You over the Streetlights

owwlivrrrrgh द्वारा

4.5K 259 30

Si Ethan. Theo sa mga kaibigan niya. School-mate. Spoiled Rich Kiddo. Gwapo rin pero mayabang. Ghoster 👻 (d... अधिक

You Over the Streetlights
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03. 1
Chapter 03.2
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06.1
Chapter 07.1
Chapter 07.2
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 06.2

87 10 0
owwlivrrrrgh द्वारा


Gumaan ang loob ko nang hindi na kumibo pa si Ethan. Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon, agad na pumasok ang maaliwalas na simoy ng hangin, kinakalma ako.

Nasa dulong bahagi ng campus ang building ng Junior High School ang likod nito ay ang man-made forest na ginawa ng original administration ng school about fifty years ago. Kaya mahangin talaga banda dito ng campus.

Wala ng bisa ang mga complaints after 1 day. Bukas hindi na ako pwede hulihin dahil may events ako buong araw, kaya hihintayin ko na lang mag ring ang bell, hudyat na tapos na ang ikatlong araw ng intramurals. Yan ay kung hindi ako mahuli ngayon.

Nakatulong ang simoy ng hangin at iba ko pang iniisip para makalimutan ang nararamdaman ko kanina.

Oo, inaamin ko. Kahit hindi na kami close nitong si Ethan, ewan ko, pero paglipas ng mga panahon na lumalaki kami, mas nagwagwapuhan ako sa kanya. Babae rin ako, no. Natural na talagang magkakaroon ng lalaking nagwagwapuhan. Hindi naman ako bulag para hindi makita iyon.

Actually, sa mga nakalipas na taon, wala naman akong pakealam na sa kanya. Iniiwasan ko lang ang makasalubong siya kasi parang... Awkward. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, sasabihin o iaakto. Kahit tignan siya iniiwasan ko.

Kahit siya ang hindi na nangpansin sa akin, hindi naman ako galit sa kanya. Ang babata pa namin noon, wala na rin akong paki kung ang rason niya noon ay ganoon parin ngayon. Karapatan niya naman iyon, ang piliin ang kung sino ang magiging kaibigan niya.

Isang ring ng phone ko ang nagwala sa mga iniisip ko. Si Sean ang tumawag at agad kong sinagot.

"My god! Ria, asan ka? Are you fine? May kasama ka ba? Girl! Matitiris kita!" mataas na tono na bungad ni Sean. Nasa malayo siguro to kina Jia, dahil talagang beks na beks ang tono niya.

Umismik ako.

"Ayos naman ako, nasa third floor ako ngayon, hindi ko lang alam anong section ng grade 9 itong napasukan namin."

"Namin? May kasama ka? Sino?" agad na tanong ni Sean. Nyeta.

"Uh... Tinulungan lang ako..." alanganin kong sagot.

"Sino?"

"S-si... Ally...iyong clubmate ko sa Gazette." pagsisinungaling ko.

"Huh? Iyong chinito ba? Eh... Nakita ko siya sa opisina niyo nang hinanap kita doon."

Kumakabog na ang dibdib ko sa kaba. Naka-ilang kagat narin ako ng labi ko na para bang malulutas ang problema kong kawalan sa matinong palusot.

Nilingon ko si Ethan, nakaupo sa isa sa mga upuan. Naka-phone. Humarap ulit ako sa bintana.

"Ria... Sino kasama mo?" seryosong tanong ni Sean.

Lumunok ako. "Tinulungan lang nga ako..." pagkaklaro ko.

"Sino nga ang tumulong sa iyo?"

Napakamot na ako ng ulo. Hindi ko sasabihin na si Ethan Theodore Hiralde, ang pambansang ghoster at retired bully, na childhood friend ko ang kasama ko. Ang tumulong sa akin.

Magsisinungaling ba ako kay Sean? Halos nasabi na ni Sean lahat ng tungkol sa kanya sa akin. Pero ako halos wala. Alam lang niya na may tatlo pa akong kapatid at sinusubukan kong tumulong sa mga magulang ko. Wala nang iba.

"Dyan ka lang. Susunduin kita dyan after ng bell." sabi niya nang hindi na ako sumagot. Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Okay." tanging nasabi ko.

"Okay. Huwag kang masyadong kabahan, girl. Feel the moment, okay?" alam kong tumatawa na ito sa kabilang linya. Lakas talaga ng radar!

"I hate you." sabi ko pero hindi ko mapigilang ngumiti.

"I hate you even more, B. I'll see you. Huwag ka munang lumabas dyan ng wala ako." payo niya. Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Pinutol na niya ang linya.

Alanganin akong lumingon kay Ethan. Mukhang nakatingin na siya sa akin bago ko pa siya tignan. Para siyang asong naghihintay pansinin ng amo niya.

Nagkagat labi ako. Medyo cute siya.

Nang tumayo siya at umambang maglakad palapit, tinalikuran ko na siya at humarap ulit sa bintana. Kalmado naman ang puso ko, pero sobrang init ng pakiramdam ko sa pisngi ko.

"H-Hindi ka ba hahanapin ng mga kaklase mo? Baka may game ka pa mamaya?" tanong ko.

Mabuti nalng at huminto na siya, isang metro ang distansya namin, nakahilig siya sa ibabang hamba ng bintana. Tahimik na nakatingin sa akin na para bang ngayon niya lang ako nakita.

"Its fine. Tsaka, wala na akong game. Bukas na ulit, for the semis." sabi niya na napatango ako nang maalala.

Team namin ulit ang unang kalaban nila bukas.

Alanganin akong ngumiti. "Oo nga pala. Ako ang isa sa mag-cocover ng game niyo bukas." siya naman ang tumatango ngayon.

Ayos ah. Parang hindi kami nagsigawan kanina.

"Hintayin nalang natin na mag-bell. Your immunity will be whole day tomorrow kaya hindi kana masu-sue. Ihahatid nalang kita sa station niyo." wow ang bait naman.

"Uhm, actually... May susundo na sa akin dito, kaya okay lang..."

"The one who called you?" sipat ni Ethan, nakataas ang isang kilay niya. May tinatagong ngiti sa labi.

"Huh?"

"Siya ang susundo sayo rito?" he took a step closer.

"Ah, oo." pagal kong sabi. Hindi maka tingin sa kanya.

Ilang sandaling natahimik bago siya magsalita muli.

"Mag Banana Split nalang tayo habang hinihintay ang oras!"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ano kami kinder na walang magawa habang hinihibtay ang mga sundo namin?Napatawa ako.

"Ano ka, bata?" biro ko.

Ginulo niya ang buhok niya, tamad na lumapit at hinatak ako palayo sa bintana. Hindi mawala ang ngiti ko sa ginawa niya.

Inangat niya ang dalawang kamay niya at in-align ang mga paa niya.

"Dali! Naalala mo pa 'to, diba?"

Agad pumasok sa akin ang isang memorya kasama siya ilang taon na ang nakalipas. Bahagyang pumait ang pakiramdam ko pero nang bumalik ang tingin ko kay Ethan ngayon, nawala iyon at parang napalitan ng... tamis.

Umirap ako sa kanya dahil umiinit na naman ang pisngi ko. Nakataas parin ang dalawang kamay niya sa harap ko, naghihintay.

Ginaya ko ang ginawa niya, dinikit ang toe ng right feet ko sa toe ng left feet niya at nilagay sa likod ng right feet ko ang left feet ko. Parang nakalinya ang mga paa namin, gawa ng naaalala kong gawain namin dati.

"Ba-na-na Split!" simula namin. Parang jack-en-poy with a twist.

Panalo siya sa unang try, bato sa kanya at gunting ang sa akin. Nag-peace sign pa si Ethan habang nilalagay ang nasa unahang paa niya sa likod nito. I filled the gap of our toes, if mananalo pa siya ng tatlong beses makakasplit na talaga ako.

Salitan ng panalo sa mga sumunod na rounds, kaso, ewan ko paano ginawa iyon ni Ethan pero kasalukuyan akong nagsi-stretch ng paa ko para makonekta lang ang paa namin. Tumatawa pa siya, natalo ako sa jack-en-poy ng apat na beses!

Nag jack-en-poy kami ulit. Panis! Panalo ako! Ang layo ngayon ng ihahakbang niya! Papang-asar akong ngumiti, hindi labas ang ngipin para nanunuya talaga. Naningkit ang mga mata ni Ethan na parang nag-cheat ako sa laro.

"Maduga ka," nanlaki agad mata ko sa sinabi niya pero nagkibit balikat lang ako.

Sa akin, halos mag-split na talaga ako, pero sa tangkad at taas ng mga binti ni Ethan, parang isang dipa lang sa kanya. Sana all.

Napagod kami sa nilaro namin pagkatapos ng ilang minuto. Wala pa naman ang bag at camera ko ngayon sa akin, sayang ngayon nalang sana ako magrereview sa mga kuha ko.

"Iyong Revamonte ba susundo sa iyo rito?" tanong ni Ethan, nasa bintana siya, may hawak na twalya, pinupunasan ang likod niya.

Wow. Hindi ko man lang napansin na dala niya ang bag niya!

"Oo. Mag tubig kang dala?" tanong ko agad. Nauuhaw ako dahil sa ginawa kanina.

Tumango siya, nakatalikod parin sa akin. "The red water jug. The blue one is an energy drink. You can get whichever you like."

Wow! Ang isa siguro sa gusto ko talagang attitude nitong si Ethan noon hangang ngayon ay iyong sobrang generous. Chicksboy at basagulero nga lang. Higit sa lahat, mayabang.

"Iyong tubig lang ha, painom ako." lumapit ako sa isang chair na nilagyan niya ng bag. Nike iyong dala niya, iyong pang varsity talaga.

Tumango lang siya, "Pwede pakikuha narin ng isang grey shirt dyan?"

Ano? 'Wag mo sabihing... "Magpapalit ka?" napalunok ako pagkatapis sabihin iyon. Tss, siya bahala!

"Yep. But not here, don't worry. Kuhanin ko lang para paglabas natin makakapagbihis na ako. Less hassle." nagkibit balikat siya sa huling sinabi.

Tumango lang ako at binuksan ang black Nike Bag niya. And daming laman! May tatlong shirts at jersey shorts, dalawang water jugs, high knee socks at isang pirasong soccer shoes. Nilabas ko ang red water jug at iyong grey shirt na sinabi niya.

Narinig kong lumapit siya sa akin kaya binigay ko na iyon. Iinom na sana ako sa water jug kaso nakita kong may bulto sa isang pintuan.

Si Sean na parang napatigil sa pintuan. Bahagyang nakaawang ang labi.

Napaawang rin ang labi ko nang natanto ang nakikita niya ngayon. Dahan dahan kong nilingon si Ethan na pinupunasan ang pawis niya sa may leeg at napatigil rin nang nakita kung sino ang nasa hamba ng pintuan.

Tumunog ang bell at parang bubuyog ang tinig ng mga estudyante sa grounds at sa adjacent building na lumalabas sa lunga nila. Kaming tatlo, hindi parin gumagalaw.

"Sean--"

"Anong ginagawa niyo?" baritonong sabi ni Sean, seryoso ang mukha.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

The teacher's baby Nellie Lindqvist द्वारा

किशोर उपन्यास

629K 7.7K 31
The bad boy's life changes when he suddenly becomes the teacher's baby...
33.4K 2.6K 30
Denique is an innocent virgin girl who met the young don and fell inlove. Read to find out more📚
59.8K 2.6K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
42K 1.8K 18
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆