Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- première -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- onzième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- cinquième -

1.1K 38 6
By toneewritestragedies

TWT's NOTE: Thanks for the reads, guys! Feel free to follow yourboyfriendsuckswatty on tumblr on sweet nothings about this story! You can also view the MV for the story para may feels! HAHA :D lovelove! xx First pic pala ni Paris sa side. Ikemeeeeen! Shet! 

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend Sucks

written by toneewritestragedies

- cinquième (damagely broken) -

x - - - - - - - - - - x

Simula nang araw na 'yun, hindi na ako nakipagkita pa o nakipag-usap pa kina Cedric at Andrea. Hanggang ngayon hindi ko kasi alam ang dahilan kung bakit nila ako niloko ng ganito. Naging mabuting kaibigan ako kay Andie, faithful akong girlfriend  kay Cedric pero bakit sila nagtaksil sa akin?

"Mikko, bakit ganito? Masyado ba akong weak sa paningin ng ibang tao kaya madali akong naloloko?" iyak lang ako ng iyak habang nakayakap ako sa kakambal ko. Halos magwala siya nang malaman niya ang pag-cheat nina Ced at Andie sa akin. Galit na galit siya at halos sugurin ang dalawa pero pinigilan ko lang.

"Ssshhh, sshh. Tama na, you don't deserve those kind of people. They are not worthy enough of your tears." sabi ni Mikko sa akin habang inaalo ang ulunan ko.

"Pero bakit ganito, Mikko? Ayoko naaaa. Ang sakit e. Ano ba dapat kong gawin para hindi ako maiwan. Dapat ko bang gawin ang ginawa ni Andie, ganoon ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Mikko sa sinabi ko. "Don't ever try to do that. 'Wag mong samantalahin ang kaya mong ibigay sa taong mahal mo lang. That man should be worthy at ibig sabihin nun ay hindi siya sapat para sa'yo. Tangina niya, humanda sa akin 'yang Cedric Gonzalvo na  'yan." slow pace lang ang pagkakasabi niya pero alam kong may iba siyang gagawin na hindi dapat.

Inilayo ko ang ulunan ko na nakasandal sa balikat niya. "Don't! Please 'wag mong sabihan ang Lucchese. O kaya si Dadadi. Ayokong may mangyaring masama sa kanila. I can handle this."

Alam ko kasi ang pwedeng gawin ng kapatid ko. Sa galit niya kay Cedric baka ipapatay lang nila siya at ayokong mangyari ang ganoon. Kahit naman na galit ako sa kanya, o kay Andie, ayokong may buhay na masayang dahil sa broken hearted ako. At isa pa, hindi alam nina Cedric na may koneksyon ako sa Mafia. Baka lalo pang magkagulo.

"Gusto mo bang nandyan ka na lang at nag-iiyak? Wala ka bang ibang gagawin ha?" at alam kong naiirita na sa akin ang kakambal ko.

Nanatili lang akong tahimik habang pinagsasabihan niya ako. Haay, para ba namang may magagawa pa ako. They are in love with each other. 'Di pa rin talaga ako makapaniwala na madali nila akong naloko ng ganito.

"Baka kung um-extra pa ako sa kanila, ako pa ang sabihang naninira ng relasyon."

"What the fuck?! Naninira ng relasyon? Ikaw pa talaga ha?" umiling siya dahil sa frustration. "Okay, okay. Ikaw ang bahala. Basta 'wag na 'wag mo nang pababalikin at kakausapin 'yang mga ahas na 'yan. Mag-move on ka na, maliwanag?" seryosong-seryoso si Mikko habang nakatingin sa akin.

Marahan akong tumango sa sinabi niya. Alam kong madali lang sabihin 'yun pero nakahirap gawin. Kahit din kasi siya mismo, alam kong hindi pa rin siya maka-move on sa kanila ni Kayleigh. But I'm really rooting for them because I know my brother really loves her so much.

x - - - - - - - - - - x

"Fuck, nagagalit talaga ako ngayon!" halos maghurimentado si Jessica dito sa kwarto ko habang kinukwento ko sa kanya 'yung on-the-spot na break-up namin ni Cedric. Wala ring idea si Jess na mismo 'yung best friend pa namin ang ka-cheat ng boyfriend ko. Ang sakit-sakit 'di ba?

Hinawakan ko siya sa braso para pa-kalmahin siya. "Tama na, Jess. Tapos na 'yun e. Hayaan na lang natin sila."

"Ano'ng hayaan? Inahas ka e. Alam mo 'yun friend? Inahas ka ng bonggang-bongga! Nakakainis si Andie! Alam niyang magkaibigan kayo at jowa mo si Ced tapos ganoon na lang? Ganoon na ba sya kakati?" pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay dahil sa stress.

"Jessica, tama na. Parang ikaw 'yung inahas sa ating dalawa e."

She composed herself, looked at me then smiled. "Oo nga ano. Pero gosh naman, ano'ng plano mo niyan?"

Nagkibit-balikat ako. "'Di ko na alam. Bahala na. Mabuti na lang at magsisimula na ako sa Masters. This will keep me busy."

"Mabuti naman kung ganoon. Hay, kakarmahin din ang dalawang 'yan! Makikita nila. Digital na yata ang karma ngayon."

Tumango ako bilang sagot. "Pero kasi..."

Nagsalubong ang kilay niya, "Pero kasi ano? Don't tell me babalikan mo si Cedric at magmamakaawa kang balikan siya? Subukan mo lang at kakalbuhin kita talaga, Suri!"

Napakamot ako ng ulo. "Ano ka ba, hindi ko gagawin 'yun ano. Si Cedric kasi, 'yung review center niya katapat lang ng Bradford Building 'di ba? So may chance na magkikita kami."

Nag-cross arms siya. "Oo nga ano, but anyways, patapos na ngayong month ang review niya at ikaw naman magsisimula pa lang sa Masters so keri lang 'yan. Hopefully, 'di kayo mag pang-abot pero 'wag na 'wag mo siyang pupuntahan."

Pinalo ko siya ng mahina sa kamay. "No. I won't. 'Di niya alam kung paano ako nasaktan. At saka sabi rin ni Mikko, hayaan ko na lang din sila and I should move forward for myself."

Iminuwestra niya ang kamay niya na animo'y may ch-in-eck-an sa hangin. "Correct! Ganyan lang ang mantra, friend. Makaka-move on ka rin, okay?" niyakap niya ako pagkatapos. "I'm here, 'di kita iiwan. Love na love kita e."

Niyakap ko siya pabalik. Salamat sa Diyos at kahit papaano ay may mga tao pa ring handang samahan ako sa panahon na nag-iisa ako.

x - - - - - - - - - - x

Okay naman ang first day ng MBA class ko. Medyo nakakalula lang ang mga classmates ko dahil karamihan sa kanila, bukod sa Business Management degree ang tinapos ay may mga entrepreneurs at mga mayayaman din. Kung sabaagay, itong Bradford School of Management ng Rockefeller ang pinaka-magandang MBA school sa bansa.

As usual, loner na naman ako. Hindi naman kasi ako kasing-approachable tulad ni Mikko o kasing-friendly ni Jessica at kung titignan naman ako ay parang ang plain ko at deadkid. Ewan ko ba, ito rin siguro ang dahilan kung bakit ako ipinagpalit ni Cedric. Haaay, ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko?! Tama na, Sasha!

Gusto ko sanang makipagkita kay Jess para mag-coffee kami kaso may pasok siya sa sa trabaho kaya ako na lang mag-isa ang pumunta doon. Um-order ako ng Dark Mocha frappe at nag-stay na lang sa table para mag-early study sa mga subjects ko. Ang hirap, pero kakayanin!!!

Sa gitna ng pagbabasa ko, may taong nag-excuse sa akin. Pamilyar siya pero ewan ko lang kung saan ko siya unang nakita.

"Pwede maki-share ng upuan, Miss? Wala na kasing bakante e. Promise, sandali lang ako." sabi niya sa akin. Ang rugged niya tignan, gwapo siya at mukhang suplado pero okay namang makiusap. Tumango ako bilang sagot.

Hindi naman sa ayokong maki-share siya sa table pero kasi ilag talaga ako sa mga tao. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. Sa kakaunting tao lang ako kumportable, miski sa mga classmates ko hindi ako close sa kanila. Sadyang sa pamilya ko, kina Jess at Andie pati kay Cedric na talagang malapit ako pero ngayon, nabawasan na ng dalawa 'yung mga malapit sa akin.

Matapos ang ilang minuto tumayo na siya at lumabas ng coffee shop. Salamat naman kung ganoon dahil 'di talaga ako mapakali, ewan ko ba!The more kasi na nilalabanan ko 'yung ganito kong attitude, mas nagiging weird ako.

Ako naman ang sunod na umalis ng coffee shop nang maubos ko na 'yung frappe ko. Papasok na ako ng kotse ko nang may narinig akong pamilyar na boses na tinawag ang pangalan ko.

Napapikit ako bago lumingon dahil alam ko kasi kung kanino galing ang boses na 'yun.

Pagharap ko sa kanya, pinigilan ko ang sarili kong maiyak.

"Suri.."

That's Andie. Hindi ko alam kung paano niya ako nakita o kung sinundan ba niya ako.

Tinitigan ko siya sa mga mata. Ang sakit kasi e, nawalan na nga ako ng boyfriend, pati best friend nabawasan pa ako.

"'Di ba sabi ko sa inyo, ayoko na kayong makita ulit." malumanay ang pagkakasabi ko pero ang mas nangingibabaw sa nararamdaman ko 'yung galit. Hindi ko alam na capable pala akong makaramdam ng ganito.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry." sabay sa pagsasabi niya nun ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Imbis na bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya, tinignan ko lang siya ng matama.

"We've been like this since three months ago but I loved him since before you and him were together. Suri, I tried to avoid him to the best I can but I turns out that I didn't. I grabbed the chance to cheat with him 'coz I really love him until now. Sasabihin ko naman na talaga 'to sa'yo kasi ayokong binabagabag ako ng konsensya ko. But you caught us on a different state." umiiyak pa rin siya pero wala akong panahon para maawa sa kanya. Ako 'yung biktima ng pagtataksil nila e. "I'm sorry. I'm really, really sorry."

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa kanya. Sa ilang saglit ay inangat ko ito at sinampal siya ng malakas sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa ko pero 'di na siya gumanti. Hinawakan niya lang ang parte ng mukha niyang nasampal ko.

"No need to say sorry. I trusted you, Andie. Sobra-sobra. Pero niloko niyo ako ni Cedric. Ano bang ginawa ko sa inyo para saktan ako ng ganito? Kaibigan kita pero mas pinili mong traydurin ako. Mahal ko kayong dalawa kaso ba't kailangan niyo pa 'tong gawin?" garalgal na 'yung boses ko at pinipigil ko ang pag-iyak.

Umiiyak lang si Andie habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga taong dumadaan at alam ko sa puntong ito, nasa kanya ang simpatya nila dahil ganito ang nakikita nila. Pero ako 'yung biktima dito 'di ba? Ako 'yung pinagtaksilan.

"I'm sorry, sorry..." iyon lang ang mga lumalabas na salita galing sa kanya.

"'Di mo na kailangan ulit-ulitin yang salitang 'yan, Andrea. Dahil hindi ko alam kung kaya ko pa kayong patawarin."

Nagulat siya sa sinabi ko. Oo, mukha nga akong mahina at weirdo pero kung ganito ang gagawin sa akin, hindi ko kayang magparaya. Ilang segundo ang lumipas, tumakbo si Andie palayo sa akin. Ngayon lang nag-sink in sa akin na talagang nawalan na ako ng kaibigan.

"Tsktsk..."

Nagulat ako nang may nag-react sa likuran ko. Teka, ito 'yung naki-share sa akin ng table sa coffee shop ha?

"K-kanina ka pa ba nandyan?" Hay, jusko parang aatakihin ako sa puso! Bigla na lang siyang sumusulpot e.

"Oo Miss. Aalis na sana ako e kaso sakto may magandang eksena dito sa parking lot kaya pinanuod ko muna kayo." ngumisi siya pagkatapos.

Naiilang ako hindi dahil sa stranger siya pero 'di talaga ako palakausap sa mga tao.

Binuksan ko na 'yung pintuan ng driver's seat para pumasok ako pero may sinabi siyang nakapagpatigil sa akin.

"Alam mo kung bakit ka pinagpalit ng boyfriend mo sa best friend mo? Ang hot niya kasi e, pero ikaw ang plain mo. Walang dating. Kung sa bagay, hindi ko rin naman masisisi 'yung lalake kung ganyang klase ng babae ang girlfriend niya."

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat papunta sa ulo ko. Padarag ko siyang hinarap. Kung kanina ay napigilan ko ang iyak ko, sa estrangherong ito'y hindi. Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko, hindi ko na alam kung bakit sa isang 'to'y napaiyak na ako ng tuluyan.

"Ano bang alam mo sa buhay ko? Wag kang makialam dahil hindi kita kilala!" sa kanya ko na naibuhos ang galit at hinanakit ko.

"Kaya ka ba nagre-react ng ganyan kasi totoo? Alam mo Miss, maganda ka naman e. 'Di mo lang kaya i-present ang sarili mo at hindi ka lang marunong mag-ayos. Mas maganda ka pa doon sa babae kanina."

Kung titignan lang siya, parang ang cool niya lang at parang walang iniintinding problema. Prangka siya at sasabihin niya lang kung anong nakikita niya. Tama nga siya, ganito ako mag-react kasi totoo naman ang mga 'yun, mas pinili ni Cedric si Andie kasi mas better siya tignan kesa sa akin.

"Alam mo kung paano ka makakaganti sa kanya nang hindi mo pinahihirapan ang sarili mo, Miss?"

"Ha?" is he helping me or giving me ideas how to move one and revenge myself for this fiasco?

"Isa sa mga importanteng rules ng break-up: Huwag na huwag mong hahabulin ang boyfriend mong nakipag-break sa iyo. Hayaan mong siya ang maka-realize ng pagkakamali niya sa relasyon ninyo. Kapag bumalik siya, huwag kang pumayag at lalong huwag kang pumatol sa recycle na naitapon mo na. Ipakita mo sa kanya na marami pang lalaki ang higit sa kanya, na mag-aalaga sa iyo, mas pahahalagahan at mamahalin ka. Iyong hindi ka itu-took for granted."

Napalunok ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam na may kakayahan siyang diretsahin ako ng ganito.

"Magpaganda ka lalo. Iyong tulo laway niya pag nakita ka niyang dumaan sa hallway. Let him realize that you are better without him, that you are much beautiful without him. For sure, he'll go crazy about you. Lalo't higit sa lahat, find a better man, much better boyfriend. Maghanap ka ng lalaking kayang lagpasan ang pagmamahal mo at atensyon."

Na-realize ko, tama naman siya. Kahit hindi man kami magkabalikan ni Cedric, basta maipakita ko lang sa kanya na it's his loss na pakawalan ako, makakapaghiganti na rin ako para sa sarili ko.

"Show to everyone that your boyfriend sucks. I mean, your ex." he finally said.

Continue Reading

You'll Also Like

529K 2.9K 6
My Ex is a Secret Agent! (Phoenix Emblem Series # 1) Alexa Del Rosario was ready to let go of her profession as a secret agent for the sake of her hu...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
1.2M 49.1K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...