Untold Feelings (COMPLETE)

Por gemorya

33.1K 923 280

Paano nga ba kapag ang amo mo ang makakatuluyan mo? At paano nga ba kapag dumating ang araw na pinaghiwalay k... Más

Untold Feelings (Life Game Series 3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Wakas

Kabanata 15

686 25 17
Por gemorya

"Rhenise!" Napalingon ako kay Mica nang tawagin niya ako, bihis na bihis na rin siya para sa skwela. "Pasensya na, kailangan ko pa lang mauna sa school. Susunduin ko pa si Kendrine dahil may problema siya. Uhm, can you do me favor? Pwede bang pakisabi kay Sir Bernard na malelate ako?" mahabang wika niya. Tumango ako at ngumiti.

"Sige, magje-jeep na la-"

"Huh? Bakit? Kasabay mo si Rexford, sige na. Paalam," gusto ko siyang pigilan umalis para magreklamo pero nawala na siya ng tuluyan. Napabagsak ang dalawa kong balikat sa inis. Bakit ba kasi kailangan pa akong sumabay sa kaniya, kung puwede naman akong mag-jeep!

"Hoy, inaantay ka na ng alaga mo sa labas." Napairap ako ng palihim sa biglaang sabi ni Manang. Kinakabahan na naman ako, naalala ko na naman ang nangyari kahapon, ang sinabi niya sa akin.

"Sige po," wika ko. Nagmamadali akong lumabas patungo sa kotse, nakita ko pang nasa labas siya na nag-aantay, napaiwas ako ng tingin at dumiretso sa pagpasok na hindi siya pinansin o binati man lang. Ano naman ang sasabihin ko sa kaniya?

"Seatbelt." Gulat akong napatingin sa kaniya na agad rin umiwas nang makitang nakaharap pala siya sa akin. Nagmamadali kong inayos ang seatbelt at hindi na nagsalita pa. Nagsimula na rin naman siyang magmaneho.

"From now on," panimula niya. Nagulat pa ako ng bahagyan sa biglaang pagsalita nito. "Let's not encounter each other in school. Sa bahay na lang tayo mag-usap kapag mahalaga." Tumango na lang ako sa kaniya. Buti naman siya na ang nagsabi no'n. Hindi ko rin kayang maka-usap siya sa skwela, kinakabahan ako lagi nang hindi malaman ang dahilan.

Para akong batang pinapagalitan dito sa kotse, ipit na ipit sa gilid ng pinto. Pinipilit na malayo sa kanya, nagdadasal na sana makarating na kami pero bakit ang bagal ng byahe. Malapit lang naman!

"Shit, traffic." Lumingon ako sa paligid nang magsalita siya no'n. Hindi naman traffic.

"Sira po ba ang kotse mo? Baka po ma-late na tayo." wika ko. Siya lang naman kasi atang nagpapabagal ng takbo. Mabilis naman ang usad ng ibang sasakyan.

"Oh, yeah. Baka nga, ipapatingin ko nalang 'to mamaya." malamig niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa inasta niya, bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya?

"We're here," sambit nito kaya agad akong lumabas pagka hinto niya. Nauubusan ako ng hangin dahil sa kanya.

"Babe!" Napahinto ako nang makita si Camille, naglalakad papunta kay Rexford. Kasama niya ang mga kaibigan nito na masama ang tingin sa akin. Kitang-kita naman sa mga suot nila ngayon na hindi sila basta-basta.

Napayuko ako at maglalakad na sana nang tawagin ako ni Camille. "Kasama mo pala si Rhenise?" tanong nito.

"Yeah, let's go babe." rinig kong sabi ni Rexford, tumabi ako para makadaan sila. Hangga't maaari, iiwasan ko si Camille, ayaw ko ng gulo.

"Camille!"

Hindi pa ako tuluyang makalayo nang mapasigaw ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Hinila ako ni Camille sa buhok. "Bitch!"

"Stop that now!" hindi niya sinunod si Rexford at patuloy lang niya akong hinila. Ano bang problema?

Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Hinawaka ko rin ang buhok niya at sinabunutan ito.

"Ano bang problema mo?!" sigaw kong tanong.

"Ilang ulit ko na bang sinabi na layuan mo si Rexford!"

"Camille, stop that!" Napahiwalay kaming dalawa nang hilahin siya ni Rexford. Dumating din sila Mica at Kendrine kasama ang iba kong kaklase, dinaluhan nila ako.

"Are you okay?" Tumango ako sa tanong ni Kendrine.

"Rhenise, I'll bring you to the clinic." Lumingon ako kay Kenjo nang dumating din siya. Umiling ako. Wala naman kasing sobrang natamo ang katawan ko.

"A-ayos lang ako," wika ko.

"Let's go, marami kang kalmot." Hinawakan niya ang kamay ko, aalis na sana kami nang biglang isigaw ni Mica ang pangalan ni Camille. Napalingon ako sa kanya na hinahabol si Camille at Rexford.

Napaawang ang labi ko nang sampalin niya si Camille. Tumakbo kaming tatlo ni Kenjot at Kendrine papunta sa kanila. Kita ko kung paano nagulat si Camille sa ginawa ni Mica.

"Mica!" sigaw ni Rexford pero hindi siya pinansin ni Mica. Humawak ako sa kamay niya para patagilin.

"How dare you to hurt Rhenise?!" sigaw niya, tumingin ako kay Kendrine at Kenjo para humingi ng tulong pero ngumit lang di Kendrine at sumenyas na hayaan ko.

Paano ko hahayaan kung pati si Mica nadamay. Ano ba kasing trip ni impaktang Camille na 'to?

"As if naman na ikaw ang sinaktan ko. Why are you in her side? Ako ang girlfriend ng kapatid mo, dapat sa akin ka kakampi!" Natawa si Mica.

"Paano kita kakampihan kung ang baho ng ugali mo. Hoy babaeng asungot, akala mo ba bagay kayo ni Rexford? Baka nakalimutan mo na nilandi mo lang naman siya!"

"Hindi ko siya nilandi! He courted me!"

"Of course, he is. Kasi pinilit mo. Baka gusto mong isigaw ko ngayon sa harap ng mga so-called-fans mo rito na hiniwalayan mo si Kenjo para sa kapat-"

"Mica enough!" Gulat akong tumingin kay Kenjo na nasa tabi nang sumigaw siya.

"What? Para naman malaman din ng kapatid ko na ex mo ang haliparot na 'to. 'Di ba, iniwan ka niya para kay Rexord." Nagpapalit ang tingin ko sa kanila. Kita ko kung paano tingnan ng masama ni Rexford si Camille.

"N-no babe, don't believe her. She's lying, ayaw niya lang sa akin para sa'yo kaya ganyan siya." pagmamakaawa ni Camille. Hahawakan niya na sana si Rexford pero umatras ito.

"See? Hindi mo nga sinabi na si Rexford ang dahilan noong muntikan nang magpakamatay si Kenjo dahil sa'yo." Nakangiting sambit ni Mica. Kinakabahan ako sa mangyayari, dapat kanina pa ako umalis.

"Let's go, Mica." Hinila siya ni Kenjo papalayo sa amin. Nagkatinginan kami ni Kendrine, hindi alam ang gagawin.

"Ang sabi mo hindi mo kilala noong una si Kenjo, what are you?" Lumingon ako sa kanilang dalawa. Halos lumuhod na si Camille sa harap ni Rexford sa pagmamakaawa, mas lalong dumami ang mga tao sa paligid. Nagbubulungan.

"H-hindi naman siya mahalaga. Noong nakita kitang kasama niya, nagustuhan na agad kita. Pero simula pa lang naman hindi ko siya mahal."

Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya, ang sama ng ugali. Iniwan niya si Kenjo para sa iba. Kawawa 'yong tao!
Siya pala ang kinukwento sa akin ni Kenjo noong nakaraan.

"Don't talk to me," sambit ni Rexford. Tumingin ako sa kaniya nang lumapit ito sa amin ni Kendrine.

"Let's go, Rhenise." Hinawakan ni Kendrine ang kamay ko para umalis na nang napahinto ulit kami dahil sa pagsigaw ni Camille.

"Are you breaking up with me? Ipagpapalit mo ako sa hampas lupang 'yan? Nawala na ba ang taste mo? Sa mahirap at panget pa talaga!" Akmang susugod si Kendrine sa kaniya nang pigilan ko ito.

"Hayaan mo na, totoo naman." wika ko. Napasinghap siya at inayos ang buhok ko.

"You're not-Hey bitch, you're the one who's panget here. Desperada ka!" Gulat na mukha ang nakita ko kay Camille nang sigawan siya ni Kendrine.

Tumingin siya kay Rexford. "Answer me Rexford! Are you breaking up with me and run away with that slu-"

"Yes!" Natahimik kaming lahat sa pagsigaw niya.

"Pinapakita mo lang sa akin ngayon na hindi ka karapa't dapat ipaglaban Camille. Look at you, you're not like that before kapag magkasama tayo. Let's stop this nonsense relationship. I promised to myself that I won't leave you dahil kailangan mo rin ako. But right now, sinisira ko na." mahabang lintana niya.

"Really? You're breaking up with me and be with her?" Umiwas agad ako ng tingin nang ituro niya ako.

"T-tara na," sabi ko kay Kendrine.

"I like her and she's better than you, Camille."

Seguir leyendo

También te gustarán

153K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
2.4K 221 42
She was percieved to be the school's greatest playgirl after a break-up caused a major setback and scandal. But Chloe San Diego found an ally that h...
1.8M 36.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
209K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.