Chapter One

11 1 0
                                    

Third Person's POV

Isang gabing nababalutan ng liwanag na nanggagaling sa bilog na bilog na buwan......Isang babaeng may magandang pares na mga mata, may mahaba at tuwid na tuwid na buhok na umaabot sa kanyang bewang, may tangkad na hindi mahahalata sa kanyang edad.

Siya ay pawang nakaupo, prenteng-prente pa mismo sa isang puno ng mangga habang kumakain pa ng pulang-pulang mansanas.

Nakatanaw sa isang pamilyang pawang masayang nag-uusap usap, makikita mismo ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Sana all........tsk", mahihimigan ang sarkastiko niyang saad. Sabay talon pababa ng puno.

Lumakad siya sa pamilya. "Nandito na ako...", saad niya. Napatingin sa kanya ang mga ito.

"Saan ka galing?", wika ng isang matandang lalaki. "At bakit ngayon ka lang...", patuloy na saad nito. Mahihimigan ang istrikto nitong tinig.

"Lo, baka kung saan saan na naman yan nagpupupunta...tsh", mataray na saad naman ng katabi nitong apo na babae.

Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at pumasok na siya ng bahay. At dumeretso sa kanyang kuwarto. "Daming sinasabi...tsk", saad na lang niya.

Yana's POV:
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Where have you been?", saad ng spoiled brat na walang habas na pumasok ng kwarto ko.

"Baka sa hardware nagpagamot", walang ganang sagot ko.

"What the...", gigil niyang saad sakin. Sabay alis ng kwarto ko. Nakakatawa itsura niya para siyang si evil queen sa totoo lang...hahaha.

Magtatanong tanong tapos magagalit, sinagot na nga eh...tss.

Makatulog na nga....humiga na ako sa kama ko at ipinikit ang aking mga mata.......and everything went black....

           ...............Kinabukasan..............
Yana's POV:
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Bumangon ako at pumasok ng banyo para maligo....

Pagkatapos kong maligo nagbihis na lang ako ng jeans pants na black at loose shirt na violet. Hindi ko na pinuyod ang aking bagsak at malambot na buhok at hinayaan ko na lang na nakalugay. Tapos bumaba na ako para pumasok.

Pagkababa ko nakasalubong ko ang evil queen. Inirapan ako at dumeretso ng dining area. At ako naman dumeretso na palabas ng pinto.

Gamit ang kotse na 2007 BMW X5, umalis na ako ng bahay at deretso school na. I have students license of course. Naawa at binigyan pa ako ng kotse.

"SUPREME HIGH UNIVERSITY", basa ko mula sa gate ng school ng makarating ako.

Pinasok ko na ang sasakyan at dumeretso sa parking lot.

Nang maipark ko na ang sasakyan lumabas na ako at lumakad na papunta sa faculty office.

Palakad lakad lang ako, hinahanap ko yung faculty office ng may makasalubong akong nerd yata, nakasalamin tapos nakaponytail ang maalon niyang buhok. At may hawak pang makakapal na libro. Maganda naman siya kung titignan mo syang mabuti.

"Hey..", bati ko sa kanya nang makasalubong ko siya. Napalingon naman siya sakin. "B-bakit?", nauutal pang aniya.

"Alam mo ba kung saan ang faculty office?", tanong ko.

"A-ahh, O-Oo", saad niya. "S-Samahan na kita", dagdag aniya.

Ako nahihirapan sa kanya, ano bang nakakautal sa pagsasalita. Tss...

Hindi na ako sumagot sa kanya. At tumango na lang ako. Nang lumakad na sya ay sumunod na ako.

At nang matagpuan na namin ang faculty, tumigil kami sa harapan at hinarap ko siya, "Salamat", saad ko. "A-ahh s-sige", aniya. Pagkasabi niya nun umalis na siya habang nakayuko.

Dangerous IXWhere stories live. Discover now