Casia Sicarius (Life's Love A...

By drewrite

538 319 6

Christine was just a normal girl filled with curiosity with everything. Ever since she went to this weird and... More

SYNOPSIS
HUANGZU HIGH
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER EIGHTEEN

5 2 0
By drewrite

Christine

Nang walang pasabi, dumaan na mismo sila sa gitna namin na walang pakialam kahit may mabunggo o masaktan man sila. Kung ako lang, matitisod ko 'yung mga lokong 'yon. 


Oras na rin kaya dumiretso na kami sa kani-kaniya naming mga klase. Hindi ko malimutan ang itsura ng mga lalaki kanina. Paanong dito rin sila nag-aaral? Balak ba nilang patayin kaming lahat? Hindi na naman ako makapag-focus sa kaka-isip ko sa mga iyon. Hindi ako matahimik.


Dumating ang oras ng break at guess what, may nagkukumpulang mga estudyante sa likod sa may canteen. Tila may mga nag-aaway na naman. Dahil na rin sa curiosity namin, lumapit na kami at napansin namin na grupo sila. Paglapit namin ay nakita namin si Eithan na duguang nakahilata sa sahig. At hindi nga ako nagkamali ng hinala kung sino 'yung grupo, 'yung kanina lang rin pala.


"Think, Martel. 'Wag kang biglang aangkin ng hindi sayo. You should've thought of what you've done", sabi ng isa sa kanila habang nasa braso nito si Alexis. Halatang hindi alam ng lider nila na matagal na sila ni Alexis, may pagkamalandi rin pala 'yung ahas na 'yon.


"Lalapit na ba tayo?", tanong ni Jacky. Pwede rin, kasama naman namin sina Wil pati rin si Owen na takot pa ring tignan 


Nakaka-awang tignan si Eithan na hawak-hawak ng dalawang miyembro rin. Nang walang pasabi-sabi ay bigla na lang napadpad si Owen doon at akmang susuntukin 'yung isa sa mga humahawak kay Eithan nang biglang hinawakan siya sa likuran ng kwelyo ng damit niya at itinapon sa mga kasamahan niya at agad hinawakan din ito.


"Perez, you failed. At balak mo pang lumaban", sabi nito at biglang sinuntok sa tiyan si Owen. Lalapit sana ako ngunit pinipigilan ako nina Jacky at Rina. "Huwag ka ng lumapit do'n, baka masali ka pa"


I want to help him as a friend pero nangingibaw rin sa sarili ko na baka madamay pa kami ng iba ko pang kaibigan. Gustohin ko mang lumapit, baka ma-guilty ako kapag may nangyari rin sa iba kong kaibigan. Sila lang mga kakilala ko rito at mga kakampi ko kung sakaling may mangyaring masama.


I found myself moving palapit sa kanila at this time, hindi na ako pinigilan nina Jacky. Alam ko naman ginagawa ko at para kay Owen, pati ni rin kay Eithan ang gagawin ko para maligtas sila kahit ako pa ang mapahamak.


Walang pasabi kong sinampal ng malakas 'yong lider nila at hinila si Owen sa mga humahawak sa kaniya. "Wala kang puso, pati inosente dinadamay mo. Sa tingin mo magugustahan ng iba 'yang ginagawa mo?"


"Miss, as long as walang lumalaban or sinisiraan na ako sa likod ko, I won't anything. But this guy, him, he is stealing my girl from me", turo niya kay Eithan na dinudugo na ang labi.


"You can take things the nicer way at 'yun dapat ang ginagawa mo kung gusto mong walang lumaban at umaway sayo. 'Wag kang gumawa ng makakasira sa relasyon mo sa ibang tao kung ayaw mong mawalan, lalo na siguro 'yang mga alalay mong mahihina", salita ko na nagpagalit sa isa sa kanila na balak pa akong tamaan ng kamay niya ngunit pinigilan rin siya ng lider nila.


"Who are you?", tanong niya.


"Christine Valencia, any problems?", taas-kilay kong sagot.


"'Yang tabas ng bibig mo. Alam mo dapat yata 'yang putulin, ang ingay, salita ng salita", gait niyang sabi.


"Hey! 'Wag niyo siyang patulan, she has nothing to do here. Ako ang may kasalanan kaya ako ang parusahan niyo", sabi ni Eithan at hinarangan ako gamit ang braso niya.


"Wala rin silang karapatang saktan ka ng dahil lang inagaw mo daw si Alexis kaya tara na", hihilahin ko na dapat siya.


"Wait, wait, hindi siya pwedeng umalis ng hindi nagbabayad sa ginawa niya", sabi ng lider at hinila sa balikat si Eithan at biglang sinuntok sa pisngi, lumapit na rin ang mga alalay nito at pinagsasabay na sinuntok si Eithan habang ako ay sinusubukan kong hilahin pa rin si Eithan para malayo pero masyadong malakas ang mga alalay nito.


Biglang may lumapit sa likuran ko na mga babae at hinila ako palayo. Sina Alexis at mga tropa niyang mga bruha rin. "Jacky! Jacky! Rina! Kylie! Tulong!", pilit akong sumisigaw ngunit masyadong maraming tao at maingay at mabilis silang humila at nailayo ako sa maraming tao. Hindi na ako nahanap nila Jacky dahil nasa kabilang side sila ng mga maraming tao. Saan naman kaya ako dadalhin ng mga bruhang 'to.


"Wala ka ng kawala ngayon sa akin, mukhang masyadong kayong malapit ni Eithan kaya kailangan na kitang paalisin", ani Alexis sa akin, pinipilit ko pa ring umalis at takasan sila ngunit malakas itong isang kasama niya.


"Saan niyo ba ako dadalhin?"


"Sa lugar na hindi ka mahahanap ni Eithan", sagot nito. Hindi ko siya maintindihan at nag-aalala na ako baka anong gawin nila sa akin at baka hinahanap na ako ng mga kasama ko.


Jacky

Nag-aalala na ako baka kung ano ng nangyari kay Christine, bakit wala pa rin siya rito kasama namin hanggang ngayon? Mukhang napatagal 'yung nangyayari kina Owen at Eithan. Pinilit kong isiniksik sarili ko papunta sa gitna para mas makita ko ang nangyayari. Wala roon si Christine at si Owen at Eithan lang ang nandoon. 


Tinawag ko na ang mga kasama ko para tulungan akong malayo silang dalawa habang nawawala pa rin si Christine. Bigla na lang sinugod nina Wil, Wesley, Axel, Kyle at Jayden ang mga alalay ng lider pati na ang lider habang kaming mga babae ay tinutulungan naming makatayo itong dalawa.


Naitayo na namin sila at pinagtutulak na lang namin ang makita naming nakaharang para makadaan at mailayo namin sila bago pa kami maabutan ng mga mokong na 'yon.


Naipasok na namin sila sa kwarto nila at kasama na rin namin ang mga lalaki ngayon.


"Sino ba 'yung mga 'yon at ang sama ng tingin nila sa inyong dalawa?", tanong ni Kylie.


"Boyfriend ni Alexis, hindi niya alam na niloloko na siya ni Alexis at sa akin siya lumapit noon. Bigla na lang niya akong sinugod para makuha ulit 'yung girlfriend niya. Nadamay pa pati si Owen sa kagagawan ko", paliwanag niya.


"Okay lang 'yon kaysa hinayaan pa kitang bugbugin at muntikang patayin ng mga 'yon", sabi naman ni Owen sa kaniya na puro pasa at duguan na rin ang mukha.


Christine

Napadpad kami dito sa madilim na parte ng lugar na parang malayo na sa eskwelahan. Bigla na lang nila akong itinapon sa isang sulok. Nag-iiba na ang pakiramdam ko at parang nahihilo na rin ako.


"Ano bang ginawa ko Alexis at sobrang galit mo sa akin?", nanghihina kong tanong.


"Alam mo, salamat na lang sayo at niligtas mo si Eithan pero hindi ako masaya na babalik na naman siya sa inyo at kayo na naman ang pupuntahan niya at hindi na ako", sagotniya habang itinataas ang mukha ko.


"Hindi mo siya boyfriend at kaibigan namin siya, 'yung lider ang boyfriend mo at hindi niya alam na niloloko mo na siya gamit si Eithan"


"Hindi naman niya ako iiwan hanggat hindi niya nalalaman ang meron sa amin ni Eithan, kaya kita dinala rito para malayo ka at hindi ka makalapit kay Eithan o kay Luke para sabihin ang sikreto ko", may inilabas 'yung isang kasama niya na tali.


Lumapit sa akin si Alexis at itinalikod ako at pilit na kinukuha ang mga kamay ko at itali iyon. Gustohin kong lumaban, masyadong malakas ang humahawak sa akin at nanghihina na rin ako.


Pagkatapos niya akong talian, iniharap niya ulit ako at pinagsasampal ako. "Mawala ka na! Hindi ka pwedeng makita dito ni Eithan! Akin siya! 'Wag kang lalapit sa kaniya!", sigaw niya sa akin sabay sampal sa bawat salitang binabanggit niya.


Nahihilo na ako at parang inaantok. Mamamatay na ba ako rito nang hindi man lang nakapagsabi kina Jacky.


Bigla na lang nandilim ang paningin ko at napapikit na ako at ramdam ko pa rin ang mga sampal niya sa akin. Habang papikit na ako, ramdam ko ring hinahampas niya ang ulo ka sa pader na pinagsasandalan ko.


Nararamdaman kong lumulutang ako ngunit hindi ko pa magalaw ng maayos ng katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang patayo na ako. Parang nakikita ko ang nangyayari. Nakikita kong pinagsasampal ako at pinaghahampas ako ni Alexis sa pader habang pinipigilan na siya ng dalawang kasama niya.


Nakikita ko ang sarili kong nakapikit...


Patay na ba ako?......


"Tama na Alexis, baka mapatay mo pa siya", rinig kng sabi ng kasama niya.


Tumigil siya at pinagmasdan ako. "Hindi na siya humihinga", sabi ng isa sa kasama niya na rinamramdam ang pulso ko.


Napahawak siya sa bibig niya sa gulat, may pumapatak ng luha sa mata niya. "Napatay ko siya", mangiyak-ngiyak niyang sabi.


"Hindi ko sinasadya, gusto ko lang maghiganti at ilayo siya, pero hindi ko balak na patayin siya", umiiyak na siya at pinapatahan ng mga kasamahan niya.


Nararamdaman ko ring patulo na ang luha ko at nakita ko na lang na umiiyak na rin ako. Saan ako pupunta? Wala na ako sa katawan ko. Susunduin na ba ako?


Habang tumagal, may lumitaw na itim na usok na parang hindi nakikita nina Alexis. Nag-aalala na ako sa nakikita ko...


"Gusto mo bang tulungan kita?...", tanong niya at lahad niya ng kamay niya.



Continue Reading

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...