Part 15

1.4K 85 7
                                    

"Hey... Jessa... look at that woman. Yung naka-skirt na kulay brown, may ruffles ang blouse at sobrang taas ng heels." Pasimpleng itinuro ni Miko ang direksyon kung saan napako ang mga mata nito. "Sabihin mo sa akin kung anong tipo niya sa lalaki." Bumulong pa ito sa dalaga.

"Magandang lalaki," sagot ni Jessa na hindi iniaalis ang tingin sa ginagawa nito sa sketch pad.

"Magandang lalaki ako." Nag-pause pa ito na animo isang matinee idol. "Ano pa?"

"Galante."

Tumikhim ito. "Mayaman ako."

"Mabait."

Pinaglapat nito ang dalawang kamay na tila nagdarasal. "Mala-anghel ang kabaitan ko."

"At higit sa lahat, hindi manloloko."

Pumalatak ito. "Mukhang ako yata talaga 'yan. Hindi naman ako babaero."

"Babaero ka!" sabay-sabay na bigkas pa nilang tatlo nina Robin at Louie.

Napatda ito sa reaksyon nila. "Mga 'tol, kaibigan ko ba kayo? Ang tindi niyong magsi-kontra e! Parang ayaw niyong umasenso ang love life ko." Kinuha nito ang puswelo ng kape na nakalapag sa mesa at inis na ininom.

Tinawanan lang ito ni Brian habang ang dalawa naman ay mahinang sinuntok ito sa magkabilang balikat. Nasa cafeteria sila ng mga oras na 'yon dahil oras ng break nila sa trabaho.

"Ginagamit mo kasi itong si Jessa sa pansariling interes mo, pre." Napailing si Louie. "Dapat hindi lang ikaw dude! Jessa, sabihin mo sa akin ang sekreto para mapasagot ang lahat ng babaeng nililigawan ko."

Napaigik na lang ito nang may ilang paang umigkas sa binti nito sa ilalim ng mesa. "S-sabi ko nga... hindi ko na siya idadamay sa kalokohan ko..." nakangiwing saad nito.

"You guys are hopeless," komento ni Robin.

"Hey... mas hopeless ka kaya," banat dito ni Louie.

"On what part?"

"On every part—Uy si Catherine o!"

"Shit!" pagmumura ni Robin na akmang magtatago sa ilalim ng mesa. Natigilan lang ito nang makitang wala naman talaga ang babae doon.

Pumuno ang halakhak nilang tatlo doon. Napamura naman muling si Robin. "Just hearing the name of that gal, I had goosebumps and panic attacks."

"Hey! Ano bang ginagawa mo, Jessa?" tanong niya nang mapansing hindi pa rin nito nilulubayan ang sketch pad na hawak nito.

Hindi siya nito pinansin kaya bigla niya na lang inagaw ang ginagawa nito.

"Teka—" Ngunit hindi na nahabol pa ng mga kamay nito ang sketch pad.

"Whoa!" reaksyon ng mga kaibigan niya na nakitunghay din sa tinitingnan niya. He just couldn't believe what he saw.

Those are designs of dresses for men. And not just ordinary designs. Iba't-ibang estilo na may touch of originality. Business suits, formal jackets, jeans, casual clothes, urban clothes. Lahat ay pawang mga bago sa paningin. At hindi niya alam kung conceited lang siya o ano pero nakikita niya ang sarili sa lahat ng modelong nakaguhit doon.

"T-this is impressively good..." bulong niya.

"Pre! Magaling palang mag-design itong si Jessa. Ipasok mo kaya siya sa boutique ni Sofia?" suhestiyon ni Miko.

Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now