TWENTY-ONE

6.7K 378 37
                                    

Heartbreak


Nanlalaki ang mga mata ko nang humimpil ang kotse sa gilid ng pamilyar na  kalsada.

"Matt, hindi sa opisina ni Alejandro ang punta ko. Nagkamali ka ata ng rinig."

Matt chuckled at me. "I heard you loud and clear, Bea."

Napakamot ako sa aking pisngi. "Hindi naman dito ang VIP agency, Matt. Naihatid mo na ako doon isang beses. Ang bilis mo namang makalimot." Alanganin akong ngumisi sa kanya.

"Oo nga. Naihatid na kita doon. Pero...." Umiiling ito habang bumababa sa sasakyan. Binuksan nito ang pinto sa aking gilid. "Alejandro will explain to you."

Creases forming on my forehead as I reluctantly got out of the car. "Hindi ko talaga maintindihan. Wala naman siyang binanggit sa akin."

"He probably wanted to surprise you." He shrugged his shoulders. "Tara sa loob."

"Late na ako sa trabaho ko, Matt." I kept glancing on my wristwatch. Naantala kasi ang paglapag ng private plane ni Alejandro dahil daw sa air traffic. Matt was already at the airport, waiting for my arrival. Dapat nga ay dadaan pa ako sa penthouse pero dahil gahol sa oras, sinabi ko na lang kay Matt na diretso nalang kami sa agency.

"Okay lang. Malakas ka sa big boss." Kumindat ito sa akin.

I blushed instantly. Kapag kasama ko si Alejandro ay lagi kong nakakalimutan na boss ko nga pala ito. Minsan ay tinanong ko ito kung bakit kailangan pa nitong bilhin ang naghihingalong agency ni Dette, simpleng sagot lang ang tinugon nito sa akin.

"To get close to you and maybe...a little bit closer."

That man. He always makes my heart flutter every time he opens his sweet, sweet mouth.

Tahimik akong nakasunod kay Matt. Habang binabati ito ng taga doon ay napapayuko ako sa hiya. I'm an outsider. Bakit ba ako nandito? Ano na naman kaya ang pakulo ng lalakeng iyon?

We stepped into the elevator and stopped at the 9th floor. When the lift doors opened, bumulaga agad sa akin ang malawak na signage sa aming harap.

This way to VIP AGENCY

What?

"What's the meaning of this?" Anas ko sa aking sarili.

I inhaled deeply to try and calm myself down. My mind refused to process what was happening right now or during the time I was absent. Paanong napunta dito ang agency namin?

"Alejandro changed your location." Matt replied, aliw na aliw sa mukha kong nagbabago ang ekspresyon.

"You mean, wala na sa Magallanes street ang VIP Agency at nandito na sa loob ng Salvatore Empire State ang agency namin?"

"You got it correct."

"Kailan pa?"

Hinimas nito ang baba gamit ang hintuturo at malalim na nag-isip. "Ang alam ko, nang binili ni Alejandro ang agency, naisip na niya ito. Pero nang gabing may nagtangkang manloob sa apartment mo, he immediately ordered the ENGINEERING DEPARTMENT to evacuate and move down to the 5th floor. So basically, VIP AGENCY at MARKETING DEPARTMET lang naghahati sa floor na ito."

Wala akong tulog at ramdam ko pa ang pananakit ng aking katawan dahil sa ginawa ni Alejandro sa akin kagabi pero nagising akong magaan ang pakiramdam. Pero ngayon, unti-unting kumikirot ang sentido ko dahil sa ganitong bungad. I wasn't prepared for this.

"Pumasok ka na sa bago mong opisina. Tiyak akong nais ka na ring makita ng mga ka-opisina mo."

Marahan na tumango ako. "Salamat, Matt. I have a feeling na pagkaalis mo ay agad kang magre-report kay Alejandro. Pakisabi sa kanya na hindi ako natutuwang inilihim niya ito sa akin. I hate surprises."

Fortress Island Series 1 Alejandro: Love Just Ain't Enough (BOOK TWO)Where stories live. Discover now