Chapter Fourteen

1 1 0
                                    

Yana's POV:

Pakiramdam ko ay hindi pa natatapos ang kung ano pang mangyayari. Lalo na at nalaman kong may iba pang tao na naririto sa campus.

Hindi nagkakamali ang pakiramdam ko sa ganitong uri ng sitwasyon. Lumaki ako na araw araw pinag-aaralan at ini-ensayo ang paggamit ng pakiramdam. Pakiramdaman ang paligid.

At ayaw kong mapahamak ang malapit sakin dahil pinagsawalang bahala ko lang ang mga naramdaman ko.

"Yana are you okay?" rein asked, they see my bruises in my hands and in my arms.

"Yes, don't worry I'm fine."

"But we have to clean your wounds," Hanna assist. Hawak hawak na ang alcohol, bulak at band aid.

Siya na ang naglinis ng sugat ko.

Sa hindi ko malaman na dahilan napatingin ulit ako kung nasaan ang nagpalaki sakin. Bakit parang kilala niya ang Cervantes, alam niya sa paraang alam ng lahat. Pero bakit tila mas kilala mo sila na parang kilalang kilala mo ang mga Cervantes ngunit nagpapanggap kang hindi. Kitang kita ng dalawang mata ko ng tingnan mo ang Cervantes na katabi mo ngayon. At nang makita mong nakatingin ako sayo ay nagpanggap kang parang wala.

Isa ba talaga akong Monreal, sa totoo lang hindi ko pa alam kung sino talaga ako. San ako nagmula, sino ang mga magulang ko. Alam kong may parte sakin na naniniwalang isa nga akong Monreal pero may kulang sa pagkatao ko. Malaking kulang.

Kailangan kong malaman, hindi kailangan ngunit dapat kong alamin kung sino ako. Masyadong masekreto ang pamilyang kinabibilangan ko kahit ako ay hindi ko pa sila kilalang kilala. Pinalaki akong walang kinikilalang magulang, pero ang sabi nila sakin ay matagal na silang wala, na na-ambush ang sasakyan kung saan ako at ang mga magulang ko naroon at ako lang daw ang nakaligtas. Dahil maraming gustong makuha ang yaman at kalaban ang Monreal kaya nagkaroon ng ganung aksidente na naging dahilan ng pagkawala ng magulang ko.

Ngunit bakit tila wala akong naaalala, nasa limang taong gulang daw ako nang mangyari ang insidente.

"Yana, what are you thinking?" Alex.

"Kanina ka pa namin tinatawag pero parang ang layo ng iniisip mo," marken.

"Nothing just thinking about what happened a while ago," i answered.

"Sa tingin niyo bakit pinasok tayo ng hindi pa natin kilalang mga tao dito." Rich asked. Alam nila ang mga nangyayari.

"Because we have those special guest who is very known well," nica said.

"Yeah, I think that too, their target is those two katulad na lang nang kaninang nangyari," Zoreln.

"Pero parang si Mr. Monreal lang ang pakay dahil kita niyo naman nangyari kay Yana," nilingon naman nila ako nang sabihin iyon ni rich.

"Yeah, Mr. Monreal is their target," I calmly said.

I don't know their reason why did they attack lolo. Bakit si Lolo ang kanilang pakay kahit na alam nilang maraming nakapalibot ditong mga tauhan ng Monreal.

Third Person's POV:

Habang pare-parehas na malalim ang iniisip ng grupo. Lingid sa kaalaman ng iba pang mga estudyante ay may mga taong hindi kilala ang nakapasok ng campus.

Tinitignan naman ng mga security at iba pang personnel ng school kasama na ang dean ang palibot ng school dahil nga may nakapasok na hindi naman taga rito.

Tinignan na nila ang control room kung nasaan makikita ang kuha ng CCTV ng school. Ngunit magaling ang mga taong nakapasok dahil hindi nakita sa camera ang sino mang kahina hinala.

Ang grupo nina Yana ay mga nakaupo pa rin sa kanilang pwesto. Hindi nakikihalubilo sa mga nagsasasayaw na ulit sa gitna na mga estudyante at nakisama na rin ang ibang mga guro.

Lumipas ang ilan pang mga oras na wala naman nang nangyari at nag-eenjoy na talaga ang iba sa party. Mga tila walang pagod sa pagsasayaw. Pag sweet na ang tunog ay may mga magpapartner na nagpupunta nang gitna para sumayaw.

Sa mga oras na yun sa grupo nila Yana ay nag-eenjoy din sa party. Iwinaglit ang mga nangyari kanina ngunit nanatiling nakikiramdam sa paligid.

Makalipas pa ang isang oras its already 12:00 am. Ang iba ay nagsisimula nang mag-uwian at ang iba din ay nasa gitna pa rin at nakikisabay sa indayog ng tugtog.

"Guys I have to go now," Yana said.

"Sabay sabay na tayo hating gabi na rin naman," Hanna.

"Yeah it's been midnight I want to rest na I'm very tired na and sleepy," reklamo ni Alex.

Sabay sabay naman na silang tumayo at lumakad na palabas ng court na pinagganapan ng party. Ang special guests ay kanina pang nakaalis. Kaya natira na lamang silang mga students and teachers.

Papalabas na sila at pupunta na sana ng parking lot. Ay bigla silang nakarinig ng pagsabog at pandaliang nakaramdam sila ng pagyanig ng dahil sa pagsabog. Napasigaw ang mga nakarinig, may mga kasabayan din silang papaalis na at meron naman na nagsilabasan din mula ng court nang marinig ang pagsabog.

"What the fuck!!!" someone said.

"Oh my godddd!!"

"What's happening???" one of the students hysterically said.

Kitang kita nila ang pagsabog malapit lamang iyon sa school. Literal na malapit dahil parang sinadyang ipasabog sa may malaking pader ng school. Sa gawing kanan. Hindi naman sa may bandang gate ng school. Buti na lang at hindi talagang nasira ang pader na humaharang sa labas ng school. Sa kapal ng pader ay parang kalhati lang ang nasira.

"Go back in the hall now!!" malakas na anunsyo ng dean. Ang iba ay mabilis na sinunod ang utos nito ngunit may iba na nakatingin pa rin sa nangyari.

Isa pa muling pagsabog at kung saan nauna ang pagsabog ay dun ulit nangyari. Kaya naman ang pader ay talagang nasira na, wasak na wasak na kita na ang labas ng school kung titingnan mo mula sa nasirang pader.

Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan at ng dean ay tahimik na tumakbo si Yana papunta ng parking lot. At mabilis na pinaandar ang sasakyan. May nakita siyang sasakyan na humarurot agad ng matapos ang pangalawang pagsabog.

"Where is Yana?" Nica asked.

"Oh myy.....where is yanaaaaa," rein asked too. Hindi na mapakali.

"Wala bang nakakita nang pag-alis niya??" Si Kian naman ang nagtanong na hindi rin makali.

Ngunit ano man ang tanong nila ay walang makakasagot dahil pare parehas walang nakakaalam.

Narinig nang dean ang kanilang mga pinag-usapan kaya napahawak siya sa kanyang noo.

Hindi sila makakilos dahil pareparehas na nag-iisip kung saan hahanapin si Yana. Nang bigla silang makarinig ng pagharurot ng sasakyan na papalabas na nang school. Kilala ng magkakaibigan ang sasakyan at walang iba kung kanino iyon kung hindi si Yana lamang.

"That's yana's car," di napigilang pakli ni Alex.

"What is she doing??" di na rin napigilang komento ni rein nag-aalala na para sa kaibigan.

Ang iba naman sa magkakaibigan ay natahimik na lang at nakatitig sa sasakyan ng kaibigan na mabilis na umaandar na parang may hinahabol.

Kilala nila ito na, alam nilang hindi ito gagawa nang bagay nang wala lang. Kaya alam nilang may nakita ito o may natuklasan kaya umalis nang biglaan. Ang kanila na lang na magagawa ay magtiwala rito. Na hindi ito mapahamak, na wag ipahamak ang sarili. Kahit na nag-aalala sila pare-pareho para rito. Ang panghahawakan na lang nila ay ang pagtitiwala para rito.

To be continued...............

Enjoy reading ^_^



Dangerous IXWhere stories live. Discover now