#21

15.4K 370 29
                                    

RAINIER

Nagulat kami ng sumabat si Kayden at nilapitan ko naman siya. Aalalayan ko sana ito baka kasi mahimatay nanaman ng mapansi ko na may kakaiba sa aura niya parang yung dati lang. Yung dating Kayden nuon.. Naalala niya na ba ang lahat?

"Oy, tanda bakit ka lalapit?" Napahinto kami. Lahat kami ay nakatitig sa kanya did he just called me 'tanda'? Muntik na akong maluha naalala niya na ba? Sa mga mata nito ay parang alam na niya talaga ang lahat.

"Kayden?"

"Ano?" Maangas niyang tanong para itong nagpipigil naman ng tawa. Kinindatan niys naman ako at tumingin sa iba.

"Naaalala mo na ba kami?" Tanong ni Mirco napatayo na din si Mirco at ang iba pa.

Ngumisi si Kayden "Oh ano? Parang nakakita kayo ng multo dyan?"
Lahat kami ay naluha sa saya napaiyak sila Hillian at Rowena at inakap si Kayden kami din ay naki akap na rin.

"Gago kang bata ka!!! Kailangan nating magcelebrate!!" Sabi ni Ashton


"Haha tapos mag chix hunting na rin tayo." natatawang sabi ni Kayden natawa naman ako duon at nagpunas ng luha. Masaya ako. Nagbalik na talaga sa amin si Kayden.

"Mukhang nagkakatuwaan na kayo ah." paglingon namin sila Ama at Ina na nakangiti. Inakap siya nila Ama at Ina. Si Ina ay naiyak na rin at naluluha naman si Ama. First time naming nakita silang dalawa na maiyak at maluha sa sobrang saya. Kami din naman ni Knight. Hindi na rin nha naitago ni Knight ang saya nito.

Dahil palaging nakangiti sila Ama at Ina dahil sila ang Simbolo nang Light Kingdom kaya matatag at pag asa.

KAYDEN

"Anak.." napatingin naman ako kay Ina na ngayong mangiyak ngiyak sa tuwa. Tinanggap ko na lahat tulad ng payo ng diwata sa aking panaginip.

Inakap kong muli ang aming Ina kahit ako na speechless alam mo yung feeling na napakaraming nais kong sabihin sa kanila ngunit sa sobrang saya ay hindi ko na lahat masabi? Maraming nagulat naman sa ginawa ko o anong meron? Hinalikan ko kasi si Ina sa noo upang kumalma nang kaunti.

"Hoy, Kayden... sigurado ka bang naalala mo ang lahat? Kasi di mo naman yan ginagawa sa Reyna." sabi ni Riley

"Oo naman kaso duwag lang nuon si Kayden na ipakita ang pagmamahal niya sa magulang niya, sa kapatid o sa kaibigan pero dahil nabuo na ulit ang pagkatao ko iibahin ko ang ugaling yun hindi tulad ng dati... nag sisi ako at naging makasarili." ewan pero napakadeterminado ng pagkakasabi ko. Dahil hindi lang naman ako ang dating Kayden.. napakadami ko ng pinagdaanan at natutunan sa buhay bilang Danielle.

Namangha naman sila kahit si Ashton din "Edi mahal mo na ako Prince Kaydee?" Pacute na sabi ni Rowena

Nagkaroon ako ng goosebumps ayoko pa rin sa kanya sa totoo lang pero "Hindi. At hinding hindi mangyayari yun Rowena didiretsuhin na kita pero ayoko talaga sayo hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Ayoko nang paasahin ka tama na ang 7 years na paghahabol sa akin. Marami pang iba dyan sa tabi mo lang." alam kong slow talaga si Rowena pero alam ko ring maiintindihan niya yung part na ayoko talaga sa kanya

Nakita kong namula nang kaunti si Mirco. Oo alam ko ring matagal nang may gusto si Mirco kay Rowena nuon... at mukhang hanggang ngayon nagustuhan niya talaga ang weirdong obssesive na babaeng to. Masyadong martyr tong si pareng Mirco.

"Ehh..." halata ang pagrereklamo ni Rowena mas mabuti ng magusap kami ng kaming dalawa lang.

Napangiti si ama at ina "Mukhang nagmature ka na anak ang laki ng pagbabago mo at gusto kong sabihin sayong proud ako sayo.. hindi ko alam na malakas ang epekto ng mga Krutsarth sayo. Mukhang naituring pamilya mo na talaga sila." Bakat ang pagtatampo sa boses ni Ama

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon