Part 17

1.2K 104 14
                                    

"Jessa!" Brian eagerly ran to her. Lumuhod ito sa sahig na kinasasalampakan niya. "Are you alright? May masakit ba sa'yo?"

Pinunasan niya ang luha at nanlalaki ang mga matang tumingin dito. "N-nandito ka na..."

Napasinghap ito nang mapagmasdang mabuti ang kanyang mukha. "Y-your eyes... They got the color of the moon." Sinalo ng magkabilang kamay nito ang kanyang mga pisngi.

Tumulo mula sa kanyang mga mata ang hindi maampat na luha. "N-nakita nila ako..."

"Sshh... wala silang nakita." Hindi na nito napigil na hilahin siya sa dibdib nito. "Huwag mong isipin ang bagay na 'yon."

Nanginginig na isiniksik niya ang sarili sa lalaki. Pakiramdam niya ay magiging maayos ang lahat habang nasa bisig siya nito. "Huwag mo akong iiwan, Brian."

Lalong humigpit ang nakapalibot na braso nito sa kanya. "I never intend to." Naramdaman ni Jessa ang ginawa nitong paghalik sa kanyang tuktok.

"B-brian!" tawag ni Torres.

Galit na bumaling dito ang binata. Bitbit ni Torres si Medina. Nakaalalay ito sa walang malay na lalaki.

"H-hindi mo na kami kailangang isuplong sa pulis. Aalis na lang kami ni Medina dito sa CD building."

Nagtagis ang mga bagang ni Brian. "Just get out while you still can. If I saw your face here again, I'll make sure you'll regret that you even step a foot in this place. At kapag nilapitan niyo pa si Jessa." Lalong tumalim ang mga mata nito. "Hindi lang gulpi ang aabutin niyo. Tandaan niyo 'yan ni Medina !"

Nagmamadaling umalis si Torres. Mas mahalaga para dito ang buhay nito kaysa kalabanin ang pinakamaimpluwesyang tao sa CD building. Napakalaking pagkakamali ang hamunin nila ng away ang binata sa sarili nitong teritoryo. He should know that they wouldn't be spared by the board kapag nalaman ng mga ito ang ginawa nilang kalokohan sa mismong loob ng Conglomerates Domain. Kaya hindi niya na magagawang maghintay na umabot pa ang lahat sa ganoon. Tahimik na aalis na lamang sila ni Medina. At kapag kumontra pa rin ito ay bahala na ito sa buhay nito.

"Brian..."

Inalalayan siya patayo ng lalaki. Nang humiwalay ito ay napatingin ito sa litaw na parte ng balikat niya. Nakita niya ang ginawa nitong paglunok. Subalit agad na iniiwas nito ang mga mata. "Damn those rotten bastards!" Tinanggal nito ang suot na suit. Ibinalabal nito sa kanya 'yon.

Naiilang na tinakpan niya ang mukha. Nakita na rin ng binata ang kanyang pinakatatagu-tagong mukha. Anong nang gagawin niya? Sa mga nangyari ay hindi na siya makokonsidera pang malinis... Anong sasabihin niya sa kanyang Tatang? Papaano na siya haharap pa sa kanilang tribu?

"You'll be alright. Walang nakakita sa'yo. Iyon ang nangyari."

"H-hindi ako puwedeng magsinungaling sa sarili ko. At lalong hindi ako puwedeng magsinungaling sa tribu. Sa nangyari ngayon, tiyak na malaking kaparusahan ang naghihintay sa akin sa Cordillera"

"Then, don't come back."

"H-ha?"

"Stay here forever. You can stay with me for the rest of your life."

Dahan-dahang binawi niya ang brasong nakayakap mula rito. Awang ang mga labing tumingin siya kay Brian. Nakita niya ang determinasyon at kaseryosohan sa mukha nito.

Napapitlag siya nang muling kunin nito ang kanyang kamay. "I can tolerate you at least for the next fifty years. May pagka-maldita at pagka-ignorante ka kung minsan, pero mas madalas na ramdam ko ang takot mo sa lahat ng bagay na nakapaligid sa'yo. Yeah, I understand your situation... so much... that I felt very protective of you. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong nakikita kang nasasaktan." Tumaas ang isang kamay nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "I really didn't expect that you are so beautiful like this. As much as I want to see you as a child... ngayon... ni hindi ko na ma-imagine pa ang bagay na 'yon. Cause no matter where I look... hindi ka na bata pa, Jessa."

Ramdam niya ang init sa palad nito. Ano ba ang gagawin niyang hakbang sa narinig? Hindi niya niintindihan ang salita ng binata pero kuhang-kuha niya ang ipinahihiwatig nito. Hindi nga lang siya sigurado.

"G-gusto mo ba ako, Brian?"

Naestatwa ito sa sinabi niya. Biglang nabitawan nito ang kanyang mga kamay. Napakurap ito. "A-ako? T-that's not what I meant!" Namula ito na singpula ng kamatis. Tumaas ang kamay nito sa batok at umiwas ng tingin sa kanya. "T-that's absurd! P-paano ka nauwi sa ganoong konklusyon?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang inosenteng nakataas ang paningin dito. "M-mali ako?"

"Hell, yeah! Y-you are just a brat! Masyado ka pang bata!"

"P-pero kasasabi mo lang na hindi na ako isang bata."

"N-no! Yung itsura mo k-kasi ano..."

"Ano?"

Tumingin ito sa kanya at muling namula. "Y-your face... hindi ko inaasahan na ganyan ang itsura mo."

Sinalat niya ang mukha. "N-napapangitan ka sa akin?"

"Hindi!"

"Nagagandahan ka?" Napangiti siya.

"Hindi!"

Naglaho ang ngiti niya. "E ano?"

"Ahm... I... Damn it!" Bigla itong tumalikod. "Pwedeng huwag ka nang magtanong. And please cover your face."

Dinampot niya sa lapag ang telang pinanakip sa mukha. "Hindi ko na kakailanganin pa 'to. Wala nang silbi pa kung itatago ko ang itsura ko ngayong may tao nang nakakita sa akin."

Bigla ang ginawang pagpihit ng binata paharap. "A-anong sabi mo? Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang itakwil ka sa inyo? Hindi ba't mahigpit na ipanagbabawal sayong magpakita ng mukha? Lalo na't prinsesa pala ang turing sa'yo... Matagal na panahon mong pinag-ingatang itago tapos ipangangalandakan mo na lang ngayon sa tao ng ganun-ganon na lang?"

Umiling siya. "Ang pinakamasamang bagay na mangyari ay ang ipakasal ako ni Tatang sa unang lalaki na nakakita ng mukha ko. Dahil ang taong 'yon ang dahilan kung bakit nawala ang kalinisan ko... siya rin ang kailangan para kahit papaano ay maibalik ang dangal ng isang hinirang at payapa akong makakaalis sa tribu."

Nanlaki ang mga mata nito. "W-what? T-totoo ba 'yang sinasabi mo?"

Muling namasa ang kanyang mga mata. "At ang lalaking 'yon ay nagkataon pang kaaway mo..."

Nagulat siya nang bigla siyang muling kabigin ng yakap ni Brian. "Hinding-hindi kita ibibigay kay Medina!"

Tumaas ang kamay niya papunta sa likod nito. 

Kung ganoon... huwag na huwag mo akong bibitawan sa oras na kailanganin na nating magkalayo. At hindi rin ako bibitaw sa'yo kahit na ano pa ang mangyari.

****  

- Amethyst -

Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now