Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- onzième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- dixième -

1.1K 41 2
By toneewritestragedies

Your Boyfriend Sucks

storyline by toneewritestragedies

dixième (start of something) -

x - - - - - - - - - - x  

Lumipas na rin ang ilang linggo na naging mga buwan. Matapos 'yung nangyari last time, hindi ko na rin nakita si Cedric at si Andie. Mabuti na rin siguro 'yung ganoon para ma-refresh ko 'yung sarili ko mula sa sakit. Masasabi ko rin na nakakapag-move on na din. Hindi na ako umiiyak, hindi ko na rin siya naiisip masyado pero kapag naaalala ko siya, doon ako nakakaramdam ng kalungkutan. Ang hirap talaga ng ganitong nagmo-move on ka. Tapos makikita mo 'yung napakagaling mong ex na magiging katrabaho mo para sa itatayong building ng Zurich Artistry? Ang saklap naman 'di ba?

"We've got here Delano Builders as our contractors." sabi ni Dadadi habang ini-introduce ang grupo nina Cedric sa Board of Trustees ng Hertford. Yes, isa na siya architect ngayon. Ang balita ko'y pumasa siya sa Licensure Exam last month at sumabak na siya sa kumpanya ng kanilang pamilya. Ang saklap bakit kasi kailangang sila pa? Ang daming ibang pwedeng contractor 'di ba?

I know also for a fact that Dadadi knows that Cedric and I already broke up, sinabi ko na lang na irreconcilable differences ang rason kung bakit kami naghiwalay dahil kung sasabihin ko ang dahilan, lalo pang magkakagulo at ayokong mangyari 'yun. Well, this is business, nothing personal. Pero 'di ko alam kung paano ako makakapag-trabaho nito!

Umupo na sila sa kanilang pwesto at ito namang si Cedric ay umupo sa tapat ko. Tsk, kung minamalas ka nga naman. Nginitian niya ako pero hindi ko siya nilingon. I pretended I did not see him smiled at me. Nakinig na lang ako sa mga sinabi ni Dadadi pati ng ibang members ng Board. Nakakainis nga dahil wala dito si Mikko para kahit paano'y may reliever ako kaso kasi nasa New York siya ngayon kasama ni Lindsay. Nagtatrabaho siya under Hertford Americas.

Nakatingin lang ako sa laptop ko at nagta-type ng mga possible things na pwedeng idagdag pati na rin ang mga napag-meeting-an sa araw na 'to. Nakakainis! Ang awkward! The more kasi na mag-act ako ng normal, the more na nagiging pilit ang mga ikinikilos ka na mas kapansin-pansin lalo't nasa tapat ko lang si Cedric. 'Pag napapatingin ako sa gawi niya, ngini-ngitian niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Ang kapal ng mukhang gawin 'yan sa akin! Palibhasa kasi'y sila ang contractor ng Hertford kaya bait-baitan siya!

"Okay, so I believe everything is already settled then? Delano Builders will schedule the start of the construction." 'yan ang huling sinabi ni Dadadi bago pa mag-adjourn ang meeting.

Nagmadali akong nagpaalam sa kanila pati sa Daddy ko at nag-rush nang umalis ng conference hall. Ayoko kasing maabutan ako ni Cedric o makadaupang-palad pa siya. At saka magkikita pa kami ni Jessica kaya dapat ay makaalis na ako dito.

Ang dyahe naman dahil ang tagal dumating ng elevator at si Cedric papalapit na sa akin. And yes, nakatayo na siya ngayon sa likuran ko. Hinding-hindi talaga ako lumingon sa gawi niya dahil kunwari'y hindi ko siya napansin. Matapos ang ilang segundo'y dumating na din sa wakas ang elevator at dali-dali akong pumasok. Pipindutin ko na sana ang 'close' button para hindi na siya makahabol pero iniharang niya ang kamay niya sa pintuan para tumigil ito sa pagsara.

"Oops." sabi niya at pumasok siya sa loob.

Hindi ko pa din siya pinansin noong nginitian niya ako.

"You look so great, Sasha. Bagay sa'yo ang maging businesswoman." sabi niya sa akin. Kung hindi ba naman makapal ang mukha niya para kausapin ako, parang hindi siya nangaliwa.

Pilit akong ngumisi at tumawa ng pagak. "Thank you. Bakit kailangan kayo pa ang contractor namin?" I really wanted to get the answer straight from him why he's here.

"I don't know. My dad has been contacted by Mr Shadows. Ayoko sanang tanggapin ang architect post pero itong Zurich Artistry ay magandang opportunity para sa akin dahil ito 'yung una kong project bilang isang ganap na arkitekto." diretso niyang sagot sa akin. Hay, ang awkward talaga.

Tumango lang ako. Sabi ko na e, si Dadadi talaga ang may pakana. Umaasa pa ba siyang magkakabalikan kami ni Cedric? Ang imposible na niyon.

Nang malapit na kami sa ground floor, humarap sa akin si Cedric at mahina niya akong isinandal sa glass wall ng elevator na siyang nakapagpagulat sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Ang mas nakakainis pa ay 'yung lakas ng tibok ng puso ko -- na hindi ko alam kung bakit. Kung ito ba'y dala ng pagmamahal ko sa kanya o galit.

"And also the other reason why I accepted this role is I wanna get close to you again. Gagawin ko ang lahat para maging ayos na ang lahat sa atin at mapatawad mo ako. You're so precious that it pains seeing you unhappy."

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi niya sa akin. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako nang mahigpit. He's unfair. How could he say that to me?

"How could you say I'm so precious that you dare to hurt me like this!" tinulak ko siya sa lakas ng makakaya ko. Sakto ang pagbukas ng elevator ay lumabas na ako at tumakbo na paalis ng Hertford Tower.

Nang makarating ako sa kotse, doon na nagsimulang bumuhos ang mga luha ko hanggang sa humagulgol ako at isinandal ang sarili sa steering wheel. Ang sakit-sakit! Bakit kailangan niya pang magsalita ng mga ganoong bagay? 'Di ba nga nagmo-move on na ako? 'Di ba hindi na ako umiiyak? Pero bakit ganito na naman? Sobra na 'to e!

Nakita ko na lang ang sarili kong kinuha ang cellphone ko at i-d-in-ial ang cellphone number ni Paris. Hindi ko alam kung bakit siya ang unang taong naisip kong tawagan kesa kay Mikko o kay Jessica.

Pag-dial ko ng number niya, ilang ring lang at sumagot na siya. "Hello...?" napakagat ako sa lower lip ko kasi 'yung tono ng boses niya e parang kakagising niya lang.

Suminghot muna ako at pinigilan ang pag-iyak bago sumagot. "P-Paris?"

"Oh Sasha? Ikaw ba 'yan?" parang umayos na 'yung tono niya.

"Oo ako 'to." mahinang sagot ko.

"Pasensya na kung sabog ako, kagigising ko lang e. May problema ba?"

"Naku, ako nga dapat ang manghihingi ng sorry sa'yo naabala pa kita." ugh, nakakahiya!

"Ice lang 'yun kaibigan. Walang problema. Umiiyak ka ano? Siguro nakita mo 'yung ahas mong ex?"

Nakakahiya man aminin pero tama siya. Hindi na lang ako umimik sa kabilang linya.

"Tangina Sasha, 'di ka pa nagsasawa sa kaiiyak? Akala ko ba nakaka-move on ka na? E ano pa 'yang kinaiiyak mo?"

Nagpatuloy uli ako sa pag-iyak pero hinihinaan ko na lang dahil baka lalo pa siyang mainis sa akin.

"E kasi Paris, si Cedric. S-siya 'yung contractor namin sa itatayong Art Museum ng family ko. He's gonna be the architect.  I can't bear working with him." ngayon ay hindi na ako humihikbi, dumadaloy na lang ang luha sa mga mata ko.

"O ano'ng gusto mong gawin ko? Patambangan ko na ba?" seryosong sabi niya sa akin pero ewan ko ba, natawa na lang ako bigla sa sinabi niya.

"H-hindi. I-I mean gusto ko lang may mapagsabihan ng nararamdaman ko. Baka mabangga ko ang kotse ko sa sobrang inis 'pag hindi ko ikinwento 'to sa iba."

Tumawa siya sa kabilang linya. "Nakakatawa ka kaibigan. Pero mabuti na nagkwento ka, baka sumabog ka e... Ay, teka may naisip ako!" nag-snap pa siya sa kabilang linya.

"Ano?"

"Hmm, may pupuntahan ka ba ngayon?"

"Magkikita sana kami ni Jessica, 'yung kaibigan ko. Bakit?"

"Sasama ako sa inyo, magpa-make over ka. Ngayon na natin sisimulan ang pagwawasak sa puso ng ahas na 'yun."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ha? Ano'ng sabi mo?

"Pupunta tayo sa salon tapos bumili ka ng mga damit mo. Mag-ayos ka para hindi ka mangmukhang manang." paliwanag niya sa akin.

x - - - - - - - - - - x

Hindi ko na namalayan ang sarili kong pumayag sa sinabi niya kaya nag-drive na ako sa pinakamalapit na mall. T-in-ext ko na rin si Jess na kasama namin si Paris at may change of plans.  'Wag niyo nang tanungin kung ano ang reaction ng kaibigan ko, tuwang-tuwa lang naman siya na makikita niya ulit si Paris.

"Sasha!" ang lakas ng pagkakatawag ni Jessica sa pangalan ko nang magkita kami sa mall. Hindi naman ganoon kalayo ang distansya namin pero nakakaulinig ang boses niya. Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. "Magha-hyperventilate ako, sigurado ka bang kasama natin si Paris? Gosh friend, chance mo na 'to!"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong chance?"

Tinapik niya ako sa braso. " Anong chance ka dyan?"

Umikot ang paningin niya at inakay ako para makapaglakad na kami at puntahan si Paris sa isang fast food sa 2nd floor.

"I mean, kasi 'di ba nag-effort pa talaga siya na sumama para ipa-make over ka? O 'di ba ang saya saya?" tumawa pa siya na akala mo kontrabida sa isang teleserye.

Ngumuso lang ako. Nang makarating na kami sa fast food, nakita na namin si Paris na kinakawayan kami habang nakangisi. Tumayo siya sa kinaupuan niya at luampit sa amin. Ito naman si Jess, gusto ko nang kurutin sa singit dahil parang kiti kiti nang makita si Paris. Hay naku.

Nakipag-high five siya sa aming dalawa. "Kamusta kaibigan?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang naman ako." tipid na sagot ko sa kanya.

Humarang naman sa gitna namin ni Paris si Jessica at tila nagpa-cute. "Ako Paris? Hindi mo ba tatanungin kung okay lang ako?"

Ngumisi lang si Paris. "Hindi e, pero 'yung barkada kong si Brook kinakamusta ka."

Nawala ang ngiti ni Jess at parang nagtaka. "Brook? Who's that pokemon?"

"Si Bulbasour, 'de joke lang. 'Yung kasama ko doon sa restarurant. 'Yung mukhang tukmol. Ayun 'yun." paliwanag ni Paris sa kanya.

Natawa si Jess. "Ikaw naman, Paris nagjo-joke ka e. Pero, honestly 'di ko na natatandaan ang itsura nila." pinagdikit ni Jessica 'yung dalawang dulo ng hintuturo niya.

Umakto namang natamaan sa puso ng kung ano si Paris. "Aray ko naman, kawawa naman si Brook! Teka, gusto niyo na bang ipaayos na natin si Sasha?"

"Eee..." 'yun na lang ang nasabi ko.

Nginitian ako ni Jessica nang makahulugan at iniangkla niya ang kanyang braso sa akin at hinila-hila ito."Tara na, Suri! I'm so excited for your total make-over!"

Bahala na, mukhang hindi na ako makakatanggi sa dalawang ito.

x - - - - - - - - - - x

Pumunta kami sa isang salon. Si Paris 'yung parang frontliner namin habang karay-karay naman ako ni Jess na nasa likod nito. Magiliw kaming binati ng receptionist pati na ang mga staff dito.

"Yes, sir, maam. Ano po'ng maitutulong namin sa inyo?" nakangiting sabi ng receptionist.

"Gusto kong i-make over niyo siya. 'Yung magmumukha siyang hindi manang ha." itinuro ako ni Paris, awtomatiko naman akong napayuko sa ginawa niya.

Parang nag-aalangan pa ang receptionist nang makita ako. "Eh sir, maganda naman po si Ma'am. Mag-ayos lang siya ng kaunti."

"Alam kong maganda siya, Miss. Ayoko lang ng simpleng ayos. Gusto ko 'yung magsa-stand out siya sa iba. 'Yun lang. Kaya niyo namang gawin 'yun 'di ba? Unless mas magaling mag-make over 'yung kabilang salon." seryosong sabi ni Paris.

Parang nangatal sa kaba 'yung receptionist. Pasimpleng natawa si Jess kaya siniko ko siya para itigil ang ginagawa niya.

"H-ha? Hindi po sir, maam. M-mas magaling po kami kesa sa kabilang salon! Kaya po naming gawing mag-stand out ng bongga si Maam." nag-bow siya sa amin at tinawag 'yung ibang members ng salon.  Sa ilang saglit ay nagsilapit sa aking ang isang babae at babae rin. Hindi ko alam kung transsexual siya o ano basta malaki ang kanyang hinaharap.

Friendly ang approach nila sa akin nang akayin nila ako papunta sa pwesto ko. Medyo naiilang nga ako kasi first time kong makarinig sa ibang tao na pinupuri nila 'yung mahaba at maalon kong buhok, 'yung kutis ko, basta! Hindi ako mapakali. Hindi na nila ako tinanong kung anong klaseng ayos ang gusto ko dahil sila na daw ang bahala in the first place. Nakikita ko naman sa reflection ng mirror na nakaupo sa magkabilang side ng couch sina Paris at Jessica. Nagtitingin ng magazine ang kaibigan ko habang si Paris naman ay nagbabasa ng textbooks niya sa Law School, siguro nag-a-advance study siya o may exam. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa dibdib ko kasi nagpumilit pa siyang sumama dito para ipa-make over ako.

x - - - - - - - - - - x

after few hours

(sasha's make-over at the poster photo at the right side!)

Natulala ako nang makita ko ang bagong ayos ko sa harap ng salamin. Alam kong ako ito pero hindi ko ma-imagine na pwede pa pala ako maayos nang ganito. Hindi ako makapaniwala.

Niyakap ako ni Jess sa tagiliran ko na tuwang-tuwa sa nakita sa akin. "Friend! Sabi ko na e. Mas maganda ka talaga 'pag naayusan ka! Maglaway sa'yo ang mga boys lalo na si Cedric. Hmf!"

Nginitian ko lang siya. Nilapitan naman ako ni Paris at inilagay ang kanyang thumb at forefinger sa kanyang baba na tila ine-examine ang itsura ko ngayon. Blangko lang ang expression niya, hindi ko alam kung ayaw ba niya o ano e.

"P-Paris? Pangit ba ako?" tanong ko sa kanya.

Poker face pa din siya at natagalan pa bago sumagot. Tinanguan niya ako. "Ice 'yan, kaibigan. Magandang-maganda ka na.  Stand out ka nga talaga sa iba."

Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi niya. Ay, ano ba 'to? Bakit ba ako ninenerbyos? Hinugot ni Paris 'yung wallet niya sa kanyang bulsa sa bulsa nga kanyang pantalon sa likuran at ipinatong ang isang credit card sa table ng receptionist.

"Dito mo i-charge sa lahat ng ginawa niyo sa kanya." cool na sabi niya. Dali-dali namang ini-swipe ng babae ang credit card ni Paris.

"Uhm, Paris. Bakit mo binayaran 'to? K-kaya ko naman e. May card naman akong dala." sabi ko sa kanya.

W-in-ave niya ang dalawang kamay niya na naka-level sa dibdib niya, "No problem, Sasha. Treat ko na 'to sa'yo kaya ice lang."

Siniko naman ako sa braso ni Jessica. "Ang arte mo, friend. Grab it! Si Paris na ang nanlibre sa'yo. O 'di ba ang saya?"

"Eh kasi, nilibre niya na naman ako. Nakakahiya na"

"Sus, wala 'yun kaibigan. Alam mo naman kaibigan kita kaya gusto ko happy ka." nakangising sabi niya sa akin. "Kaya ngayon, tara na at bibili naman tayo ng mga damit mo."

At bago pa akong makapag-react inakbayan niya na ako at lumabas na sa salon.

"This date is going to be fine! Ayun nga lang, ako ang chaperone." narinig kong sabi ni Jessica mula sa likuran namin ni Paris.

Ugh, seryoso  ba siya dito?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 119 31
Matapos ang gulo na ginawa ni Carmilla sa Royal Bloods hindi pa rin natatapos doon ang lahat. Iyon ang alam ni Alucard kaya naman para sa isang nalal...
419K 6.1K 78
Taming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only in...
4.2K 54 37
Ito ay Kwento ni Kaori Oinuma na isang Prinsesa sa Korea at gusto niyang ng Bagong environment Kayang pumunta siya Pilipinas at makilala niya si Seth...
1.9M 70.5K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...