*ASTRED*
Langhiyang lalaki yun ah, akala niya uubra sakin ang charm niya? Playboy ang pisti. Akala niya madadala ako sa ganun ganun? Asa siya!
"ready ka na?" tumango nalang ako kay tanda kasi nawalan ako sa mood dahil sa lalaking yun.
"kung ganun tara na" bitbit ko ang bag habang nakasunod sa kanya. Huminto kami sa isang puno sa likod bahay niya. Nagtataka ko siyang tinitigan.
"wooow!" bigla nalang kasi siyang lumusot sa katawan ng puno. Inikot ko pa ang puno pero wala dun si tanda. Luh! Astig.
"Red"
"aymatandaka!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib. Jusko! May balak ba siyang patayin ako?
"ano bang ginagawa mo jan? Tara na" tapos lumusot siya ulit, kaya sumunod nalang ako.
"wooow!" nakakamangha ang paligid. Nasa isang lugar kami na maraming halaman at bulaklak. May mataas na falls at malawak na damuhan.
"si master!"
"bumalik na si master!"
"oo nga"
Napalingon ako dahil sa maliliit na boses. Tinitigan kong mabuti ang maliwanag na ilaw hanggang sa makalapit ito sa'min.
"master mabuti at nakabalik ka"
"oo nga master"
Ang cute nila. Mga fairy, wow! Ngayon lang ako nakakita ng fairy.
"nasan si Fern?" tanong ni tanda sa mga cute fairy.
"nandun po nakikipag away na naman kay light"
"hay naku naman" naglakad si tanda habang ako nakatitig lang sa tatlong fairy.
"sino ka?"
"ang ganda niyo naman" mangha kong sabi na nakapagpangiti sa kanila.
"maganda daw ako" sagot nung yellow fairy na parang petals ng sunflower ang suot.
"ako yung sinasabihan niya!" malditang sagot naman nung kulay asul.
"dream on, ako kaya yung maganda!" sabat naman nung pink.
Nakatingin lang ako sa kanila na patuloy lang sa sagutan. Ang cute nila. Sa sobrang mangha ko ay hinablot ko yung kulay pink, tila nagulat naman yung dalawa.
"ano ba masakit!" pinakatitigan ko siya. Wow! Pointed ears siya at ang cute ng mga mata niya. Mabilog.
"watch the wings! Not my wings!" napabitaw ako bigla dahil sa sigaw niya
"i'm sorry hindi ko sinasadya, ang cute mo kasi" habang kinakagat ang daliri ko. Gusto ko silang panggigilan kasi ang cute nila.
"hala, nananakit ka!" blue
"oo nga, bad ka!" yellow
"bakit sinama ka ni master dito? Hindi namin gusto ang ugali mo, mapanakit!"
"pasensiya na, ang cute niyo kasi, ngayon lang ako nakakita ng fairy eh" nakanguso kong sabi. Nagkatinginan naman sila bago ako nilapitan.
"kung ganon, hindi ka taga rito?" tumango nalang ako sa tanong nung blue.
"anong pangalan niyo?" nakangiti kong tanong.
"ako si Yellow!"
"i'm Blue!"
"i'm Pink!"
Ay wow! Mukhang hindi pinagisipan ang pangalan ah, at kasama ako, Red. Luminga ako pero wala na si tanda, oo nga pala naiwan ako.
"naku! Nasan si tanda!" patay ako, naliligaw yata ako.
"sinong tanda?" Pink
"si master ba?" Yellow.
"gumalang ka, master yun!" malditang sagot ni Blue kaya napairap nalang ako.
"eh sa tanda ang gusto kong itawag sa kanya eh" nakangiwi kong sabi.
"tara dadalhin ka namin sa kanya" sinundan ko lang sila. Buti pa sila may pakpak, pwedeng lumipad. Ako naglalakad. Hay naku. Tumapat kami sa malaking puno, as in sobrang laki.
"woow! Ang laki!" makapagtayo nga ng ganitong puno pag uwi. Pwede ng maging bahay eh.
"pasok ka"
Lumakad ako papasok. May mga nakagapang na ugat na merong bulaklak na tumutubo. May bulaklak na nakabitin sa taas. Parang wisteria. Purple at pink ang kulay.
"ayaw mo lang tanggapin na mas maganda ako sayo" sinundan ko ang maingay na boses.
"ano kamo! Mas pretty ako kahit tignan mo pa sa salamin!" naiinis na sigaw ng isa. Namangha ako sa nakita ko sa loob. Malawak ang loob ng puno. May hagdan pataas, may parang trono sa gitna na gawa sa ugat at may bulaklak.
"tanggapin mo ang katotohanan na mas lamang ang beauty ko" nang aasar na sabi nung babaeng may pakpak, normal size lang siya, parang tao. Kumikinang ang buhok niya na kulay blue na may highlights na gold, yung fitted peach dress niya maganda, pati pakpak niya, may glitters.
"oh my god! You're hallucinating dear!" maarteng sagot niya. Yung damit niya parang petals pero sexy at kita ang hita niya kasi may slit. Yung buhok niya kulay green na hanggang bewang, maganda ang kutis niya ah. Flawless.
"lagi nalang kayong nag aaway" buntong hininga ni tanda habang nakaupo, grabe siya, iniwan ako sa labas para lang makaupo siya dito.
"eh kasi naman-" napahinto yung may pakpak at napataas ang kilay nang mapatingin sa'kin.
"uh, who are you?" maarteng tanong nung isa. Napairap nalang ako bago lumapit kay tanda.
"tanda naman, bakit mo ako iniwan sa labas?" reklamo ko. I heard gasp kaya nilingon ko ang dalawa na gulat na gulat.
"oh bakit?" takang tanong ko.
"t-tanda?" hindi makapaniwalang tanong nung may pakpak.
"have manners young lady, hindi mo ba kilala ang matandang yan-ay este lalaking yan?" binawi pa eh nasabi naman. Matanda daw.
"si...Lexus?" lalo silang nagulat sa sinabi ko. Ano bang meron? Napalingon naman ako kay tanda na naiiling nalang.
"saang lupalop mo ba nakuha ang babaeng ito master? Walang galang" she looks at me from head to toe. Maganda ako wag mo akong tignan.
"tanda, ang weird nila, sino sila?" lalo silang nagulat sa sinabi ko.
"h-hindi mo kami kilala?" parang naiinis na tanong nung may pakpak.
"tama na, nagpunta ako dito para iwan siya sa inyong dalawa"
"What!" gulat na sigaw nung dalawa.
"magpakilala kayo" napairap nalang sakin yung dalawa. Aba, baka gusto niyong dukutin ko yang mga mata niyo eh!
"Fern" simpleng sagot nung parang petals.
"Light" aba, parehong maarte. Langhiya.
"i'm Red" simpleng sagot ko.
"oh siya" tumayo si tanda at inayos ang suot.
"iiwan kita dito Red, susundin mo ang lahat ng iuutos nila, silang dalawa ang magte-train sayo"
"WHAT!, iiwan mo siya sa'min?" don't be so exagerated girl.
"oo, kaya umayos kayo, kayo na ang bahala sa kaniya, at turuan niyo siya ng maayos"
"at anong ituturo namin sa kanya?" tanong ni Fern.
"train to let out her power and how to control it" napangisi naman yung dalawa. Bigla nalang akong nangilabot dahil hindi ko gusto ang pakiramdam ko sa dalawang to.
"oh siya, maiwan ko na kayo" nakangiting sabi ni tanda bago lumabas. Lumapit naman yung dalawa sakin bago ako inikutan na parang sinusuri.
"wag kang mag alala, kami ang bahala sayo" nakangising sabi ni Light.
I have a feeling that this is one hell of a training.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.
Thank you in advance!