Part 12

1.2K 88 6
                                    

Lumilipad ang isip ni Brian sa gitna ng dinner date nilang iyon ni Sofia.

What was she thinking? Having tantrums like that... well she's a kid on the second thought. A teenager who's on the common age to rebel.

Pinaglalaruan lang ng hawak niyang tinidor ang piraso ng steak na nasa kanyang plato. He really had no appetite that time.

Did she eat dinner already? Hindi pa naman siya gaanong sanay na magluto. I should cook her meal first before I left. Hindi ko na sana pintulan ang topak niya. Damn it! Why am I getting so uneasy over a little promdi girl?

"Brye!"

"H-huh?" Nag-angat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang masamang timpla ng mukha ng nobya.

"Are you listening to me? Gosh! Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa wala sa sarili mo."

"I'm sorry." Tinulak niya ang plato palayo.

"Are you going to be like this once we're married? Kinalimutan mo na nga ang nire-request kong flowers sa mga dates natin at ngayon ganito ka pa rin kalamig! Tell me, do you plan to back out in our wedding?"

Nagpanting sa kanyang tainga ang tanong nito. Walang kangiti-ngiti ang mukha niya sa harap ni Sofia. "Will you let me?"

Fear registered on her face. "No! Pasensya na Brye...I shouldn't ask something like that. Just forget about it. Hindi na ako magiging demanding pa."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "I'm sorry. I don't think I am in the mood for this. Let's call it a day. I need to go home. Kasama mo naman ang driver mo, so hindi na kita kailangang ihatid pa."

"Wait!" Pumigil ang isang kamay nito sa kanyang braso. "Tuloy ang kasal natin, hindi ba? Kahit na ano pang mangyari... ako pa rin ang tanging babae na ihaharap mo sa dambana."

"I already said it, Sofia. So you don't need to worry." Kaswal na hinalikan niya sa pisngi ang nobya. "Bye," maikling sambit niya bago may pagmamadaling naglakad palabas ng restaurant na 'yon.

Nang makasakay siya sa nakaparada niyang Bugatti ay saka niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. "Somehow the air in that place is so suffocating." Niluwangan niya ang pagkakasuot ng kurbata.

Napailing siya at ini-start ang sasakyan. "Malamang gutom na ang alaga ko sa bahay." Napangiti siya nang maisip si Jessa. Just thinking about what would be their arguments at home really thrilled him. Makaluma at maaring lumaki nga sa bundok ang babaeng iyon subalit hindi pa rin naitago no'n ang pagiging prangka ng dalaga. Sinasabi nito kung ano man ang nasa isip nito. At isa iyon sa mga katangian nito na sadya niyang hinahangaan.

Wala pang ilang minuto ay nasa harap na siya ng building ng condo unit niya. Pagkaparada ng sasakyan sa may parking lot ay mabilis siyang naglakad papunta sa may elevator. Nang mainip siya sa pagbukas niyon ay tinakbo na niya ang hagdan.

When he got in the door of his unit, he sheepishly smiled. Pinag-iisipan niya kung aakto pa rin siyang galit sa nangyari kanina o makikipagbati na sa babae. "I guess the latter will be better for both of us."

Nang buksan niya ang pinto ng ay ang marahang usok ang sumalubong sa kanya sa loob. Madilim pa sa loob. Agad na kinapa niya ang switch ng ilaw. "What the hell?!"

Nagimbal siya sa maliit na apoy sa sala. Ilang mga papel at kung anu-ano pa ang nasusunog sa ibabaw ng drawer at naabot na rin no'n ang kurtina. Sira pa naman ang smoke detector niya na hindi niya na nakuhang ipamantini sa utility ng building na 'yon dahil sa pagiging busy niya.

Kaagad niyang tinakbo ang kusina at kinuha ang fire extinguisher. Binugahan niya ang maliit na apoy sa salas. Agad din naman iyong naapula. Hinihingal na hinanap ng mga mata niya ang babaeng nakatakdang managot sa nangyari. Naroon ito sa may sofa at nakahiga.

Shit! Nag-aalalang nilapitan niya ito.

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang mapansing hindi tumataas ang dibdib nito tanda na hindi ito humihinga. Maaring nakalanghap ito ng sobrang usok habang umiidlip.

Don't tell me... Sinalo niya ang ulo ng babae. "Jessa! Jessa!" Tinampal-tampal niya ito sa pisngi. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya habang ginigising ang walang malay na dalaga. Ngunit sadyang sagabal ang telang nakatabing dito. Akmang tatanggalin niya ang takip nito sa mukha nang matigilan siya. Naalala niya ang batas sa tribu nito.

Damn it! What am I supposed to do? Hindi na niya kailangang pag-isipan pa 'yon. Mas mahalaga pa rin sa lahat ang buhay nito. Mariing ipinikit niya ang mga mata. Sorry, kid! But I have to do this!

He removed the cover of her face. He didn't know what's going on with him but his hand was trembling.

Nahigit niya ang hininga nang masilayan niya ang mukha ng babae. Ang inaasahan niyang maitim na kutis at sarat na ilong tulad ng isang katutubo na nasa bundok ay hindi niya nasilayan. Bagkus ay ang isang magandang mukha ang tumambad sa harap niya.

This must be a dream... how could it be possible?

Napamaang siya sa kariktang bumulaga sa kanya. Maliit ang mukha ng babae. Maliit din ang ilong nito at matangos. At napakahaba ng pilik mata nito. Natural ang pagkapula ng maninipis nitong mga labi.

Her face was so beautiful like the face of a saint. Napakaamo. Iyon ba ang dahilan ng pagtatago nito ng anyo? Dahil pakiramdam niya ay walang sino man ang may karapatan na makita ang napakagandang mukhang iyon.

Tumaas ang isang kamay niya upang siguruhing totoo ang nakikita ng mga mata. He could feel his heartbeat in all of his systems. He felt overwhelm with just that sight of lovely unfamiliar face.

Who really are you, Jessa? Talaga bang anak ka ni Mang Hadji?

Nabawi niya ang kamay nang biglang napaubo ang babae. Bumalik ang huwisyo niya sa pagkakatulala at maagap na naibalik ang takip nito sa mukha.

"Brian..." tawag nito sa kanya. She coughed again.

"It's okay. You are alright." Hinagod niya ang likod nito.

Bigla ang naging pagkilos nito. Umangat ang mga kamay sa telang nakapandong sa ulo. She maybe got worried na baka natanggal iyon. Napahinga ito ng malalim nang makapa ang taklob nito sa mukha.

Naguguluhang bumaling ito sa kanya. "A-anong nangyari?"

Ipinilig niya ang ulo. "Ako dapat ang magtanong niyan." Tumingin siya sa nasunog na kurtina at ilang mga papel na naabo.

Tulirong tumayo si Jessa. "Y-yung kandila..."

"So iyon ang naging cause ng sunog?" seryosong tanong niya.

Nanlulumong humarap ito sa kanya. "K-kasalanan ko..."

"Of course! It is your fault!"

Yumuko ito sa pagsigaw niya. "Pasensiya ka na, Brian." Namasa ang mga mata nito. Pakiramdam ng dalaga ay napakatanga nito para iwanang may sindi ang kandila. Hindi naman kasi nito intensiyong makatulog. Lamang ay nahapo ito sa nararamdamang lungkot at pag-aalala.

"Goddammit!" Umiwas ng tingin ang binata. Parang hindi niya kayang harapin ang babae sa mga oras na 'yon. Ni hindi man lang siya makatingin dito ng diretso. Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso na parang may naghahabulang kung ano man sa kanyang loob. "Can you leave me alone, please? Iwanan mo akong mag-isa."

Narinig niya ang pagsigok nito. Kahit gusto niya itong aluin ay pinigilan niya ang sarili. He was torn between what he just saw and that uncomfortable feeling like he committed a big sin. Ano bang nangyayari sa kanya? Nahawa na ba siya sa kapraningan ni Jessa?

****

- Amethyst -

Love Links 4: My Clumsy Princess [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon