TWENTY-SIX

6.5K 425 43
                                    

Deep Sea


"Ate Becky...."

Nanginig ang katawan kong nakatunghay sa mahinang katawan ng aking nakakatandang kapatid. Hindi ako makapaniwala na sa ganito kami magkikita! Hindi ako makapaniwala na sa muli naming paghaharap ay nakaratay na ito sa kama at hirap sa paghinga. Gone are the days when she could play around and did not care about how people treated her. Gone are days when she used to brag about how pretty she was compared to me.

Alejandro tightened his hold around me. Naikuyom ko ang aking palad sa dibdib nito. Hilam sa luha ang aking mga mata. To say that I was shock was an understatement. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Ayokong tanggapin na totoo ang lahat ng ito. Ayokong tanggapin na may malubhang karamdaman si Ate Becky.

Oo, aminado akong galit ako sa kanya pero kailanman ay hindi ko ginustong mapahamak ito o dapuan ng malubhang sakit. In fact, nung araw na iniwan niya si Faye sa akin, yun din ang mismong araw na pinatawad ko ito.

Ate Becky slowly lifted her arm, urging me to come near her.

I hiccupped. I looked up to Alejandro and he nodded at me. He kissed my forehead before I felt him tugging my hand to get closer to the bed. Umiiling ako kasabay ng mararahan na mga hakbang palapit kay Ate. Sumisinghap ako dahil sa paninikip ng aking dibdib.

Nang makalapit, agad na inabot ko ang malamig na palad nito at ibinaon sa aking basang pisngi.

Nanghihinang napaupo ako sa bakanteng silya na naroon sa tabi.

"I'll be at the doctor's office if you need me, baby. Kakusapin ko na rin tuloy ang kanyang doktor." He breathed. You and your sister have a lot to talk about. Take your time talking with her."

Tumango akong nakatingala sa kanya. "Salamat, Alejandro." Nabasag ang boses ko. My throat hurts.

"Hey, if you keep on crying like that, I'm gonna take you back to our home now."

Mabilis akong umiling.

"Tell me you'll be fine." Puno ng pag-alala ang boses nito. Yumuko ito para magpantay ang aming mukha.

I cupped his cheek and heaved a deep sigh. "I'll be fine."

"That's my girl." He smiled lovingly at me. He pressed his lips on my forehead and then to my lips before he straightened up. Binalingan nito si Ate Becky at tumango lang ng bahagya.

Nang makalabas ng silid si Alejandro, bumaling ako ng tuluyan sa kapatid ko. Kahit naghihina na ito ay may sumilay na pilyang ngiti sa kanyang mapuputlang labi. Nanunukso din ang mga mata nito sa akin.

"Anong nangyari sa'yo ate?"

"I have lung cancer, bunso. I'm terminally ill. It sucks." She tried to grin.

Hindi ako nakontento sa paghawak lamang ng kanyang palad. Niyakap ko ito, baon ang mukha sa kanyang balikat.

"Ah. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ang init ng yakap mo, bunso. Pakiramdam ko'y nadagdagan ang lakas ko. Sobrang namiss kita."

"Ako rin, Ate. Ako rin."

Ilang sandali akong halos yakap ito bago ako umayos ulit ng upo.

"Bea." Ate Becky smiled as she glanced at the woman who sat across me. "Si George. My partner."

Nahihiyang ngumiti sa akin si George at nag-abot ng palad. "Madalas ka niyang ikwento sa akin."

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. I got the message. I smiled back at George kasabay ng pag-abot ng kanyang palad. She's pretty even though she looked tough. "Salamat sa pag-aalaga mo sa aking kapatid, George."

Fortress Island Series 1 Alejandro: Love Just Ain't Enough (BOOK TWO)Место, где живут истории. Откройте их для себя