Chapter Fifteen

1 1 0
                                    

Third Person's POV:

Sa mansion ng Monreal............

"What happened to yana?" nag-aalalang tanong ni klein sa ama.

Tumawag ang dean kay Mr. Monreal upang ipaalam ang nangyari, ginawa ni Yana.

Hindi din alam ni Mr. Monreal ang isasagot sa anak. Ang inaalala nito ay ang apong si Elizabeth na nandun pa sa SUPREME HIGH UNIVERSITY. Hindi pa pinapaalis ang mga students sa paaralan dahil baka may mangyari na namang pagsabog kaya napag-usapan na sa school na muna manatili ang mga estudyante hanggang sa mag umaga.

"My daughter," pag-aalalang sabi nang ina ni Elizabeth na si Elliana. Inalo naman siya nang asawa ang panganay na anak ni Mr. Monreal na si Kayden.

"She's with her bodyguards," Sabi ni Mr. Monreal dito. Pinapagaan ang loob.

"Tsskk," asik ni klein. Tinignan naman siya nang nakatatandang kapatid.

Aalis na sana si klein para hanapin ang pamangkin.

"Klein you're not going anywhere," matigas na wika ng ama niya.

Ngunit walang sinuman ang makakapigil sa kanya sa sitwasyong yun. Lalo na at nasa peligro ang pamangkin.

Tinignan lamang niya ang ama at lumakad nang talaga paalis ng kanilang bahay. Nagsama siya ng ibang tauhan kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

"Dad, who do you think is the person behind that," tinutukoy ay ang pagsabog.
Kayden asked.

"I don't know either, maybe one of our underling before," kalmadong ani ng ama niya. Tila wala lang ito at hindi na bago.

"But what if not," Ang tanong ulit ng anak.

"What if this is one of our enemy," seryosong ani Kayden. Napatingin naman ang asawang si elliana. Lalong nag-alala sa anak.

Sa kabilang banda............

Patuloy na hinahabol ni Yana ang sasakyang kanyang natanawan mula ng nasa SUPREME HIGH UNIVERSITY siya. Naabutan niya ang naturang sasakyan.

Lumiko ito at sinundan pa rin ni Yana.

'I know that this is just a bait, but I'll take the risk...maybe I have something to found out who I am'. saad niya sa kanyang sarili.

Habang patuloy na binabagtas ang hindi na masyadong mataong lugar at kakaunti na lang ang makikitang liwanag sa kanilang tinatahak.

Nang tumigil ang sasakyang kanyang sinusundan ay siyang tigil din niya bigla.

Bumaba ang sakay na kanyang sinusundan na nagulat siya nang makitang matandang lalake ang bumaba doon. Lumakad ang matanda paalis, papunta sa magubat na lugar at dalwang minuto lamang ang kanyang binilang at siyang labas na rin niya.

Akmang lalakad na siya upang sundan ang matanda ay nakaramdam siya na may papalapit sa kanya.

Mabilis siyang humarap sa likod at tama nga siya nang may makitang nag-iisang tao ang papalapit na sa kanya.

Tumakbo ang taong yun papunta sa kanya nang makita nakatingin na si Yana. Sa paglapit nung tao ay nawangisan ni Yana ito ay isang lalake.

Mabilis na sumugod ng suntok ang lalake kay Yana na mabilis din naman sinangga ng huli. Nang masangga ay sumipa naman ang lalake ang pinapatama ay ang kanyang paa, ngunit mabilis na tumalon si Yana. Napaatras silang pareho.

"Your good," papuri sa kanya ng lalake. Hindi man niya masyadong maaninag ang itsura nito ay mahahalatang hindi naman napag-iiwanan ang mukha.

Dangerous IXWhere stories live. Discover now