Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- onzième -

1.1K 34 10
By toneewritestragedies

onzième (fairy godfather) -

Kung saan-saang boutique kami pumunta nina Paris at Jessica. Nakakapagod at nakakahilo maglilibot sa mall at magsukat ng kung anu-ano!

"Ano ba 'yan, Suri! Lahat na lang ng isuot mong damit o dress bagay sa'yo. Nakakaasar. mag-model ka na ngang talaga!" pa-OA na sabi ni Jessica habang nakaupo sa couch nang pinasukan naming mamahaling boutique.

"Oo nga, Sasha. Ba't 'di ka na lang nag-model?" sabi ni Paris habang naka-cross arms na nakatayo at nakatingin sa dress na kakasukat ko lang.

"Asus, as if magmo-model ang babaeng 'yan, Paris. Wala ngang self-confidence sa katawan 'yan e!" nilapitan ako ni Jessica para ayusin 'yung mga lukot sa dress.

"Eh alam mo namang mahiyain ako. At saka nakakahiyang humarap sa maraming tao." mahinang sagot ko sa kanila.

"Duh, friend! You're the heir of Hertford Group tapos mahiyain ka? Drop that kind of attitude. Ang ganda mo tapos ganyan kababa ang self-esteem mo." at eto na naman si Jessica para pagalitan ako.

Napanguso ako. Wala naman na kasi akong magagawa kung ganito ako e. Nalakihan ko na ang pagiging ganito. "Jess is correct, kaibigan. Wala kang patutunguhan kung mahiyain ka." at nanggatong naman si Paris. Hay, nabawasan na nga ako ng counsel dahil kay Andrea, nadagdag naman itong si Paris. Ano ba naman 'to? Yes, they are really my friends.

"T-tama na, okay na itong dress sa akin. Maganda. Bayaran na natin." sabi ko sa kanilang dalawa para matapos na ang pgre-reprimand nila sa akin. Pumasok na ako sa fitting room para hubarin na itong dress at bayaran ito.

Paglabas ko, nasa labas na ng boutique sina Jessica at Paris. Pumunta na ako sa counter para bayaran 'yung dress pero sabi ng cashier ay bayad na daw ni Paris. Hay, naisahan na naman ako ng lalaking 'yun! Mula sa make-over hanggang sa damit at sapatos, siya na ang gumastos.

Nang lapitan ko siya parang wala akong mukhang maiharap sa kanya. Nakakahiya kasi lahat siya na ang sumagot.

"Ice ba?" nakangising tanong sa akin ni Paris.

Alanganin ko siyang nginitian. "Uhm, Paris 'di mo naman kailangang gawin ito e. 'Wag kang m-mag-alala, babayaran --"

Pinutol niya ang pagsasalita ko. "Ikaw ang 'wag mag-alala, Sasha. Regalo ko na 'yan sa'yo."

"Just grab the opportunity, Sasha! Saan ka ba makakakita ng ganitong ka-eleganteng lalake 'di ba? Ang yaman mo pala, Paris." sabay baling naman ni Jessica dito.

Tumawa lang ito. "Hindi ah, natutuwa lang ako manglibre dito sa kaibigan ko."

Tinulak naman ako pabiro ni Jess at pasimpleng binulungan. " 'Yung totoo, kaibigan o ka-ibigan? Yeeee."

Iwinasiwas ko 'yung kaliwang kamay ko sa tapat ng mukha niya. "Ano ka ba? 'Wag ka ngang malisyosa."

Tumawa lang si Jess. "Oy, Paris. 'Di ka ba nagugutom? Kumain na tayo. Ilibre mo kami tutal naman friends na tayo 'di ba?"

Ako naman ang sumiko sa kanya ngayon. "Jessica? Ano ka ba, nakakahiya ka!"

Tumawa lang si Paris. "Sige lang, kumain na muna tayo nakakagutom din palang ipag-shopping ang babae. Saan niyo gusto? Ikaw, Sasha?"

"Uhm, kahit saan." simpleng sagot ko.

"Saan ba 'yang kahit saan na 'yan nang mapuntahan?" nakangising tanong niya sa akin.

"Malapit dito sa mall, Paris. Ang sarap kaya ng pagkain dun. Kaso hindi siya fine dining restaurant. Ayos lang ba sa'yo?" si Jess na ang sumagot para sa akin.

"Okay lang sa akin. P-Pero 'di nga? May Kahit Saan talaga na kainan dito?" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Jessica.

Natatawa akong tumango. "Oo nga, Paris. 'Wag kang mag-alala, masarap naman doon sa Kahit Saan e."

"Sige, mukhang exciting ngang makakain sa Kahit Saan na 'yan." tapos tumawa rin siya. " Sa kotse ko na lang kayo sumakay tapos pagkatapos nating kumain, ihahatid ko kayo kung saan niyo p-in-ark 'yung kotse niyo."

Pumayag naman kami sa sinabi niya tapos lumabas na ng mall para sumakay sa kotse niya. Noong nakita ko siya nung hinarang niya ako sa daan, Benz ang kotse niya ngayon naman ay Fortuner. Rich kid ang isang 'to huh.

Napatingin siya sa akin nang mapansing iba ang tingin ko sa kose niya. "Uhh pinahiram lang sa akin 'to, kaibigan. Coding kasi 'yung sa akin e." tapos pilit siyang tumawa. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon pero pakiramdam ko sa kanya talaga ang kotseng 'to.

Pumasok na kami ni Jessica sa loob ng kotse. Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Paris. Sinabi na rin kasi ni Jess 'yung way ng Kahit Saan. Habang nagda-drive siya, tumunog ang kanyang phone at in-on niya ang bluetooth at sinagot ito.

"Hello, Brook?... Oo e, may kasama ako." tapos pasimple siyang tumingin sa amin ni Jess sa may rear view mirror. "Si Sasha at saka si Jessica... Oo nga sabi e. Gago ka ba?... Pupunta kami sa Kahit Saan... Tangina mo, may ganoong kainan... Sa may bandang Kalayaan Ave... bahala ka, sige bye."

Nang matapos ang pag-uusap nila sa phone, binalingan kami ni Paris. "Ahm, okay lang ba kung makisabay sa ating kumain 'yung dalawa kong barkada? Si Brook at saka si Taeyang?"

Napatingin ako bigla kay Jess, kasi parang crush niya 'yung isa doon sa kaibigan ni Paris e. Nakita kong napakagat si Jess sa lower lip niya at kinikilig na tumingin sa akin. Crush niya kasi 'yung guy na mas singkit pa kesa kay Paris at medyo bulky 'yung katawan, parang naggy-gym.

"Sige! Sige! No problem, Paris! They can join. Ano nga ulit 'yung name nung isa?' sobra ang ningning ng mga mata ni Jessica habang nagtatanong kay Paris. Hay, kahit kailan talaga itong kaibigan ko.

"Si Brook? 'Yung parang astroboy 'yung hairstyle?" pag-verify ni Paris.

Umiling si Jess. "Hindi, 'yung cute 'yung eyesmile! Haaaaay!" at umakto naman siya na parang mahihimatay. Naku, pasensya na kayo sa kaibigan ko!

"Ahhh!" napa-snap si Paris. "Si Taeyang! Naku, bakla yata 'yun e. Wala kasing interes sa babae 'yun." tumawa siya pagkatapos.

Umismid si Jess na parang wala siyang paki sa sinabi ni Paris na bakla yata 'yung Taeyang. "Ah basta, kung bakla siya, eh di gagawin ko siyang straight na lalake!"

Napa-face palm na lang ako. Hay, Jessica Suzanne. Lukaret ka talaga.

x - - - - - - - - - - x

Kahit Saan Grill and Restaurant

Hindi kaagad kami kumaan pagdating naming tatlo sa table namin. Inantay pa kasi namin 'yung pagdating nung mga kaibigan ni Paris at ito namang si Jessica, hindi magkaugaga sa pag-aayos hay!

Sa ilang saglit, sabay na dumating 'yung mga kaibigan ni Paris. Hindi ko alam kung sino sa kanila 'yun Brook at Taeyang.

"Oy pare. Sa wakas." sabi ni Paris tapos nakipag-hand shake sa mga kaibigan niya. "Oo nga pala, ipakilala ko lang kayo sa isa't isa para walang ilangan. Girls, mga tropa ko. Si Brook at Taeyang."

Nagbow 'yung bawat isa at nakipag-kamay sa amin nang banggitin ni Paris ang mga pangalan nila, at ito naman si Jessica halos mangisay nang makipagkamay sa kanya si Taeyang. Confimed, crush na crush niya nga ito. Hay, ang kaibigan ko talaga!

Um-order na kami ng foods. Isa ito sa mga paborito naming kainan ni Jessica mula pa noon, cozy kasi ang place at masarap ang pagkain. Medyo naiilang lang ako at hindi mapakali kasi bukod sa hindi talaga ako sanay makihalubilo sa maraming tao ay mga lalaki pa sila. Kasi sa totoo lang maliban sa Dadadi ko at kay Mikko, si Paris at Cedric lang ang naging malapit sa akin, o sige, pwede na si Lyle.

Okay naman 'yung pagkain namin dito. Masaya namang kausap at kasama sina Brook at Taeyang kahit na medyo naiilang pa ako dahil may kasama na naman akong lalaki na hindi ganoon ka-normal sa nature ko. Pero masasabi kong gentleman si Taeyang at si Brook naman ay parang si Paris -- palabiro at may pagka-bad boy.

"Naku Sasha. Kung nasa harap ko lang 'yang ex mo pinaluhod ko na 'yan sa pinaghalong asin at munggo. Ang kapal ng mukha ng hayop." naiiritang sabi ni Brook. Naku, parang mas masahol pa siya kay Paris. Parehas sila ni Jessica mag-react!

"Makaka-move on ka din Sasha, give yourself a break. 'Wag mong pilitin ang sarili mo. Paunti-unti lang." paliwanag naman ni Taeyang. Kabaligtaran naman siya ni Brook sa paraan ng pagsasalita. He's more mature and understanding kaya pala gusto siya ni Jessica.

"Kung makapayo naman kayo kay Sasha, close lang?" sabi naman ni Paris, tumawa na lang ako ng bahagya.

"Okay lang. Alam ko namang malilimutan ko rin siya. Kaunti lang. Magiging professional na lang ako at hahayaan na lang siya." sagot ko.

"That's right my friend. I'm so happy for you ngayon pa lang." segunda naman ni Jessica sa akin pero ang lagkit naman ng tingin niya kay Taeyang na nasa tapat niya pero itong si Brook ay pasimpleng tumitingin sa kanya. Hmm, something's fishy.

"Kaya nga ang sabi ko'y magpaganda siya lalo para tulo-laway 'yung hinayupak niyang ex para makita kung gaano kalaki ang pinakawalan niya." baling naman ni Paris sa akin na as usual, nakangisi na naman siya.

x - - - - - - - - - - x

Gulat na gulat ang mga tao sa bahay namin nang makita ang bago kong ayos pati na ang mga pinamiling mga damit at sapatos ni Paris para sa akin. Pero hindi na rin ako masyadong nagtagal sa living room dahil nahihiya ako na sa akin ang lahat ng atensyon nila.

Pagkatapos kong mag-ayos, nakatitig lang ako sa salamin para makita ang sarili ko.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero ginagawa ko pa rin. Ako rin ang sumira sa sarili kong pangako na makakalimot na ako. He's my first love and first major heartbreak. For me, this kind of love is unbearable.

Habang nagsusuklay ako ng buhok ko, narinig kong tumunog 'yung phone ko.

Unknown number.

Mukhang hindi naman si Paris 'to dahil naka-save na ang number niya dito sa phone ko. Dahan-dahan kong sinagot ito.

"Hello...?"

"Hi there, Ms Shadows." tapos nakarinig ako ng mumunting halakhak sa kabilang linya. Parang natigilan ako sa narinig.

"L-Lyle?" oo, siya nga. Parang 'di ako makapaniwalang tinawagan niya ako.

"Hello." bati niya uli sa akin.

"May problema ba? May mali ba sa reserach na ginawa ko." napakagat pa ako ng lower lip ko sa pagkapahiya. Almost 9pm na at siguro'y abala siya sa pagche-check ng mga term papers namin.

"Wala naman. If you're wondering where I got your number, sa student registry lang. Kamusta ka?" magiliw na tanong niya sa akin.

"A-ayos lang naman ako Lyle. Salamat sa pangungumusta. Ikaw?"

"Mabuti naman. Oo nga pala, are you free tomorrow?"

Natigilan naman ako sa tanong niya. "Hmm, yep. Free naman ako after lunch onwards."

"That's good then. Can we go out for a coffee?"

Hindi ko na namalayan ang sarili kong mapangiti sa aking sarili. He's asking me out. Okay. Be calm, Sasha. He's your professor.

But then I'm not a minor anymore. Wala namang masama 'di ba?

"Ahm kasi, isn't it weird? Kasi..." nag-alangan pa akong ituloy 'yung sunod na sasabihin ko.

"I'm your Master's professor and you're my student. So what? Hindi ka na bata. Hindi ka na nagsusuot ng uniporme at hinahatid ng school service. You're  a professional. What's wrong with that?" sabi niya na puno ng sinseridad.

Umiling ako sa kabilang linya. "W-wala naman."

"So tomorrow then?"

"Sure, Lyle."

"Good night."

"Good night."

Pero bago ko pa tuluyang maibaba ang phone ko, humabol pa ako ng tanong. "Why are you asking me out?"

"I find you different and interesting." he finally said.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 165 23
- Sequel of "My Immortal" Pakibasa po muna 'yung My Immortal, bago ito. Maikli lang naman 'yun. :) para mas maintindihan niyo 'yung story. At para di...
28.3K 557 41
"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit ang megaphone sa buong paaralan. Ok? Sabih...
1.2M 49.1K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.5K 155 13
Where do people who commit suicide go? Benj Castro is a girl who feels defeated in everything, especially in singing. She envies the popular singer J...