*ASTRED*
Kinaumagahan ay umalis ako para kunin kuno yung halaman na sinasabi nila.
'kukunin mo ang halaman sa ilalim ng lawa sa loob ng kweba, nakabalot ito sa hangin. Kulay pulang bulaklak'
'mga dalawa o tatlong araw lang naman yun kaya good luck!'
Yun yung sinabi nila. Sinabi naman nila yung daan. Okay lang. Pero bakit ako yung inutusan? Tsk! Buti nalang may dala akong bag na may laman na pagkain. Grabe sila, hindi man lang pinasama kahit isa dun sa mga fairy nila. Gusto yata nila akong pahirapan eh.
Gabi na at hindi ko alam kung gaano na ako kalayo naglalakad o kung ilang oras na. Basta lakad lang ako ng lakad.
'Dromir, pwede ko bang magamit ang hangin para makalipad o makatalon ng mataas?'
'pwede, isipin mo lang na lumilipad ka'
Ay ganun kadali? Okay.
Nag inat inat muna ako bago nagconcentrate. I feel the energy envelopes me kaya napamulat ako. Nakakamangha, unti unti akong umaangat sa lupa. I tried to fly.
"SUGOOOII!" nakakalipad ako lumipad ako ng mataas hanggang sa matanaw ko ang buong paligid. Ang galing. Nakahinto ako sa taas kaya kita ko ang buong gubat.
"there you are!" i saw the cave, malayo ito pero kita ko ang madilim nitong lagusan.
Finally!
-
*FERN*
"are you sure?" kinakabahang tanong ni Light.
"yup, i'm sure" pero deep inside kinakabahan ako.
"bakit kasi yun yung pinili mo? Eh dalikado sa lugar ba yun. Mukha lang siyang ordinary pero alam mong may nagbabantay dun!"
Napakagat ako ng daliri dahil kinakabahan ako, bakit nga ba yun ang napili kong lugar.
"isa yun sa training, hindi pwedeng nandito lang siya"
"pwede niyang ikamatay yun! Lagot tayo kay master pag namatay siya!" hindi siya mapakali habang lumilipad sa harap ko.
"hindi ko alam kung bakit iyon ang pinagawa ko sa kanya...pero malakas ang pakiramdam ko na makakalabas siya ng buhay dun" kalamado kong sagoy pero kinakabahan pa din ako.
"ano kaba naman! Tigre ang nagbabantay dun, hindi ordinaryong tigre!" napapikit nalang ako at nakapahilot ng sentido.
Yes, i know.
-
*LIGHT*
Gaga talaga tong isang to eh, ipapadala lang si Red, dun pa sa kweba na yun, sa fire cave!. Tigre ang nagbabantay dun. Hindi ordinaryong tigre dahil isa yung fire tiger, takot nga ang iba na pumasok dun eh, kasi hindi sila makakalabas ng buhay tapos ipapadala niya si Red dun.
Napahinto ako sa paglipad nang makita ko si master na papalapit.
"kumusta si Red" nakangiti niyang tanong. Napalunok ako bago nilingon si Fern.
"uhm si Red" alanganin kong sabi, bigla namang nawala ang ngiti ni master kaya kinabahan ako. Naku master, wag mo akong itapon sa ibang mundo.
Gatekeeper kaya si master. Kaya niyang pumunta sa ibat ibang lugar o mundo na gusto niya. Baka mamaya ipatapon niya ako.
"where is she?" takang tanong niya.
"uhm master-"
"pinadala ko siya sa fire cave" seryosong sagot ni Fern. Napalingon kami nang bigla siyang tumawa.
Hala! Nababaliw na si master.
"magaling Fern, naisip mo rin na ipadala siya dun" nagkatinginan pa kami ni Fern bago nagtatakang tumingin kay master.
"hindi kayo galit?" dapat galit siya kasi pinadala namin si Red dun sa mapanganib na lugar na yun.
"wag kayong mag alala, hindi siya mamamatay, malakas ang batang yun, pareho silang dalawa" nagtaka naman kami sa sinabi niya.
Sino?
-
*ASTRED*
Parang dun sa kweba ni Dromir, may glowing rocks din dito para maging ilaw sa loob ng kweba. Kanina pa ako naglalakad, kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na'to.
Dali dali akong tumakbo hanggang sa matanaw ang bungad. Puro glowing rocks, may tatlong daan din maliban sa dinaanan ko. Saan kaya patungo yun.
Napalingon ako sa lawa dahil sa ilaw nito. Lumapit ako para uminom. Kweba naman to kaya malinis ang tubig dito. I was drinking when i saw a glimpse of color red. Pinakatitigan kong mabuti.
"yun na siguro yun" nilapag ko ang gamit bago naghubad ng damit, ako lang naman dito kaya okay lang hubarin lahat ng damit.
"shit ang lamig!" sobrang lamig ng tubig. Luminga linga pa ako kasi kakaiba ang pakiramdam ko, parang may nakatingin sakin. Kinikilabutan ako.
"here goes nothing!" bago ako tumalon. Medyo malalim pero keri naman.
Ito na yun, a red flower inside of a bubble pero gangin siya. Maingat ko itong kinuha. Ang galing nakapalibot pa din ang hangin. Bumalik na ako sa ibabaw at nagbihis.
"madali lang naman pala eh, akala ko mahirap tong pinagawa nila. Kutusan ko sila pagbalik ko" biglang kumulo ang tiyan ko.
"gutom na ako" humanap ako ng pwesto sa gilid ng lawa, dun ako pumwesto para kumaen. Nakasandal ako sa isang bato habang kumakain ng tinapay. I miss eating a steak. Mashed potatoes. Yum, favorite ko.
"gusto ko ng steak and mashed potatoes" maktol ko bago kumagat. I was in the middle of eating when i heard a growl na nakapagpakilabot sa'kin.
"j-joudan desho?(you're kidding right?)" nagulantang ako nang lumabas mula sa dilim ang isang tigre na matalim ang tingin sa'kin.
Shit! Lintik na mga yun, they left out the most important information about this trip! They never told me about this tiger!
He's huge.
"kuso yarō!(bastard!)"
Matalim ang tingin niya, matalim ang mga pangil at mga kuko. Langhiya! Humanda talaga sila sa'kin pagbalik ko! Lintik lang ang walang ganti.
'how dare this human enter my territory!' eh? It spoke? Oh, i forgot that this is a magical world. Hindi na ako magtataka kung pati halaman magsalita.
Dahan dahan kong kinuha ang bag bago isinuot. Nagawa ko pang humakbang kahit na sobra akong kinakabahan. Tigre pa rin yan eh.
'she will be my feast!'
Napalunok ako bago umikot sa kabila ng lawa habang siya nasa kabila at matalim pa rin ang titig.
"i'm not your feast, and you're not gonna like my taste, i swear!"
'you understand me?' gulat na gulat?
"uh...yeah?" alanganin kong sagot. Napaigtad ako nang lalo itong magalit. Shit! Wala naman akong ginagawang masama ah!
'impossible! How can someone understand me!' umikot ako ng umikot siya. Ang nangyare, nag-ikutan kaming dalawa.
"i swear, i understand you, so please don't eat me" tanga mo Red, tigre yan, kahit magmakaawa ka, kakainin ka niyan.
'i don't care! Prepare to die!' i put my hands on my ears when he let out a loud growl.
"SHIT!" i jump and stay at mid-air. Wooh buti nalang at marunong na akong lumipad.
'ggrrrr! Let me eat you!' napalunok ako, jusko naman oh, ayoko pang mamatay.
'eat him'
Napakunot noo ako sa sinabi ni Dromir. Eat him? Kailangan ko ba siyang iluto?
"hey you! Do you want to eat me?" wow ang tapang mo Red.
Sige nga, kainin mo ako.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.
Thank you in advance!