Chapter Thirteen

2 1 0
                                    

Nica's POV:

Ang tagal naman yata ni Yana sa cr. Baka kung saan saan na naman yun nagpupu-punta. Kami pa ring tatlo ang natitira sa pwesto magmula nung umalis siya.

Yung iba ay hindi pa rin bumabalik, mga hindi napapagod. Tskk....

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar na pinagganapan nitong acquaintance party. Humahalo lang sa suot naming lahat ang theme ng buong lugar may red, blue at white tapos black mas lumamang ang kulay ng black sa lugar. Ang ganda nang pagkakaayos ng lahat parang ang ganap na ay js prom.

Ang red ay nagsisimbolo saming kulay sa lahat ng nasa SUPREME building, ang white ay para naman sa mga nasa main building ang HIGH at ang blue ay sa mga UNIVERSITY building.

Lumilibot lang ang paningin ko ng malingunan ko kung nasaan si Yana. Na may kausap na lalake. Alam kong papunta na si Yana dito kung saan ang pwesto namin ng makasalubong ang kaharap at kilala ko ang lalakeng yun kung hindi ako nagkakamali ay yun si Alvar Cabell mula sa aming section din.

Ano kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa at mukhang seryoso, kita na rin sa mukha ni Yana.

Yana's POV:

Papalapit na sana ako sa pwesto namin ng makasalubong ko ang siyang inutusan ni Allarah, ang nangyari kanina. Kung saan siya ang nagpapatama sa pwesto namin sa gitna ng magsimula ang surprised kuno kanina. Si Alvar Cabell.

Nakangisi ito ng magkaharap kami. Binigyan ko naman siya ng seryosong tingin dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa nila. Hindi ko alam kung papaano nilang nalaman na may ganung mangyayari kaya napaghandaan nila iyon. Tss......bakit pa ako magtataka ang mga ganung tao ay makakahanap ng paraan para magawa ang gusto.

"So serious," saad nito sakin.

"I am," diretsang sagot ko dito.

"Once my patience has it's limit....you and your boss...." seryosong saad ko ang paningin ay diretso sa kanya.

"She's not my boss," mapaklang sabi niya sakin. Hindi boss pero sinusunod na parang amo niya ito.

"Allarah then.....will have to pay what you did, not just will but MUST to pay.... remember that," matapos kong sabihin iyon umalis na rin ako sa harap niya.

Lumakad na ako sa pwesto namin yung kaninang bilang nang kaibigan kong nasa pwesto namin nung umalis ako ay ganun pa rin ang bilang hanggang ngayon. Tss....

Hindi agad ako umupo sa aking pwesto, dahil inililibot ko muna ang paningin ko.

"Yana, i see you and Alvar talking, what is it?" tanong ni rich sakin mula sa likod ko. Tapos na sila sa kanilang ginagawa sa kung saan man. Bumalik na sila sa pwesto namin. Kahit yung tatlo pang babae.

Sinabi ko sa kanila ang nalaman ko. Kaya pare-parehas ang nakita kong reaksyon sa kanilang mga mukha. Naging seryoso ito at kung ano ano na ang balak nila kay Allarah sa isipan nila. Ngunit hindi pa sapat yun para gantihan ito.

Habang nakatayo pa rin ako at nakatingin kung saan ang pwesto ni Lolo ay sa isang mabilis na galaw ko paatras ng hindi napapansin ng iba kahit nila nica ay napalingon ako sa isa sa flower vase malapit samin at nakita ang hindi agad agad makikita dahil sa nipis at liit lamang na karayom ang nakatusok dito. Ramdam kong may lason ang tusok ng karayom na yun kaya mabilis kong iniwasan.

Galing naman ng kung sinong iyon sa layo ng pagitan ng bumato nun ay hindi ko aakalain na tutubsok yun nang walang mintis.

"Yana," pagtawag sakin ni nica.

Lumapit naman ako sa vase at kinuha ang karayom doon.

"Needle," Kian ang tinutukoy ay ang aking hawak.

Dangerous IXWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu