TWENTY-EIGHT

7.1K 431 77
                                    

Protect


"I love you!"

"What?"

"I love you. I came here because I wanted to come clean and be honest with my feelings for you." Olivia cried.

"Lalabas na muna ako. I will give you both some privacy." I chimed in. Naninikip ang dibdib ko sa narinig ko ngayon. I took a backstep, but my movement halted when Alejandro jolted his head to me.

"Stay here, Bea! Don't you dare go anywhere!" He yelled, eyes turning into slits.

Namanhid ako at niyakap na lamang ang aking sarili.

Alejandro placed his hands on his waist. "You're in love with me? So what? Did you expect me to love you back?"

"Uhm..." Olivia's nervous eyes flicked to me. "In all those years na magkasama tayo, alam kong minahal mo rin ako, Ale."

Alejandro snapped. "You must be fucking kidding me. You're being delusional, Olivia. Alam mong imposible kitang mahalin gayong laging bukambibig ko ay si Bea lamang. Alam mo ang istorya ng buhay naming dalawa dahil naging confidante kita. How could you assumed that I might have fallen in love with you?"

"May nangyari sa atin."

"Thanks to alcohol, I had mistaken you as her. And please, walang nangyari sa ating dalawa. Kung meron man, you just went down on me. You wanted sex but I refused vehemently dahil sa kabila ng lahat, may respeto pa rin akong natitira sa'yo at inisip ko rin si Angelo. Pero dahil nanggugulo ka ngayon sa personal kong buhay, I'm going to cut you out of my life for real this time!"

"Ale, nagmamakaawa ako." Humagulhol ito. "Siguro nga ay kasalanan ko itong lahat pero umasa ako. I stayed by your side. I remained faithful to you."

"I did not ask you! Hindi kita pinaasa! Umpisa pa lang ay alam mong wala akong intensiyong makipag-relasyon kanino man! For Christ's sake, Olivia! Even if you have tons of boyfriends right now. I don't give a damn! Buhay mo yan! What the hell happened to you? Parang hindi na kita kilala."

"You're the only one, Alejandro. Alam mo yan. Mula nang dumating ka sa buhay namin ni Gelo, alam ko, you're my answered prayer. Hindi ko pinilit ang sarili ko sa'yo. Hindi ako nagpakita ng motibo. I offered you friendship dahil alam kong iyon ang ang kailangan mo. I have loved you for years. I have kept this feelings for a long time." She planted her face on her palms, her shoulders trembling.

"Why are you saying this to me now, Olivia? Why now?"

"Because I didn't expect that..." Sumulyap si Olivia sa akin. "I didn't expect that you'd go to this extent. Alam ko ang kasunduan nyo ni Adrielle pero binalewala ko iyon dahil wala ka namang pag-ibig sa kanya."

"Kaya ka nandito dahil ngayon mo lang naintindihan kung gaano ako ka-seryoso kay Bea? I've been telling you that since day one pero hindi mo akalaing ganito ako magmahal sa kanya? Na handa akong ibigay ang buhay ko sa kanya? Na kaya kong iwanan ang lahat ng meron ako wag lang siyang mawala sa akin? Saan ba dun sa palagi kong sinasabi sa'yo noon tuwing pinag-uusapan natin si Bea na wala ng ibang mas makakahigit pa sa kanya, Olivia? Noon pa lang, dapat pinigilan mo na ang sarili mong ibigin ang isang tulad kong walang kakayahang magmahal ng iba maliban lamang sa kanya!"

"I'm so sorry, Ale. I just can't live without you. It was too late for me to realize that."

"At kaya ka nandito at sinasabi ang lahat ng yan ay para kaawaan ka namin? Para maawa si Bea sa'yo? Did you expect her to give up on me for you?"

"No, no. It's not like that. I just want her to know my side. Kung bakit nagawa kong magsinungaling sa kanya sa party." Humikbi ito.

"Nagsinungaling ka dahil akala mo mapaghihiwalay mo kami sa kasinungalingan mong iyon?" Malumanay na tanong ko. I wish I could shout at her the way Ale did pero ang daming ganap sa araw na ito. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas. I felt so drained.

Fortress Island Series 1 Alejandro: Love Just Ain't Enough (BOOK TWO)Место, где живут истории. Откройте их для себя