Chapter Eight

923 31 0
                                    

"Yeah, Didn't Tristan tell you that?" Pagtataka ni Lance. Tumingala si Felix upang mapigilan ang mapaiyak

'Back to your fucking senses Felix! Wala kang karapatang umiyak.'

Isang mabigat sa dibdib ang natuklasan niya. May mas sasakit pa ba sa niloko? Sa pinagsinungalin? O ang masaktan ng walang magawa dahil wala siya sa lugar upang masaktan.

"Are you okay?" Anang Lance.

Huminga ng malalim si Felix at nagkunwaring hindi siya nasasaktan. "Of course I am, thank you for letting me know" wika ni Felix sabay plastic na ngumiti.

"Felix!" Tawag ni Tristan sa kaniya habang papalapit sa kinaroroonan nila "I've been looking for you—" naputol 'yun nang mapukaw ang atensyon nito sa kaibigang si Lance.

"Oh Lance, how are you? And why are you here?" Nakangiting pagbati ni Tristan.

"Im great, I found out from your secretary that you are going with your brother here so I went too" tugon naman ni Lance na may ngiti sa labi.

Parang wala sa katinuan si Felix at patuloy na umuulit sa utak niya ang nalaman. 'Paano niya nagawang makipagtalik sa akin, gayong may kasintahan na siya?!' Init lang kaya ng katawan ang dahilan ng lahat?

"Let's go to the coffee shop near here, I'm sure you'll like it" pagaaya ni Tristan sa kaybigan nito at humarap sa kaniya "Felix, Let's go." 

Nakayuko lang si Felix at matamlay na tumanggi "Just you both, I'm tired. I remember the way out so don't worry about me" walang reaksyon itong winika ni Felix 

"I'll take you even up to the car." pagaalala ni Tristan at hinawakan ang braso niya.

Agad namang pumiglas si Felix "No! I can go alone."

Tumalikod na siya kina Tristan at Lance atsaka naglakad papalayo. Hinayaan nalang siya ni Tristan dahil baka nga pagod na siya kaya hindi na siya nito kinulit pa.

Lumabas si Felix ng building at pumasok sa sasakyan na nagaantay sa kanila. Hangang sa biyahe ay pinigilan ni Felix ang umiyak dahil baka kung ano pa ang isipin ng driver. Napagtanto niya kasi na halos lahat ng gagawin nila ay irereport sa magulang nila kaya kahit na nasasaktan ay pinigilan niya ang sarili. Maswerte pa nga sila dahil hindi pa sila nahuhuli na may namamagitan sa kanila.

Matapos ang halos kalahating oras na byahe ay nakarating na siya sa bahay nila nang may bigat na dinadala.

"Anak bakit ang aga mo umuwi... at si Tristan?" Bungad sa kaniya ni Isabella.

"Pagod na po ako ma. Si Tristan kasama niya 'yung kaibigan niya."

Nagkakapagusap lang nang masinsinan ang mag-ina tuwing silang dalawa lang sa paligid at naguusap gamit ang nakagisnang  lenggwahe.

Her mother approached him and kissed him on the forehead. "Good job anak, matutupad na ang mga matagal na nating pangarap. Sige na pumunta kana sa kwarto mo at magpagpahinga" 

Sa hirap ng buhay na kinagisnan ng mag-ina ay natutuwa si Isabella sa anak dahil nakikiisa ito sa kaniya at hindi kumokontra sa lahat ng sinabi niya.

Tumungo si Felix sa kwarto niya. Hinubad niya ang top coat na suot at niluwagan ang necktie. Sumalampak siya sa kama at iminudmod ang mukha sa malambot na puti niyang unan. 

Sa puntong ito ay hindi na ni Felix mapigilan ang humagulhol 

'Tang'na ka Tristaaan! Manloloko ka! Sinungaling! Walang kwenta! Gago ka putang ina Kaaaa!'

Gigil na gigil ito sa unan niya at halos ang ibaba at itaas na parte ng kaniyang ngipin ay nagdidikdikan. Galit, sakit, at selos— 'yan ang naghahalo-halong emosyon ang nararamdaman niya dahil sa putang'nang si Tristan. 

Luscious Sin (boyxboy)Where stories live. Discover now