Chapter 19

15K 751 244
                                    

Ella's PoV:

"Oh, umalis ka pala. Hindi ka man lang nagsabi sa akin." I said to Erin na ngayon ay kakapasok lang dito sa loob.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Halatang may pinuntahan sya. I wonder kung saan and kung sinong kasama nyang bitch. Tss.

I'm here in the couch, sitting gorgeously. I know naman na lagi akong gorgeous. Duh. Nakacrossed ang dalawa kong legs. I know, I know, sexy din ako.

Bumalik ang atensyon ko kay Erin na ngayon ay walang imik. Napataas-kilay ako bigla. Hindi nya ba ako narinig huh?

"Saan ka nagpunta?" Tanong ko ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Napakunot-noo ako bigla. What's wrong with her?

I heaved a sigh. "I'm asking you Erin. Sumagot ka naman." Mahinahon kong saad.

"A-Ano... Dyan-dyan lang." Sagot nito sa akin. Napaalma ako bigla.

Really? Dyan-dyan lang? Wow. Ang galing naman. Inabot na sya ng gabi ha. Kanina pa syang umaga umalis.

Naningkit bigla ang aking mata. "Hindi ako nakikipagbiruan Erin. Where did you go?"

Sinubukan kong hulihin ang kanyang mata but I failed. It's like, she's really avoiding my gaze. Ugh. Ano bang meron sa kanya ngayon?

"Pwedeng sa susunod ko na lang sagutin yung tanong mo Ella? I badly want to rest na kasi." She said. Napatango-tango  ako bilang sagot. Maybe, she's really tired. Or may nangyaring masama ngayong araw.

Napaisip naman ako. Bakit naman kaya sya mapapagod aber?

But I shrugged that thought away. Tulad nga nang sinabi nya, sa susunod ko na lang si Erin bobombahin ng mga tanong.

_____//_____

Hindi ko maiwasang mapataas-kilay nang makitang nakabihis si Erin. Mabuti naman at naabutan ko na sya ngayon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. Nakakaintriga kasi. Ilang beses na lagi syang umaalis. It's like, she's going somewhere at hindi man lang nya ako ini-inform.

"Ahm... Basta. Dyan-dyan lang." She said at nag-iwas ng tingin sa akin. "Ah sige Ella, aalis na ako. Baka malate ako eh." Dagdag pa nya.

Ayan na naman tayo sa dyan-dyan nya. Tss. And really? Malelate? Ano yan? Parang class schedule lang?

May appoinment pala sya. Ang weird. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na sya madalas maabutan dito sa unit. It's fucking frustrating. Lagi ko syang hinahanap. Tapos sya naman yung wala.

Kapag may pasok, maaga syang aalis. Then sa uwian naman, sa gabi ko na lang sya nakikita. At take note, hindi na sya naka-uniform non.

Hindi naman sa pagiging maldita pero ilang araw ko nang namimiss ang hug at kiss nya. I mean, I have the rights naman diba?

Wag ko lang talagang malaman-laman na may pinupuntahan na syang iba. Tsk. Malilintikan talaga sya sa akin.

Minsan na lang sya umuwi nang maaga. Hindi naman nya ako pinapansin kung maaga sya umuwi. Parang hindi nya ako kilala o nakikita. Argh. Nakakaasar!

Mukha ba akong multo sa paningin ni Erin ha? Sa ganda kong ito? Tss.

It's so unusual. Madalang na nya akong kausapin. Minsan na lang sya kung magsalita unlike dati na napakaingay nya. What's with the sudden change? Nakakapanibago.

I don't know why pero nagsimula lang ito nung day na nameet nya si Misty. That bitch. Nakakabwiset talaga.

Naputol ang aking pag-iisip nang makitang papalabas na sya ng unit. Agad kong tinawid ang distansya namin. I quickly held her wrist to stop her.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon