Not the Plan

Par HahuYeah

276K 16K 4.7K

Falling in love was never Do Kyungsoo's plan. It's pretension. Text copyright ยฉ 2015 by HahuYeah [Language: F... Plus

Introduction
Prologue
Plan 1
Plan 2
Plan 3
Plan 4
Plan 5
Plan 6
Plan 7
Plan 9
Plan 10
Plan 11
Plan 12
Plan 13
Plan 14
Plan 15
Plan 16
Plan 17
Plan 18
Plan 19
Plan 20
Plan 21
Plan 22
Plan 23
Plan 24
Plan 25
Plan 26
Plan 27
Plan 28
Plan 29
Plan 30
Plan 31
Plan 32
Plan 33
Plan 34
Plan 35
Plan 36
Plan 37
Plan 38
Plan 39
Plan 40
Plan 41
Plan 42
Plan 43
Part 44
Plan 45
Plan 46
Plan 47
Plan 48
Plan 49
Plan 50
Plan 51
Plan 52
Epilogue
Author's Note

Plan 8

5.5K 325 150
Par HahuYeah




~Do Kyungsoo~




 Napatingin ako kay Jongin habang hinihila ko yung camping bag mula sa cabinet. Mageempake na ako para hindi ako mag-cram. Nakaupo siya habang nagbabasa ng isang libro.



"Hindi ka pa magpa-pack?" tanong ko sakanya habang nilalabas na ang ilan kong gamit.



Napatingin siya sakin saglit at umiling. "Not yet." tipid na sagot niya.



Napatango nalang ako at tuloy lang sa pag-aayos nang may maalala ako. "Siya nga pala," simula ko at saka siya napatingin sakin sabay taas ng isang kilay.



"What?" tanong niya. Tignan mo to. Napakasuplado talaga.



"Anong promise?" tanong ko. Naguguluhan kasi talaga ako sa sinabi niya kay Chen na promise ko sakanya. "Nag-promise ba talaga ako sayo noon? Bat parang wala akong maalala?" sabi ko pa habang tinitiklop ng maayos yung mga damit na nakuha ko na.



Umiwas ng tingin si Jongin saka binalik sa libro yung atensyon niya. "A-anong sinasabi mo?" tanong niya habang umiiling. Napa-frown siya at hindi ako tinitignan, parang nagtataka pa nga.



"Yung sinabi mo nung isang araw," sabi ko naman habang naka-irap sakanya. "Nakalimutan mo agad?"



"Huh." sabi niya saka umiling ulit. "Wala akong maalala." 



Sa sobrang inis ko, naibato ko sakanya yung isang shirt ko na hawak ko. Ano to? Nag-iimagine ako, ganun? Ako pa yung sinungaling, ganun? Assuming ako, ganun? Aba. Aba.



"ANO BA?" sigaw niya sabay bato sakin pabalik nung damit. "Para kang bata ah!"



"Ako pa yung parang bata?" sigaw ko din naman pabalik. "Ikaw nga tong magulo kausap. Hindi naman kasi talaga ako nag-promise na travel buddies tayo diba? Saan mo nakuha yun?" napa-irap ako sakanya at nag-ayos nalang ulit ng gamit.



"Psh." sagot niya. "Pake mo ba? Eh sa gusto ko eh."



Tinaasan ko siya ng kilay. "Yeah, right. Spoiled jerk."



Umiling siya saka sinara yung libro niya. "I just don't want to be paired with some other people there." seryoso niyang sabi. "Mabuti na yung medyo kakilala ko diba. I don't want to feel uncomfortable." Napatingin siya sa ginagawa ko saka binuksan ulit yung libro niya at nagbasa.



"Bakit hindi si Chanyeol yung tinawag mo?" tanong ko.



"Maingay." sagot niya. "Isa pa, i'm sure, si Baek na ang partner niya."



"Eh bat ako?" 



Tinignan niya ako saka nagtaas ng dalawang kilay. "You're my roommate." sagot niya. "We know each other. Saka hindi ka maingay." tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You're not really that annoying."



"Certified jerk." bulong ko at saka zinipper yung camping bag. Matapos mag-empake ay tumayo na ako at naglakad papunta sa desk.



Hinila ko yung journal saka binuksan ito. Binasa ko yung mga recent entries at narealize na wala na akong masyadong nasusulat kaya naman kukunin ko nalang ito sa camping. Baka sakaling may maikwento ako diba?



Itatago ko na sana ito nang may maalala ako. Agad ko itong binuksan saka kumuha ng ballpen.




Journal entry #3: 

Bisexual pala si Baek at mahal niya si Yeol. Paano kaya yun? Hindi kaya complicated? 

Nameet ko din pala si Krystal, ang manliligaw ni Jongin. Maganda. Pero hindi mabait. Maiinlove daw ako sa Jongin niya? ABA! Kanyang-kanya na ah. Hindi ko naman pag-iinteresan yung nognog na yun. Pwe.




Napa-pout ako saka sinara ito. Feeling ko para akong dalagang may diary. Nakakahiya tuloy. DAPAT KASI MANLY AKO! Hay. Siguro tatawagan ko nalang si Mommy mamaya para kumustahin ko din sila ni Daddy. 




Tinago ko na yung journal saka kinuha yung bag na hinihiram ni Chen.



"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Jongin nang papalabas na ako ng kwarto. Nilingon ko siya saka napa-shrug.



"Kay Chen." sagot ko.



Tinaas niya yung isa niyang kilay. "Akala ko ba tayo na?"



Pero teka--- KAMI NA?!



"A-ano?" gulat na tanong ko sakanya. Nanlaki ang mga mata ko saka tinignan siya na parang may sayad siya sa ulo. Yung totoo Kim Jongin?



Tumango siya. "Diba?" sabi pa niya. "Tayo na ang travel buddies. Bat mo pa siya pupuntahan?" Napa-cross arms siya at talaga namang inis na inis nga ang mukha.



ANONG GINAWA KO SAKANYA?!



"Ano bang sinasabi mo?" inis na sabi ko saka napakamot sa ulo. "Ibibigay ko lang ito oh. Hiniram niya noong isang araw."



"Nung isang araw?" tanong ni Jongin saka nawala ang inis sa mukha niya. Napalitan ito ng medyo gulat. "Yun yung sinabi niya sayo?"



Tumango ako. "Oo," Minsan talaga, hindi ko na maintindihan tong nognog na ito. "Hindi pa nga niya natuloy yung sasabihin niya kasi singit ka ng singit." napa-eye roll pa ako at hinawakan yung knob ng pinto.



"A-akala ko..." mahinang sabi ni Jongin at napa-iling iling. Mukhang shock na shock pa siya. Ano bang meron? Am I missing something? Ah. Bahala na nga.



"Alis muna ako ah." pag-papaalam ko saka binuksan yung pinto. "Balik din ako agad." ngumiti ako sakanya ng maliit at hindi na hinintay yung sasabihin niya.



Naglakad ako papunta sa elevator dahil sa itaas pa ang dorm room ni Chen. Pinindot ko ang 'UP' button at hinintay na dumating ito.



Bumukas ang pinto ng elevator at isang Chanyeol at Baekhyun ang nakita kong...



magka-holding hands?



Pero agad din silang bumitaw. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sakanila.



"K-Kyungsoo," simula ni Chanyeol pero hindi na niya tinuloy pa. Napatingin ako sakanilang dalawa at halata sa mga mukha nila ang takot at gulat.



Sila na ba? Bat ganun? Ano to?



"We can explain," simula ni Baek pero umiling ako.



"I can... keep quiet." mahina kong sabi saka napatingin sa paligid. Bakit kasi napaka-careless nila? Paano pag hindi ako ang nakakita sakanila?



Nagkatinginan sila saka lumabas sa elevator. Pareho kasi kami ng floor.



"Next time," simula ko saka tumingin sakanila. "Mag-ingat kayo. Buti nalang ako ang nakakita sainyo." 



Tumango si Chanyeol. "Sorry, Kyung." Napatingin siya kay Baekhyun. "Halika na, Baek." sabi niya at tumango naman ang isa.



Binigyan pa nila ako ng isa pang ngiti saka naglakad pabalik sa dorm room nila.



Napabutong hininga ako. Now they're doing something na against sa law nitong school. Paano pag nahuli sila? Paano pag nalaman ng iba yun?



Pumasok na ako sa elevator at papasara na sana ito nang isang kamay ang pumigil dito. Napatingin ako kay Jongin na medyo hingal pang pumasok sa loob.



"Oh, anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya nang tuluyan na ngang nagsara yung elevator.



Napatingin siya sakin. "Sasamahan ka." sabi niya at saka umiling. "And... Chan and Baek..." 



Ah. So nakita din niya.



"Yeah." sagot ko saka tumango-tango. "Hindi ko alam pero, kahit paano, I'm really happy for them." dagdag ko saka napangiti.



Tumingin sakin si Jongin at isang ngiti ang unti-unting lumabas mula sa labi niya. "Me, too." sagot niya saka tumango ng isang beses.



Napaisip ako saglit saka natawa. "Sira talaga yung dalawang yun. They don't know how risky their situation is."



"Let's keep out mouths shut." sabi ni Jongin saka tumingin sakin. "With that, we can help them."



Tumango ako at ngumiti sakanya. "Sure." sagot ko. Napatingin ako ulit sakanya saka tinaas ang isa kong kilay. "Bat mo nga pala ako sasamahan? Kaya ko ang sarili ko."



Natawa siya ng mahina. "May pupuntahan din ako, huwag kang mag-alala. Hindi lang sayo umiikot ang mundo, Do Kyungsoo." Mapang-asar na sabi niya habang natatawa.



Inirapan ko siya. "Sus. Denial." bulong ko.



He smirked. "Maybe." 





Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

22.6K 761 23
A Love that started in a contract, Forbidden to be in love, But always found each other's path in North.
15.3K 813 121
Kahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya s...
2.8K 189 22
"to my mark lee" a thread by lee donghyuck, his childhood sweetheart. a short story ๐Ÿ’Œ ๐•Š๐•ฅ๐•’๐•ฃ๐•ฅ: 6-10-20
5.2K 157 8
A BrightWin short story, this story is an omega where a man can be pregnant