*ASTRED*
Bumalik ako sa loob ng room. Puro maingay, hay naku, parang gusto kong bumalik sa green house...nah, wag nalang, baka may maabutan pa ulit akong kababalaghan. Unang araw pa lang naboboring na ako, paano ba naman kasi, 24 na ako tapos mag-aaral ulit ako.
"hey you!" napahinto ako at napalingon sa likod. Tsk! Don't tell me pati dito sinundan niya ako.
'naku, mukhang bago yung girl'
'oo nga'
'chicks pa naman'
'makaka survive kaya siya?'
Hindi ako na inform na bahay pala to ng mga bubuyog, masyadong maiingay ang bulong nila.
"bakit" humarap ako at naghikab.
"bakit kasama mo si Hozu" huh? Sino daw? Hozu?...ah yung babaero.
"kasi tinulungan niya akong hanapin yung room ko?" sige lang Red, magpaka inosente ka.
"tss at sumasagot ka pa?" siraulo to ah.
"malamang tinanong mo ako eh" rinig ko pa ang singhap ng iba. Para silang timang. Sinagot ko lang naman yung tanong nila, pero kung makapag react parang may sinabi akong mali.
'barado ka Lazeri!'
'naku sumagot pa siya!'
'wooh, away na yan!'
"you bitch!" napahilot ako ng noo bago siya titigan. Kita ko pa sa malayo yung Hozu at yung malamig na lalaki.
"hindi ako salamin" mukhang nainis naman siya bago ako samaan ng tingin. Grabe, siya yung nauna pero siya pa tong galit na galit.
"i challenge you to a fight bitch!" grabe siya oh. Mukha talagang gusto niya ng gulo.
'yown!'
'wooh!'
"oh it's on" sagot ko bago tumalikod. Bahala ka jan.
'ang tapang ng baguhan!'
'tignan natin kung may ibubuga ka!'
'maldita pa naman si Lazeri!'
Ah yun pala pangalan niya. Kasing ganda niya, kaya lang yung ugali...zero.
Pumasok na ako at naupo. Tsk! Boring. Nilalaro ko lang ang ballpen sa kamay ko.
"mukhang may away mamaya ah" rinig kong banggit ni Hozu. Anjan na pala sila.
"oh talaga? Sino?" tanong nung isang lalaking katabi niya.
"may hinamon si Lazeri" i bet nakangisi yan.
"hala, may bagong napagdiskitahan na naman siya?" sambit ng katabi ko.
"ka bago-bago lapitin na ng gulo" naasandal ako sa upuan bago humikab.
"wala ka naman sigurong pakialam diba?" Mukhang ayaw niya sa'kin.
"what? Ikaw ba yun?"
"yung hinamon ni Lazeri?"
"yung babaeng yun, lahat nalang ng bago hinahamon"
Hay naku po. Sumabat pa kasi ang yelo eh.
"tsk!"
Kuso yarō!
Rinig ko pa ang tanong nila pero umubub nalang ako. Nakakatamad naman kasi eh.
Tumayo lang ako nung ginising ako ni Zameah yata yung pangalan. Oo yun nga. Nakaka antok, bakit ba ako antok na antok. Buntis yata ako...pero imposible.
-
*KEELAN*
Tsk! Hindi ko din gusto ang tabas ng dila niya.
"bakit parang antok na antok ka?" tsk! Bakit ba kasama namin siya. As usual, dito kami sa cafeteria, at kasama pa rin siya. Tsk! Bakit ba katapat ko pa siya. It's annoying, and uncomfortable.
"ayaw mo bang kumaen? Hindi mo gusto?" pinaglalaruan niya lang yung pagkain.
"buntis ka ba?" napahinto naman siya at napalingon kay Hozu. Napakunot noo naman siya.
"how did you know?" what? I heard gasp from them. Ang o.a.
"w-what?"
"b-buntis ka?"
"eto oh sa'yo nalang"
Tsk! They're so caring. Napatakip naman siya ng bibig gamit ang kamay.
"mukha ba akong buntis?"
"she's not pregnant, mukhang wala ngang magkakagusto sa kanya" napalingon naman siya at napatitig sa'kin. Bored lang yun. Para bang tamad na tamad siya.
-
*ASTRED*
What's wrong with this guy. Wala naman akong ginawa sa kanya pero napaka negative ng attitude na binibigay niya sa'kin. Siraulo din to eh. Sabat ng sabat. Pero ang ganda talaga ng mata niya.
Kakain na sana ako ng biglang may kumuha ng pagkain ko at binuhos sa'kin. Rinig ko pa ang singhap ng mga estudyante.
Kuso yarō!
'oohh!'
'ayan na!'
'laban na!'
"how's that, bitch!"
Pinunasan ko muna ang mga pagkain sa mukha at ulo ko. Tumayo ako at hinarap siya.
"Lazeri!"
"not her"
Ramdam kong nakatingin sila pero wala kong pake.
"masarap ba?" bored ko lang siyang tinitigan na ikinainis niya lalo.
"you bitch!" umiwas ako at gumilid ng naglabas siya ng latigo, kaya sa lamesa tumama imbes na sa'kin.
'fight! fight! fight!'
"hey, watched it!"
Lumayo ako sa kanila para hindi sila madamay. Nasira ang araw ko. Nawalan ako ng gana dahil sa babaeng to.
"oh what's wrong bitch, scared?" nakangisi lang siya bago maglabas ng latigong gawa sa halaman.
'master'
'no, walang lalabas!'
'sabihin niyo lang'
Gustong lumabas ni Blaze.
Iniwasan ko lang ang latigo niya para humanap ng tampo.
'wag kang umilag!'
'talo na yan!'
"wag kang umilag! Duwag ka! Walang kwenta! Mahina!" napahinto ako at malamig siyang tinitigan. Mukhang nagulat pa siya at lalong sumama ang tingin sa'kin. Naglabas siya ng vines na pinatamaan sakin pero umilag lang ako. Tsk! Ano bang gagawin ko?
"duwag!" i heard gasp from them pero wala akong pakialam.
'Red!'
'oohh!'
Ramdam ko ang dugong lumalabas sa kamay ko habang mahigpit ang kapit sa latigo sa tatama sana sa'kin. Bwisit tong babaeng to ah.
'let it go Red, it has poison!' kuso!
"oh wow, congratulations, you have been poisoned" bigla akong nakaramdam ng lamig sa katawan.
'Red!'
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang dugong lumalabas sa bibig ko.
'oh no!'
'nalason siya!'
Malamig kong tinitigan yung bitch na tumatawa. Mahigpit kong hinawakan ng latigo. Kita ko pa ang gulat niya nang gumapang ang apoy sa latigo kaya nabitawan niya yun. Dinura ko muna yung dugo bago pinunasan yung bibig ko. This bitch. Ayoko siyang patulan kaya lang masyado na siyang nakakasakit.
"tapos ka na?" mukha naman siyang nabigla. Tinitigan ko muna ang kamay ko. Kakaiba ang pakiramdam ko. Nilalamig ang katawan ko. Hindi siya masakit. Ibang klaseng lason to.
"ako naman"
I tap my feet at gulat na gulat siyang napaatras.
Eat my fire.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.
Thank you in advance!