Game on, Gangsters! (Online G...

By noodlezippp

5.5K 556 125

ONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on or game over?" Recently, a well-known virtual game wa... More

i. start
01: Announcement
02: Mission
03: Meeting the Campus King
04: Meeting them
05: Partner
06: Photoshoot
07: Festival
08: His Offer
09: Rolleta Event
010: Diamond Ring
011: Wrong Move
012: The Playboy
013: Babysitter
014: Second Day
015: Girl in the rain
016: Gang Raid
017: Kings vs. Queens
018: His Slave
019: Surprise
020: Group Mission
021: Fighting the Boss
023: Breaking Rules
024: Project
025: She's sick
026: Promises
027: Basketball League
028: A date
029: Park
030: Clash of the Cities
031: Unexpected
032: Invitation
033: Behind the Masks
034: A mistake
035: He's back
036: A childhood friend
037: Present
038: Christmas
039: Truth
040: Dare
041: Ignoring him
042: Back again
043: Overnight
CHAPTER 44: Take Back
045: Clash of the Cities II
046: Altogether
047: One on One
048: Birthday
049: Zombie Raid
050: Prom night
x. end
xi. online game romance
xii. special chapter: Reunion
xiii. backstory: Lukas and Nayee

022: With Him

70 10 3
By noodlezippp

NAYEE KIM JUNG
REAL WORLD
Saturday, 7:56 am

It's finally saturday pero hindi parin ako makapag-pahinga dahil kailangan ko pang pumunta sa bahay nina Lukas dahil nga babysitter ako ng kapatid niya.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at binuksan ang chat namin ni Lukas. Maaga akong gumising ngayon dahil yun ang sabi ni Lukas at nakakahiya namang palagi nalang ako late diba?

Nayee Kim Jung
Hoy, asan ka na?

Lukas Maximo
On my way.


Nayee Kim Jung
Naks, hindi ko naman hinihingi ang picture mo.

Lukas Maximo
The hell you care.

Nayee Kim Jung
nyenye.

Lukas Maximo
Shut up, I'm driving.

Seen.

Mabangga ka sana.

Eme, baka hindi ko na makuha yung sweldo ko pag nawala na siya sa mundo.

Bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, as usual wala si Kuya, ewan ko ba don kung saan pumupunta. Which is a good thing din naman dahil paniguradong kukulitin niya ako kapag nakita niyang sinundo ako ni Lukas dito.

Naudlot ang pagkain ko ng may bumusina sa labas.

"Oh, andiyan na ata si Lukas," wika ni mama. "Tama na yang kain mo na yan," wika niya pa at sinimulan ng ligpitin ang pinagkainan ko.

"Mama naman e, di pa nga ako tapos," nakanguso kong sabi.

"Bilisan mo na," tanging tugon niya.

Agad akong nagsipilyo, sinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mahirap na, baka pagsabihan nanaman ako ng isa diyan na panget ako, tss.

Nagpaalam muna ako kay mama bago ako lumabas ng bahay. Napatingin ako kay Lukas na nakasandal sa kotse niya habang pinapaikot-ikot ang susi sa daliri niya. Magulo ang buhok niya, yung tipong kakagising lang. Nakabusangot ang mukha, as usual at nakasuot ng jersey.

"Ba't ka naka jersey? may practice pa kayo?" tanong ko.

"Yep, kaya ihahatid lang kita sa bahay tapos didiretso na ako sa school," wika niya at pumasok na sa loob.

Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at inayos ang damit ko. "Samahan kita?" tanong ko.

Napatingin naman siya sakin, "No need, yung kapatid ko ang bantayan mo hindi ako," sagot niya at pinaandar ang makina ng kotse.

Napa-irap naman ako, sungit talaga.

"Alam mo minsan lang ako mabait sayo, sinayang mo pa," ani ko at napatingin sa mga tanawin sa labas.

"Tsk." tanging tugon niya.

Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa mansion nila. Bumaba lang ako sa gate dahil didiretso pa siya sa school. Pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ng yakap ni Lucia.

"WAHHH, ATE GANDA YOU'RE HERE!" masayang wika niya.

Yumuko ako para magkapantay kami, "Yiii, na miss kita," ani ko naman at gumanti ng yakap sakanya.

"Ay te, nandiyan ka na pala!" sigaw ni Stella na kakababa lang ng ikalawang palapag. Niyakap niya naman ako at siyempre niyakap ko din siya pabalik.

"Naku sayang, wala si Sir Lukas hindi tuloy ako kikiligin ngayon," ani niya kaya natawa ako.

"Ate Stella, my kuya Lukas is only for my Ate ganda," sulpot ni Lucia at nagcross-arms pa.

Yumuko naman si Stella, "Asus ang rami mong alam, oh siya oo na nga, sakanyang-sakanya na," wika ni Stella at kinindatan ako.

Mga shunga 'tong mga 'to.

As usual, ginawa ko naman lahat ng ginagawa ng isang babysitter, makipag-laro sa bata, makipag-asaran, kumain ng mga pagkain niya at kung ano-ano pang ka-chuchuhan.

"Ate Ganda, I want to go to Kuya," naka-ngusong wika ni Lucia habang naka-dukdok ang mukha sa mini table dito sa kwarto niya.

"Sinabihan ko nga siya kanina, ayaw naman," wika ko din.

"Sige na ate, I want to see kuya Lukas play basketball," wika niya at inalog-alog ang kamay ko.

"Papagalitan tayo 'non," ani ko.

"Please?" ani niya with matching paawa effect. Naku naman, ba't ba ang dali kong maawa, hay.

Bumuntong-hininga naman ako, "Okay, fine." ani ko. Bigla namang nabalutan ng saya ang mukha ni Lucia at lumundag-lundag pa.

"Pero pag tayo napagalitan ewan ko nalang," ani ko pa.

Hindi ko alam kung pano magalit si Lukas pero iniimagine ko palang parang natatakot na ako. Nakakatakot na nga mukha niya kahit hindi pa nagagalit pano nalang kaya pag-nagalit na siya.

"Don't worry Ate, I got you," ani niya at kumindat-kindat pa ang loka.

Pumasok naman siya sa walk-in-closet niya, sana all my walk-in-closet no? Ako kasi sa bahay, aparador lang tapos magulo pa yung loob.

Lumabas naman siya at napangiti ako sa kacute-an niya. Nakasuot siya ng jumper na may nakapaloob na black t-shirt, nakasuot lang din siya ng rubber shoes na may hindi naman kahabaan na medyas.

Lumabas na kami ng kwarto, napatingin naman samin si Stella tsaka si Manang Fe.

"Saan ang punta niyo?" tanong ni Manang Fe.

"Pupuntahan lang po namin si Lukas manang, eto po kasing si Lucia gusto makita ang kuya niya na naglalaro ng basketball," paliwanag ko.

"Naku, gusto mo din naman makita si Lukas e," pang-aasar ni Stella at pinindot ang tagiliran ko.

"Baliw, hindi 'no, para lang kay Lucia to," ani ko.

Para lang talaga kay Lucia.

"Naku, mabuti yan Nayee, alam mo bang matagal na yang hindi nakakalabas si Lucia simula nong umalis ang mommy at daddy nila," ani pa ni Manang Fe. "Oh siya, ipapahatid ko nalang kayo sa Driver," ani pa niya.

"No, manang I want to experience riding a taxi," pagpigil sakanya ni Lucia.

"Lucia-"

"Magta-taxi nalang po kami Manang," ani ko.

"Sigurado kayo?" tanong nito.

Napatango naman ako. Sinamahan nlang kami ni Manang Fe sa pagbabantay ng taxi. Mabuti nalang at maraming taxi ang dumadaan kaya mabilis kaming nakasaka

"Mag-ingat kayo!" bilin ni Manang Fe bago humarurot ang taxi.

Pagdating namin sa school ay pinakita ko lang yung I.D ko, buti nalang palagi ko itong dala. Dumiretso na kami sa basketball court at agad naming natanaw si Lukas na nagdi-dribble ng bola.

"KUYAAAA!" sigaw ni Lucia dahilan para mapatingin sa amin si Lukas na naka-kunot noo.

Lumapit naman kami sa court at sinalubong niya kami.

"Why are you here? I told Manang Fe not to let you out dahil kung may mangyari sayong masama ako ang mapapagalitan," wika niya kay Lucia.

"Lukas, hindi kasalanan ng kapatid m-"

"I'm not talking to you," pagbaling niya sakin.

"Umuwi na kayo, I'll call Manong Ted para sunduin kayo dito," wika niya.

Akmang aalis siya ng magsalita ako, "Lukas, walang kasalanan si Lucia, kung sino man samin ang mapagalitan, ako yun," wika ko.

"Yeah right, isa ka pa, diba sabi ko sayo huwag kang pumunta dito? Dinamay mo pa ang kapatid ko, ang tigas ng ulo mo," ani niya.

Ano bang mali sa pag-punta dito? Gusto lang naman ng kapatid niyang makita siya ah.

"Hoy, ang sakit mo namang magsalita. Pinayagan ko lang naman ang gusto ng kapatid mo na pumunta dito para makita kang naglalaro. Oo, naiintindihan ko na ayaw mong may mangyari sakanya, pero hindi ka ba naaawa sakanya na nasa bahay nalang palagi? Bata siya Lukas, kailangan niyang mag-enjoy din paminsan-minsan," wika ko.

"Don't tell me that, you're just a babysitter," ani niya.

Huminga naman ako ng malalim, "Oo nga babysitter ako, kaya gusto kong sumaya ang kapatid mo," ani ko at iniwan siya doon.

Wala na nasira na yung mood ko. Gusto ko pa naman ding makita siyang naglalaro din ng basketball at mapasyal yung kapatid niya.

Nandito ako sa labas ng school gate naghihintay ng masasakyang taxi. Nagulat naman ako ng may humasak sa braso ko at pinaharap sakanya.

"Ano ba bitawan moko," inis kong sabi.

"Look, I'm sorry for what I've said earlier," wika niya at binitawan ang braso ko.

I crossed my arms, "Ewan ko sayo," wika ko sabay irap.

"Fuck! I said I'm sorry," wika niya.

"Wow! ganyan ka ba mag-sorry sa isang tao, may kasamang mura? Grabe, na-touch ako," wika ko at napahawak sa dibdib ko na ani mo'y nato-touch talaga.

"Okay fine, I'm sorry I'll do whatever you want just forgive me," ani niya. Parang may light bulb na sumulpot sa itaas ng ulo ko.

"Anything?" tanong ko.

Napatango naman siya.

"Sige, after ng practice niyo pumunta tayo sa mall at ipapasyal natin ang kapatid mo," ani ko.

Bumuntong-hininga naman siya, wala namang siya choice e, "Fine," ani niya at naglakad pabalik sa loob ng school.

"HOY TEKA!" sigaw ko at agad siyang sinundan.

Pagbalik namin ng court ay sinalubong ako ni Lucia, "Ate, okay na kayo?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang tugon, "And guess what, pumayag ang kuya mo na mag-mall tayo after ng practice niya." masayang sabi ko.

Namilog naman ang mag mata niya at sumuntok sa ere, "Yey! you're the best ate!" ani niya at niyakap ako.

Habang nanonood kami ng practice ay namataan ko si Raine na naka-upo sa bleachers habang tinutupi ang isang towel. Nag-paalam ako kay Lucia na may pupuntahan lang ako.

"Raine!" ani ko ng makalapit nako sakanya.

Gulat pa siya ng makita ako, "Nandito ka din? anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Diba babysitter ako ng kapatid ni Lukas every weekends, eh sinamahan ko ang kapatid niya na pumunta dito dahil gusto niyang makita ang kuya niyang naglalaro," paliwanag ko.

"Eh ikaw?" tanong ko.

Napa-irap naman siya, "Sinabi ko din sainyo na slave ako ni Blake diba? So, kahit saan siya magpunta dapat nandoon ako," sagot niya.

Ah, oo nga pala.

"Kawawa ka naman," ani ko at humagalpak ng tawa.

"Psh, kawawa talaga. Makuha ko lang talaga ang bracelet ko, patay sakin yang hayop na yan," ani niya.

Marami pa kaming napag-usapan ni Raine, hanggang sa natapos na ang practice nila. Dumiretso na kami nina Lukas sa mall, sobrang saya ni Lucia. Yung feeling na ang yaman nila pero parang first time parin na naka-punta ni Lucia sa mall.

"Kuya, let's eat!" aya ni Lucia kay Lukas habang nakahawak sa kamay nito.

"Where?" tanong niya.

Napatingin si Lucia sa paligid, "Doon!" masayang sagot niya habang tinuturo ang isang fast food chain.

Agad naman kamung naglakad papunta doon, pinagtitinginan din si Lukas ng mga babaeng nakaksalubong namin, halatang kinikilig pa.

"Te, ang pogi oh!"

"Hala oo nga, girlfriend niya ba yan?"

"Parang hindi naman,"

"Ang swerte ni Ate,"

"May anak na ata,"

Wow, mukha na ba akong nanay?

"Baliw, kapatid lang siguro,"

Napailing-iling nalang ako dahil sa mga judgements nila.

Anak raw, psh.

Pagpasok namin ay si Lukas na ang pumili ng mauupuan namin at siya na rin daw ang mago-order.

"Ate, samahan mokong mag-cr." ani ni Lucia. Agad ko naman siyang sinamahan sa cr dito sa resto.

Natanaw ko si Lukas na naka-upo na habang seryosong tinitignan ang cellphone niya. Makikita mo kasi yung table namin dito sa entrance ng cr. Pasimple ko namang kinuha ang phone ko para kuhanan siya ng picture, naka-suot na siya ng simpleng black t-shirt at pants pero ang pogi niya mga teh.

Napangiti ako ng makuhanan ko na siya ng picture.

May kumalabit naman sakin, si Lucia, "Ate, let's go," pag-aya niya. Agad naman kaming bumalik sa table namin at saktong nandoon na ang pagkain namin. Masaya lang kaming kumain at doon ko nakitang masaya talaga si Lukas, siyempre dahil siguro nakikita niya ding masaya ang kapatid niya.

Dumating na ang oras na umuwi na kami. Inuwi muna ni Lukas si Lucia sa bahay nila at sunod ako.

"Bye, Lukas!" masayang sabi ko ng makababa na ako.

He just gave me a smirk at agad na pinaharurot ang sasakyan.

"Nagabihan ka ata," bungad ni mama.

"Hoy Nayee, sino yun?" tanong ni Kuya.

Nandito na pala ang baliw.

"Schoolmate ko lang," sagot ko naman.

"Schoolmate ka diyan," ani pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka mag-away pa kami.

"Oh, hindi ka kakain?" tanong ni mama ng makita niyang aakyat na ako sa kwarto.

"Hindi na ma," sagot ko.

Nagbihis lang ako ng pang-tulog. Saglit akong nag-open sa social media at nag-post ng picture.


After kong ma-post ito ay sunod-sunod ang comments ng mga kaklase ko at ng mga kaibigan ko siyempre. Napatingin ako sa message na nagpop-up sa screen.

Lukas Maximo
Hey, my sister is really happy, thanks to you at dahil diyan bibigyan kita ng day-off.

Nayee Kim Jung
Naks naman boss.

Lukas Maximo
You deserve it. Btw, my sister told me na kinuhanan mo daw ako ng picture kanina sa jollibee. 😏

Luh, itong si Lucia talaga.

Nayee Kim Jung
Oh ano ngayon?

Lukas Maximo
Let me see.

Nayee Kim Jung
Ayoko nga.

Lukas Maximo
Come on.

Nayee Kim Jung
Kiss muna.

Lukas Maximo
??

Nayee Kim Jung
Joke lang, asa ka naman.

Lukas Maximo
Send it.

Nayee Kim Jung
Ayoko nga!

Lukas Maximo
I'm loosing my patience here, Nayee.

Nakaramdam naman ako ng takot. Argh! sige na nga, wala namang mawawala pag-ibibigay ko diba?

Meron, yung dignidad mo.

Ahh, bahala na.

Nayee Kim Jung
oh, ayan. Panget mo naman diyan.


Lukas Maximo
Panget daw, pero kinuhanan ng picture, tsk.

Nayee Kim Jung
Ewan ko sayo, out nako.

Lukas Maximo
You don't want to talk to me?

Nayee Kim Jung
Hindi.

Seen.

Hoy, tampo agad. 😂

Seen.

Hoy! joke nga HAHAHHA

Seen.

Hoyy.

Seen.

Sorry na nga.

Seen.

Ay teka, ba't ba kita sinusuyo hindi naman kita boyfriend hahaha.

Lukas Maximo
F*ck you.

Nayee Kim Jung
wahahahaha

Seen.

Napailing nalang ako at pinatay ang cellphone ko. Parang baliw akong nakangiti dito, kainis.

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 2.5K 29
Isang Boyish Na Babae Na Na Inlove Sa Lalaking Makulit At Babaero
184K 4.3K 82
[COMPLETED] [THE NUTCRACKER meets CHAMBER OF SECRETS meets HAMLET] PREVIOUSLY ADDED TO THE OFFICIAL @mystery profile's READING LIST GENRE: Paranormal...
33.5K 321 18
Paano kung mag ka gusto sa isang tulad mo ang COLD,GWAPO,MAYAMAN, at higit salahat MAY-ARI ng SCHOOL na pinapasukan mo? PAANO KUNG ISA ITONG GANGSTE...
16.6K 416 23
Si Mr. Playboy ay Maraming chicks,Mahilig sa Sexy,Manyakis,Ginagamit ang pera for girls? So Ms. Cold ay Mahilig magtago ng emosyon,Moody,Masungit,Par...