Chapter Seventeen

2 1 0
                                    

Third Person's POV:

Nanghihina nang napapaupong si Clifford dahil sa nauubos ng hininga, ngunit pilit pa ring sumisinghap ng hangin para makahinga.

"Pleaaaseee!!" draco na tila nagmamakaawang bitawan na ang kaibigan.

Napatawa ng mahina si Yana sa nakikita niya.

"I give you all a warning but one of you didn't follow that so...." mapang bitin na ani Yana.

"I will let you escape.....please," ani draco.

Yana's POV:

Napailing ako sa aking nakikita ngayon. Ang tapang tapang nila kanina at walang takot na pinasok ang SUPREME HIGH UNIVERSITY ngunit ngayon tss....what happened.

Nakakaawa na ang itsura ni Clifford ngayon kaya naman binalik ko na ulit ang pagkakapit ko kanina sa kanyang kadena upang siya ay makahinga ulit. Nang maramdaman niyang gumaan ang kapit ko ay mabilis niyang hinabol ang hininga at muntik pa siyang mapaupo pero hindi ko hinayaan yun.

Si ozan cyde naman ay napaatras ng kunti sa pwesto namin dahil sa ginawa ko.

"Open the door," i order him.

Mabilis naman niyang sinunod ang utos ko.

"Another wrong move again and I will surely kill this man infront of you all," walang pag-aalinlangan kong sabi sa kanila.

"Now walk," utos ko kay Clifford na hindi na ngayon makapagsalita.

I thought they are strong mafia or gangster but I guess I was wrong. They're not strong enough to surpass me.

"Where is this man's car?" I asked ozan. Na itinuro naman agad ang kotse na nasa harap lang din namin.

"His keys," Sabi ko pa, buti naman hindi siya slow alam na niya ibig kong sabihin.

Nakahanda pa rin hanggang ngayon ang mga tauhan nila sa kung ano man ang kasunod kong gagawin. Their people is stupid, kaya nila akong mapatumba sa dami nila pero hindi sila kumikilos man lang, hindi makaisip ng paraan. Tskk.....

Ibinigay naman na sakin ni ozan ang susi at lumakad na ulit kami papunta sa kotse. Nang makalapit ay pinalayo ko si ozan sa pwesto ko. Sumunod naman ito.

"I will find you," Saad ko dito.

Inilock ko ang kadena sa kamay ni Clifford at unti unti akong sumakay sa driver's seat hawak pa rin si Clifford.

Nasa labas na rin si draco at tinitignan bawat galaw ko. He surely worried about his friend.

"Draco..." tawag ko dito. "I will send regards to my Lolo don't worry," Saad ko pa dito at mabilis na isinuksok ang susi at mabilis na binitawan pabalibag si Clifford sa lupa at sinara ko na ang pinto ng sasakyan at mabilis ko na itong pinaharurot. Nang gawin ko yun ay siya namang pagpapatama sakin ng bala ang mga tauhan nila.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at pag iwas sa mga balang tumatama sa sasakyan. Napaigik ako ng may tumama sa likod ko mabilis itong nag-init at naramdaman ko ang pagbigat ng likod ko dahil sa tama. Ngunit hindi ko pa rin hinayaan na matalo ako ng mga ito. At mas pinabilis pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nang sa tingin ko'y nakalayo layo na ako at hindi naman na nila ako sinundan ay pinabagal ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil nahihirapan na din ako dahil sa tama ng bala sa likod ko. Alam kong marami ng dugo ang umaalpas dito.

"Sino kaya ang nagpakawala nun, shooter ah," kausap ko sa sarili. At naisip bigla ang lalake. Si ozan siya ang hula ko. He's well skilled as well huh.

Dangerous IXWo Geschichten leben. Entdecke jetzt