Part 14

1.2K 84 8
                                    

"What are you doing?!" Kunot na kunot ang noo ni Brian sa pagkakataas ng kamay ni Jessa. They were having their breakfast that time. "Shit! Do you want to die that badly?!"

"Pasensya na. Hindi kita maintindihan." Hindi niya pa rin ibinababa ang gitnang daliring nakatutok dito. Pinigilan niya ang pag-alpas ng ngiti sa gilid ng kanyang mga labi sa nakikitang iritasyon sa mukha ng binata.

Nanggagalaiting napaungol ito. "Gusto mo bang ibalik kita sa tatay mo?"

Bigla niyang naibaba ang kamay. "Patawad. Hindi na mauulit."

The guy scorned. "Ang lakas ng loob mong murahin ako gayong nakatira ka mismo sa loob ng pamamahay ko."

Nabaghan siya sa narinig. "I-isang masama at makasalanang senyas ba ang ginawa ko?"

Napapalatak ito. "Ni hindi mo naman pala alam ang ginagawa mo. Saan mo ba yan natutunan?"

Tumingin siya sa telebisyon. Nasundan ng tingin ng lalaki ang pinagmamasdan niya.

"In a movie?

Tumango siya. "Ginawa 'yon ng isang lalaki sa kaaway niya. Nagalit at parang napikon yung kaaway niya. Ginaya ko 'yon para makita ang galit na reaksyon mo." Napangiti siya. "At nagalit ka nga! Epektibo pala ang senyas na 'yon..." Napahinto siya nang mapagtanto ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Masama ang pagkakatingin sa kanya ni Brian. "Alam mo bang sa senyas na 'yon... para mo na rin akong pinatay."

"H-ha?"

Tumalungko sa mesa ang binata at naniningkit ang mga matang seryosong tumutok sa kanya. "Anong nangyari sa lalaki matapos niya 'yong gawin sa kaaway niya?"

Ninenerbiyos na napakurap siya. "M-may pumutok... t-tapos dumugo ang dibdib niya... at humandusay siya daan."

"Hala! Malamang na ganoon din ang mangyayari sayo... Parusa 'yon!"

Napalunok siya. "S-sinungaling."

"Bakit nanginginig ang boses mo?"

"Kung ganoon, masama talaga ang ginawa ko?"

"Masamang-masama!"

Bigla siyang tumayo. Balisang nagtungo siya sa kanugnog na kusina. Nasundan na lang siya ng tingin ng binata. "Anong gagawin mo?" Unti-unting sumisilay ang ngiti sa labi nito. In his playful mind, he thought that this girl is really naive and funny.

Kinuha ni Jessa ang namataang kutsilyo na nakalapag sa lababo. "Bago pa ako maparusahan sa masamang ginawa ko. Paparusahan ko na ang sarili ko. Kailangang putulin ang makasalanang kamay na ito!" Itinaas niya ang hawak na kutsilyo at inilapag ang kamay sa tiles.

"Shit! Nooooo!!!" Inilang hakbang ni Brian ang kusina. Maagap na yumakap ang isang kamay nito sa baywang niya habang ang isang kamay naman ay pinigilan ang patalim na hawak niya. "Are you crazy?!" humihingal na sigaw nito.

Napakurap siya dahil sa lapit ng mukha ng lalaki. "T-tagalugin mo," nababato-balani niyang saad. Hindi niya maiwasang maging asiwa sa distansiya nilang 'yon kahit alam niyang hindi naman nito nakikita ang kanyang mukha.

"Ang sabi ko nababaliw ka na!" Napabuntong-hininga ito. "Pero mas baliw ako para gumawa ng ganoong klaseng biro sa isang taong walang muwang."

Naramdaman ni Jessa ang paghapit nito sa kanya. Wari bang sinisigurado nito na buo pa rin siya at nasa harap nito.

"I'm sorry..."

"Humihingi ka ng tawad?"

Gulat na tumingin ito sa kanya. "Naiintindihan mo?"

Tumango siya. "Naririnig ko kasing madalas na gamitin mo ang mga katagang 'yan sa mga tumatawag sayong mga babae. May kasalanan ka ba sa kanila?"

Again he sighed. "It's complicated to explain that to you."

Kumunot ang noo niya. Clueless siya sa sinasabi nito.

Lumaylay ang ulo ng lalaki. "Ano bang gagawin ko sayo?"

"Tatratuhin mo ng mabuti sa loob ng isang taon. At bilang ganti, pagsisilbihan kita ng buong puso."

Tumawa ito sa sagot niya. "You really are funny." Tumaas ang isang kamay nito. Akmang hahawakan nito ang pisngi niya sa likod ng telang tumatakip dito nang matigilan ito. "I forgot that I'm not supposed to touch you." Tumikhim ito at biglang bumitiw sa kanya.

Binitawan niya ang kutsilyo sa pinagkuhanan.

"Pero seryoso ka talagang gawin 'yon?" tanong ni Brian.

"Ang alin?"

"P-putulin ang kamay mo?" Napangiwi ito. Mukhang maisip pa lang nito ang bagay na 'yon ay tila isang bangungot para dito.

Umiling siya. "Hindi ako seryoso Brian. Wala akong alam, oo. Pero hindi ako tanga na makukuhang saktan ang sarili para sa isang hindi makabuluhang paniniwala."

"W-what?"

"Ganitong eksena mismo ang nangyari sa palabas na nakita ko sa tinatawag mong tv. Biniro ng lalaki ang babae kaya nakiayon si babae at gumanti kay lalaki."

Puminid ang mga labi nito nang makuha ang ibig niyang sabihin. "So, umaarte ka lang?"

"Pag-arte ang tawag sa ginagawa ng mga tao sa telebisyon, hindi ba?"

"Damn it! Don't make that kind of joke!"

"Joke? Nakakain ba 'yon?" pang-aasar pa niya.

"Arghh!!!" Naitaas nito ang magkabilang kamay sa panggigigil. Mukhang gusto siya nitong ibitin patiwarik at paluin ng walang humpay. "Linisin mo ang buong bahay, Jessa! Ayokong may makikitang alikabok sa lahat ng sulok!"

Napangiwi siya sa sinabi nito. Magsasalita ulit sana siya subalit pinandilatan siya nito. Mukhang napuno na sa kanya si Brian. Hindi niya naman intensiyong inisin ito. Kaya lang ay hindi niya malaman sa sarili kung bakit nakakaramdam siya ng iritasyon sa pagtrato nito sa kanya na tila isang bata at walang kaalam-alam sa mundong ginagalawan nito. 

****

- Amethyst -

Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now