Chapter Sixteen

4 1 0
                                    

Nica's POV:

Hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita at nalalaman kung nasaan si Yana simula ng umalis siya para habulin ang sasakyan kanina.

At hanggang ngayon din ay nandito kami sa school dito raw muna kami mananatili hanggang sa mag-umaga dahil delikado ang umalis na dahil sa nangyari kanina.

Pare-parehas kaming nag-aalala sa kung ano na ang kalagayan ni Yana.

It's been 2:00 am, at lahat kami ay gising pa rin. May mga dorm naman dito sa school kaya no worries sa tutulugan. Lahat kami ay may sarili nang dorm. Talagang gusto lamang naming umuwi araw-araw. Kumuha lang kami ng dorm na magkakaibigan for just emergency purposes. Pwede ring tuluyan pag tinamad umuwi ganun.

Nauna nang magpahinga samin sina rein, Alex, at Hanna kahit na nag-aalala pa rin kay Yana.

Ano na kayang nangyayari kay Yana sa ngayon, nasaan na kaya siya, I hope she's okay at sana pinapahanap na siya ng kanyang pamilya.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko at nang tignan ko ang caller at ang tito pala ni yana.

Tito Klein calling..........

Yes its Tito klein, ito lang ang pinakang close kay Yana sa pamilya niya. Kilala na din namin siya at medyo close din kami sa kanya.

Sinagot ko naman ang tawag niya.

"Hello Tito," sagot ko.

"Nakita ko na ang kotse ni yana," bungad nito sakin. That's a relief. I know Tito will be the one will find Yana.

"Where Tito?" Tanong ko naman.

"5 kilometers from your school." sagot niya.

"But...." Patuloy niya. "She's nowhere, wala siya sa kanyang sasakyan ng mahanap namin at may nakita pa kaming bakas na nagpasabog nang isang bomba na naglalaman ng gas."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Tito," Yun lang ang nasabi ko dahil sobrang nag-aalala na ako kay yana ng malaman ang sinabi niya.

"Don't worry nica I will surely find her," pag-aalo sakin ni Tito.

"Thank you Tito call me if you find Yana."

"Yeah, sure....ok bye for now," paalam niya at pinatay na ang tawag.

Ang kailangan ko na lang maghintay at magtiwala na mahanap ni Tito klein si Yana. O sana bumalik na si Yana ng ligtas. I'm hoping.

Third Person's POV:

Sa lugar kung nasaan pa rin si yana, na siyang wala pa ring malay hanggang ngayon.

Ang pinuno ng kumuha sa kanya ay nasa kanyang harapan na at prenteng nakaupo rin, hinihintay ang kanyang paggising.

Umupo naman ito ng ayos ng makitang gumalaw na ng bahagya si Yana hudyat na nagigising na ito.

Akala ng lahat ng magising ito ay agad na magtatanong kung nasaan siya ngunit hindi nangyari, nakipagtitigan lamang ito sa kanilang pinuno na nasa harap nito. Walang kahit na anong emosyon ang makikita kay Yana ngunit ang kaharap ay nakangisi sa kanya.

"Your not going to ask where you are?" Sabi ng kaharap.

"Tss...." pakli lamang ni Yana at inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan siya ngayon.

"Who are you?" diretsong tanong ulit ng kaharap niya, siya naman ay napatingin dito at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"I guess you don't know either my name the real name of mine, you just know is the Monreal don't you?" salita ni Yana dito. Napamaang naman ang kaharap.

Dangerous IXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon