuloy siya at pakiramdam niya ay baguhan siya.

Maghapong nasa opisina si Kathleen. Pinipilit niyang mapadaling matapos ang kanyang ginagawa. Isang araw lang palang niyang hindi nakikita ang nobyo niya ay sobrang namimiss na niya ito.

Samantala, sa opisina naman ni Kian ay hindi rin siya mapakali. Naka-ilang tawag na siya sa nobya ngunit hindi niya ito sinasagot. Inabala nalang niya ang sarili sa mga papers na nasa ibabaw ng mesa niya.

Kinahapunan ay tumunog ang cellphone niya. Tinignan kung sino ang tumatawag. Napakalapad ng ngiti niya ng makita iyon.

"Hey baby, I miss you." aniya sa kabilang linya.

"Me too. Sorry baby kung hindi ko nasagot tawag mo kanina. Bumalik na kasi ako sa work at natambakan ako." pangangatwiran ni Kath.

"I understand baby, sunduin nalang kita mamayang gabi, ok!" malambing niyang tugon.

" Bakit na naman?"

"Let's have a date, baby." sagot niya naman.

Lumipas ang mga araw ay naging maganda ang takbo ng relasyon nila. Magkasama silang namamasyal kapag rest day nila. Madalas ding pumupunta si Kian sa bahay nila Kathleen at dinadalhan ng flowers and chocolate ang dalaga. Kung minsan ay doon na rin naghahapunan.

Hindi na rin nila naitago ang kanilang relasyon sa kani- kanilang mga magulang kaya tuwang- tuwa naman ang mga ito dahil dati naman silang magkakakilala at naging magkapit bahay pa noon.

Isang araw, habang nagmeeting sila Kathleen at ang ama niya kabilang ang mga stock holders ng kumpanya ay tumunog ang cellphone niya.

"Baby, bakit ka mapatawag? May meeting kami dito, noh" sagot niya sa caller.

"I'm here outside, baby." sagot sa kabilang linya.

"Ano ginagawa mo diyan sa labas?" pagtataka niya.

"Sinusundo kita!" deretso namang tugon nito.

"Hindi ako pwede lumabas ngayon, kailangan ako ni daddy rito." aniya.

"I know tito Enrico will understand us and by the way,I already asked him to give us a time to celebrate, and I got his permission."

"Celebrate?" pagtataka niya.

"Yes baby, today is our 1st monthsary. Did you forgot it?"

Napasapo siya sa kanyang ulo. Nakalimutan nga niya ang araw na kung kailan nag-umpisa ang kanilang relasyon.

"Sorry baby, I almost forgot." pagsusumamo niya.

"Its alright baby, now come over here." utos nito sakanya.

Dali-dali naman siyang nagpaalam sa ama at pinayagan naman siya nito dahil dati na pala siyang ipinaalam dito ng kaniyang nobyo.

Dinala siya nito sa isang high class restaurant. Masayang- masaya sila sa araw na iyon. Namasyal pa sila pagkatapos nilang maglunch. Pumunta sila sa Manila bay kung saan ay doon nagtapat ng pag-ibiig si Kian sakaniya. Magkaakbay silang nakaupo sa bench habang nagkwekwentuhan ng mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay noong sila ay nagkahiwalay.

Habang tumatagal ang kanilang relasyon ay mas lalo naman silang naging abala sa kani- kanilang trabaho. Nabawasan na din ang oras nila sa pamamasyal ngunit nagtatawagan naman sila kung may mga pagkakataon.

Isang araw, gumagawa si Kath ng bagong designs niya sa kaniyang opisina para sa susunod na buwan ng may kumatok sa kaniyang pintuan.

"Come in" usal niya.

Iniluwa naman iyon ang daddy niya, pagpasok ay umupo ito sa sopa.

"Hi dad" bati niya sa ama pagkakita niya saka muling binalingan ang ginagawa.

"I have something to tell you iha" seryosong turan ng ama niya. Liningon niya ito.

"What is it dad?"

"Your going to Paris next week for our investments." tugon ng daddy niya.

"What? But dad why me?" wika niya at tinabihan ang ama sa inuupuan.

"Is there another choice iha? You should learn to manipulate our company. Then start by meeting our investors and other people here and out of the country."

Pagkasabi iyon ng daddy niya ay natigilan siya.

"Ilang araw ba ako dun dad?" muli ay nagtanong siya.

"About one month?!" hindi siguradong sagot ng ama niya. Hindi nalang siya nagsalita.

"Kath, maikling panahon lang yan, makakabalik ka naman after all are settled. It just a part of work iha." sambit ng ama niya habang pinagmamasdan ang kalungkutan sakaniyang muka. Nakukuha naman nito ang dahilan ng kalungkutang iyon ng anak.

Pagkaalis ng ama niya sa kaniyang opisina ay iniisip na niya ang isang buwan niyang pansamantalang pamamalagi sa Paris. Parang hindi niya yata makaya iyon. Kung noon ay gustung- gusto niya ang naglalakbay sa ibayong dagat, ngayong narito na si Kian kung pwede ay ayaw na niyang lisanin ang bansa.

Parang ayaw niyang mahiwalay kay Kian sa napakalayong lugar. Baka iyon pa ang magiging dahilan ng pagtamlay ng kanilang matiwasay na relasyon.

HANGGANG KAILAN KITA IIBIGIN ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon