Chapter 35

14.1K 684 161
                                    

Erin's PoV:

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon after I heard what Ella said. Kahit kanina pa yun ay hindi pa rin ako makaget-over.

Gosh. But on top of that, talagang excited ako dahil finally! Magkikita na uli kami ni Ella. I mean, nagkikita naman kami pero hindi kami nagpapansinan which is quite disturbing.

Miss na miss ko na sya. As in super talaga. There's no words how can I describe it.

These past few days ay pakiramdan ko ay sabog ako. Bangag kumbaga. Pero syempre, hindi dapat mawala ang pagiging cute ko.

Yun na nga lang yung asset ko eh. Tapos hindi ko pa aalagaan? Sayang naman.

I really wonder kung bakit sya biglang napatawag at kung anong pag-uusapan namin ngayon.

I heaved a sigh. Kung ano man ang magiging desisyon ni Ella, I'll respect it. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot kung ano man yun.

What if isa talaga syang monster na nagkatawang-tao lang?

What if isa pala syang witch at ginayuma nya ako? Joke lang.

What if sasabihin na ni wifey ko na itigil na namin ito?

After all, it's my fault dahil hindi ko kaagad sinabi kila Mom at Dad kung anong meron sa aming dalawa. I need to be brave for the both of us kung gusto kong magtagal kaming dalawa.

I heaved a sigh once again. Nagsimula na akong mag-ayos. Medyo makalat since dito natulog si Misty.

To tell you guys honestly, wala kaming ginawang kakaiba or masama. We're just hanging-out like friends usually do. Never yun magbabago.

After many minutes and yay! Tapos na rin akong maglinis ng aking unit. Mabilis kasi akong kumilos.

Agad akong napasalampak sa aking couch. Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto nang makarinig ako na may nagdoorbell.

I bit my lips. Gosh. Si Ella na ha yun?

Mabilis akong napatayo. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagiging maharot na naman si heart. Aish. Kaasar naman.

I make my way towards the door. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi na lang inilagay ni Ella yung passcode. Hindi ko naman yun pinalitan eh.

I composed myself first. Act normal, Erin! Binuksan ko na ang pintuan and there, I saw her.

Oh god. She's really beautiful kahit na parang wala sya sa mood ngayon. Ang neutral lang kasi ng expression nya.

Pakiramdam ko'y para akong nastarstruck nung nakita ko sya. I mentally slapped myself.

"Close your mouth. You might catch a fly." Masungit nitong saad na syang nakapagbalik sa akin sa reyalidad.

Asdfghjkl! She's really telling the truth dahil napanganga nga ako habang nakatingin sa kanya.

I shooked my head. Hay nako, Erin!

I faked a cough upang pagtakpan ang aking kahihiyan. "C-Come in, Wife—— Ella." I said at mas nilakihan pa ang siwang ng pinto.

Napapikit ako nang mariin when I smell her familiar scent. Gosh. Akala ko ay sa wattpad ko lang nababasa yung mga gantong scenario. Pwede rin pala sa real-life.

I noticed na tumigil si Ella sa tapat ng mga babies namin. She's gently caressing amd patting their head.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.

Hindi ko ineexpect na titingin sya sa gawi ko kaya ayun, nahuli ang lola nyo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Dumiretso akosa couch at umupo.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na may umupo sa aking tabi. Imposible naman na multo yun. I gulped knowing that it was her. Base na rin sa kanyang presensya.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon