Chapter 12

18.6K 796 84
                                    

Erin's PoV:

"We need to set some rules in here." Saad ni Ella. Napamulagat naman ako bigla. Seryoso ba sya??

That's the first things she said nang makarating ako dito sa unit namin. Ang gandang bungad diba? Hindi naman halatang excited sya na makita ako.

"Wait lang. I'll change my clothes tapos tsaka na tayo mag-usap." Turan ko at nagdire-diretso na sa walk-in closet. Well, for sure naman ay wala akong makukuhang sagot mula sa kanya.

I changed my clothes as soon as possible. Alam nyo naman si Ella, sobrang mainipin. Baka magising ang monster side nya at maging machine gun na naman ang bunganga nya. Ratatat ng ratatat.

Agad akong nagtungo sa living room and there, I saw Ella na nakaupo sa couch habang nanonood ng TV.

Or maybe para hindi lang sya mabored?

Kung titignan mo kasi, she's wearing her neutral-look. Hindi mo tuloy alam kung nasisiyahan ba si Ella o hindi sa pinapanood nya.

Suddenly, something crossed in my mind. Lihim akong napangisi.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Of course, hindi ako nag-iingay. Edi hindi ko na sya magugulat. Yup, yan ang naisip ko kanina.

*Tip-toe papalapit* *Tip-toe papalapit*

I gulped. Here she is. Kitang-kita ko na ang likod nya. I composed myself first. Eto na yan Erin. Galingan mo na lang.

"Bula---"

"Tigil mo nga yan. Para kang tanga hmp." Masungit na asik ni Ella na syang nakapagpatigil sa akin. My eyes widen in shock.

P-Pano?

"What? Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Isang irap ang natanggap ko mula sa kanya.

"Tss idiot. Of course alam ko! I'm so fabulous kase." She answered. Sa tingin nya madadala nya ako sa ganon? No way.

Argh. Talagang alam ko na nag-ingat ako ng super para magulat sya.

Wait. Don't tell me may superpower sya?

Agad akong umupo sa tabi ni Ella. I brought my face closer to her na para bang ine-examine sya.

"May superpowers ka ba Ella? Kaya nalaman mo na papalapit ako?" I'm really excited to meet people with superpowers. Parang mga nasa anime lang.

Nakita ko kung paano sya natigilan but I continued examining her. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya.

Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Dahan-dahan kong tinukod ang aking kamay sa kanyang tabi. You can say that I'm trapping her now. There's only a slight distance between us.

Kitang-kita ko tuloy ngayon kung paano mamula ang kanyang pisngi. So weird. Hindi mainit at nakabukas naman ang aircon.

"Dali na Ella. Sabihin mo na." Pamimilit ko pa sa kanya. I guess that's the cue para bumalik sya sa reyalidad.

"Y-Yah. Lumayo ka nga! Tsk." Masungit nyang saad sa akin. Nakita kong napakagat-labi sya bigla.

Hindi ko maiwasang magtaka. Kinakabahan ba sya? Well, ramdam ko kasi yun sa tono ng boses nya eh.

Isang ideya na naman ang biglang pumasok sa isipan ko. Kung hindi ko sya nadala kanina, then I'll try this one.

I slowly pinned her in the couch. Nakita ko kung paano nanlaki bigla ang mata ni Ella. Obviously, hindi nya ine-expect ito.

"E-Erin a-ano bang ginagawa mo?" Nauutal nitong tanong sa akin. I want to laughed at her right now dahil ang priceless ng expression nya but I refrained myself from doing that.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon