SIX

8K 714 86
                                    

Sweet Mouth


Pinara ko ang jeep nang makarating sa kanto ng aming apartment. Nang makababa ay pasimple kong hinawi ang aking buhok at pinahinga sa gilid ng aking leeg, Habang ginagawa ko iyon ay pasimple kong nilingon ang pinanggalingan ko.

He has been following me since the night he drove me back to home. I seldom see him at the bar since that night pero tuwing oras na nang uwi ko ay nakahimpil ang kanyang sasakyan sa kabilang kalsada. At kapag nakasakay na ako ng jeep ay saka naman ito bubuntot.

He's like my stalker in the night pero ang kaibahan nga lang ay kilala ko siya at alam kong hindi nanganganib ang buhay ko. Sumikdo ang puso ko. Uhm. Parang gustong magreklamo nito. My heart is trying to tell me that it's nearing its limit. Konti nalang at hihiyaw na ito ng code blue. But I'm scared. I'm scared to fall in love with the same person. What if I'd fall again? Will he be there to catch me for real this time?

Sa araw naman ay walang palya kung magpadeliver ito ng pagkain tuwing tanghalian. My staffs have been a pain in the ass for always ruining my mood dahil sa pagiging makulit. I couldn't tell them who's sending food to me, could I?

"Sino ba kasi yan, Bea? Sino si Ser Sungit? Di kaya at nagtataksil ka kay Tyler niyan?" Nakataas na kilay na sabi ni Gina.

"Grabe ka naman, ate. Hindi naman siguro ganyan si ate Bea. Tsaka di naman natin sure na nanliligaw si Ser Sungit sa kanya. Di naman kasi porke nagpapadala ng pagkain ay mangangahulugan na agad na nanliligaw yung tao. Malay mo naman taga-hanga lang ni ate. Pwede naman kasi nating hangaan ang isang tao na hindi ito nililigawan, tama?" si Alyana.

"Tama. Let's not jump into conclusion. Grasya ito at masamang tinatanggihan ang grasya." Sang-ayon ni Lea.

"Ano pa ba ang intensiyon ng lalake na yan? E di ang manligaw! Ganun naman talaga ang cycle di ba? Magpapakilala, magpaparamdam, manunuyo at manliligaw. Hay naku kayong mga bagets. Papunta pa lang kayo ay pabalik na ako. Yang mga ganyang moves, basing basa ko na yan sa aking palad." Si Gina na binanatan na ang fried chicken.

Pinilig ko ang aking ulo. Nanliligaw ba ulit si Alejandro? Teka, ulit? Eh hindi naman yun kailanman nanligaw sa akin, ah. Duh! Hindi ugali nito ang manligaw. He always gets what he wants. Yung mukhang yun nanliligaw? I don't think so. Peace offering would be the right term. Alam niyang hindi ko na siya maaari pang papasukin sa buhay ko pero bakit hindi pa rin ito tumitigil.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I scoffed bitterly. Sirang puso, kailan ka ba titino? Okay na nga, di ba. Nakuha mo na ang closure na kailangan nyong pareho to move on. Both of you have ended the relationship. Get over it and pull your fucking self, heart.

Isang sulyap pa ang ginawad ko sa kanyang sasakyan bago ako naglakad patungo sa gate namin.

Ang tiyaga niya. Isang linggo na niya itong ginagawa at laging walang mintis. Parang nasasanay na nga ako na lagi itong nakasunod sa akin. Sa dilim ay lagi itong hinahanap ng aking mata at sa tuwina ay lagi ko itong natatagpuan. Sa loob man ng bar o sa labas.

Nang makapaglinis ng katawan at nakapagbihis ng pambahay ay sumilip pa ako ng isang beses sa bintana dito sa kwarto ko. He's still there. Nakapatay ang ilaw ng kanyang sasakyan at ganun din ang makina.

Bakit niya ito ginagawa? When will he ever give up?

Inilang hakbang ko ang switch na nasa gilid ng pinto.  I turned it off at pagkatapos ay bumalik ulit sa bintana para tanawin ito.

"Three.... two...one..."

He started the engine kasabay ng pag-ilaw ng headlights niyon. Malungkot na ngumiti ako. Ilang sandali pa ay pinaandar na nito at sasakyan at nang hindi na ito abot ng aking tingin ay saka pa lang ako humugot ng malalim na hininga at lumayo sa bintana.

Fortress Island Series 1 Alejandro: Love Just Ain't Enough (BOOK TWO)Where stories live. Discover now