Chapter 18

16.4K 700 243
                                    

Erin's PoV:

"Ella okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo? Wala ka na bang kakaibang nararamdaman? Baka gusto mong bi---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang magsalita sya bigla.

"Stop it Erin. Okay na nga ako." Masungit nitong saad sa akin. "Ang daming tanong. Paulit-ulit. Tss." Dagdag pa nito.

Automatic na napanguso ako dahil sa aking narinig. "Sorry naman. Nag-aalala lang naman ako sa'yo."

I heard she scoffed in annoyance. "Ugh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Napakakulit mo." Saad nya pa.

This time, tuluyan na akong napasimangot. Hindi naman ako makulit eh. Naninigurado lang naman ang cute na katulad ko.

"Gusto mo bang matikman ito? Para lang malaman na okay na ako." Tanong nya at itinaas pa ang kanyang kamao.

Automatic na nanlaki ang aking mata. Mabilis akong umiling bilang sagot. Gosh. Nakakatakot naman kung gagawin ni Ella yun sa akin.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

We're here in the couch. Tamang-tama at weekends ngayon. Wala kaming pasok for today. Nakakatuwa.

I wonder kung anong gagawin namin ngayon. Aalis kaya kami ni Ella? Namiss ko nang gumala. Pampagoodvibes na rin.

Hindi ko naman matawagan ang mga ka-cutie explorer ko. Ayokong makaabala sa baby time nila. Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Tapos na rin naman kami sa mga schoolworks namin. At sa pagkakaalam ko ay naipasa na namin ito lahat.

So all in all, free kaming dalawa ngayon.

Naputol ang aking pag-iisip nang tumikhim si Ella. Nabaling tuloy sa kanya ang attention ko.

"A-Ano thankyou..." Turan nya. She started to bubble up her cheeks. Mygoodness, ang cute."Thank you for taking care of me nung may sakit ako." At nag-iwas pa ng tingin.

Namula sya bigla. Maybe, she's embarassed from what she've said.

Dahan-dahan kong dinampi ang aking kamay sa kanyang pisngi. "Wala yun Ella. Maliit na bagay." I started to gently caress her cheeks.

"Atsaka, it's one of my responsibilities kaya. To take care of you, wifey ko."

Now, nakita kong mas lalo syang namula. Para na syang kamatis sa pagkapula. Hindi ko maipigilan na dampian ng halik ang kanyang pisngi.

Napakacute kasi. Nakakagigil sya.

Suddenly, naramdaman ko na lang na nagsimula na syang paulanan ako ng pamatay nyang hampas. I bit my lips upang mapigilan ang impit kong daing.

Ugh. Ganto ba talaga si Ella? Bigla-bigla na lang nanghahampas? Ang lakas ng trip nya. Hindi tuloy ako makatawa. Sayang naman.

Ilang minuto muna ang nakalipas bago sya tuluyang tumigil. Phew. Buti naman. Ang hirap iwasan at salagin ng mga yun.

"Erin." Pagtawag nya sa akin. I just hummed as a response. What is it this time?

"Pwede na ba..."

"Anong pwede na?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya. Pinutol kasi ni Ella mung anong sasabihin nya. Pabitin pa. Wala tuloy akong kaide-ideya kung ano yan.

I glanced at her and she contemplating onto something. Bakit naman kaya?

Narinig kong napabuntong-hininga sya.

"Pwede na ba tayong magkiss? Since wala naman na akong sakit." Dire-diretso nyang saad habang nakatingin sa akin.

Natuptop ko bigla ang aking bibig. Did I heard it right? Sinabi nya ba talaga yun? Gosh.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon