Chapter twelve

2 1 0
                                    

Kian's POV:

Ano kayang nangyari at ganun na lang ang naabutan namin sa pwesto nila nica. May lalakeng hindi namin kilala na tila parang kilala si Yana. At naabutan pa namin ang kanilang sagutan.

Matapos umalis nung lalake ay siyang pag anunsyo nang nasa stage na magsisimula na ang party. Kanya kanya na kaming lapitan papunta sa unahan. Kami ay nasa may bandang pagitna. Dahil nagtipon tipon muna kaming mga estudyante sa may gitna rin ng court na ito. Ayon na rin sa sinabi ng host ng party na ito.

"So we will gonna start the party now," magiliw na simula nito. At tumingin sa amin. "But we have a quick surprise to all of you students of SUPREME HIGH UNIVERSITY," masiglang sabi pa nito.

"But before we start the surprise, I want to introduce our special guests for tonight,"

"So our first guest is one of the powerful and very much known in the Philippines and not by just in this country but all over in Asia," pagpapakilala ng host sa special guest sino naman kaya yun.

Nang marinig ng iba ang pagpapakilala niya sa guest ang iba ay mga humanga ng marinig at iba naman ay nagulat na waring alam na nila kung sino.

"He is......"

"Mr. Lucas Cervantes from the Cervantes family, clan."

Pagpapakilala niya sa taong yun. Nagulat naman ako ng makita kung sino yun. Siya yung kaninang kausap ni Yana.

"Oh my Goodness," pakli ng isang babae na tila ay nagulat.

"Girlllll!!" Sabi naman ng katabi na tila kinikilig.

"Ang pamilyang kinabibilangan niya ay talagang karespe-respetado....pag nakasalubong o nakausap mo ang isa sa pamilya niya ay talaga namang makikita mo ang dating at otoridad sa kanilang tindig." pakli naman ng isa sa mga katabi namin.

"Their family is not just powerful but also they shout for authority," sang ayun ng katabi.

"Ano yun tinalo pa ang royalty," sabat naman ng isa.

"Parang ganun na nga, hindi mo ba sila kilala,"

"Kilala ko sila pero hindi ko pa nakikita ang isa sa kanila maliban na lang ngayon." daming alam ng mga ito. Kilalang kilala naman ngang talaga ang pamilyang Cervantes. Dahil sila lang naman ang halos lahat ay nagmamay-ari ng mga kompanya dito. Mga high class na sasakyan, mga malls at iba na kilalang mga brands.

"Good evening everyone," pagbati nung Lucas samin. Ang mga babae ay impit na kinikilig sa pagbati nito ng sabayan niya pa ng ngiti. Tss....

Hanna's POV:

Ang lakas ng dating niya, makikita talaga sa kanya. Yung hindi pa siya nagsasalita pero sa tindig pa lang niya nagsusumigaw ng otoridad. May kilala akong ganyan din at napatingin naman ako dito at walang emosyon lamang na nakatingin sa nasa unahan.

"I hope you will enjoy this night with me," nakangiti pang saad ni lucas.

Nagsitilian naman ang mga babae sa sinabi nito at pagngiti niya. At pati ako ay napangiti iba kasi talaga ang dating niya at talagang makikita na nanggaling siya sa magandang lahi. I'm thinking where he is come from, siguradong maganda at gwapo rin mga magulang niya.

Hindi ko pa rin nakikita ang pamilya nila but I know them. Hindi lang talaga sila madalas makita in public. Masyado silang private.

Umupo naman na si Lucas sa pwesto niya sa unahan.

Dangerous IXWhere stories live. Discover now