Part 5

1.3K 71 5
                                    

"You are five minutes late," reklamo ni Sofia na nakaupo mula sa eleganteng ayos ng table sa loob ng restaurant na sinabi nito.

"Just five minutes. No big deal." Kibit-balikat na naupo siya sa kabilang panig ng mesa matapos niyang hagkan ito sa pisngi.

"You are really not a sweet guy. Bakit ba ako na-inlove sa isang taong bato na gaya mo? You're not even giving me flowers ever since we started dating."

Napangiwi siya. "I hate to do those kinds of things."

Napanguso ito. "But I love those things!"

Sumusukong napabuntong-hininga siya. "Alright. I won't forget next time so will you stop acting like a child? It's not really cute."

Sumimangot ito subalit hindi na nagkomento pa. Nang umorder sila ng pagkain ay tahimik lang sila sa gitna ng dinner.

Panaka-naka ay napapansin niya ang mga sulyap ng nobya sa kanya na tila ba may ibig itong sabihin ngunit nag-aalinlangang kausapin siya.

Pinunasan niya ang gilid ng bibig ng napkin bago niya isinantinig ang nasa isip. "Is there something wrong? May gusto ka bang sabihin sa akin, Sofia?"

Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at napabuntong-hininga. Nang tumaas ang tingin nito sa kanya ay naroon ang determinasyon sa mga mata nito. "Brye..."

Nakaramdam siya ng kaba. Parang nakikinita na niya na hindi maganda ang sasabihin sa kanya ng nobya.

"Dad wanted us to get married this month," seryosong pahayag nito.

Napahinto siya at ilang minuto siyang hindi nakakibo. Pamaya-maya ay umiling siya. "No. I don't think I'm ready with that kind of commitment. Kasal? That is just absurd."

Lumatay ang sakit sa mukha ng babae. "You are really cold, Brye. Alam kong hindi mo ako mahal pero hindi mo ko kailangang tanggihan ng harap-harapan."

Umiwas siya ng tingin sa dalaga. Sa lahat ng ayaw niya ay makakita ng isang babaeng umiiyak. "Sofia, let's just be honest with ourselves. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng susunod sa kung anong sasabihin ng iba. Isa 'yon sa mga katangian mo kung bakit kita nagustuhan. Love is another matter. It's just a pretty word that would always be an excuse for doing crazy things. We are both mature here. Alam na natin kung ano ang makakabuti o ang makakasama para sa atin. I wouldn't want you or me to regret a decision that others pushed onto us."

Napakagat ito sa ibabang labi. "B-but I wanted to get married with you. Hindi lang dahil sa sinabi ng Daddy."

"It's too early for us."

May pagsusumamong tumingin ito sa kanya. "We are not getting any younger, Brye. We are both twenty-nine. Siguro para sa mga lalaki, you're still okay with that age. Pero iba 'yon para sa mga tulad naming babae."

"Mababaw na dahilan lang 'yan, Sofia. You looked younger than your age. At hindi ganoon kakitid ang utak ko."

"Then why wouldn't you marry me? If you at least consider me in your life, Brye... kahit walang pag-ibig. Basta alam ko na hindi mo ako iiwan. Tama na sa akin 'yon."

Napabuntong-hininga siya at mariing napapikit. "Do you still intend to argue with me regarding this matter if I said that I won't leave you?"

"Walang kasiguruhan ang sinasabi mo, Brye."

Kumunot ang noo niya. "Don't you trust me?"

Tumiim ang pagtitig ni Sofia sa kanya. "Then sabihin mo sa akin ang totoo. Ako lang ba ang nag-iisang babae sa buhay mo magmula ng maging mag-on tayo?"

Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now