#35

4.6K 189 16
                                    

KAYDEN POV

     Napalingon nanaman ako sa likod namin ni Allison naasar na ako dahil kanina pa ako palingon lingon dahil pakiramdam ko palaging may nasunod sa amin. Although di naman masama ang pakiramdam ko sa sumusunod sa amin.

"Kayden, bakit ba palingon lingon ka dyan?" tanong ni Allison tsk napakacareless niya di niya ba napapansin na parang may nasunod sa amin?

Hinawakan ko yung kamay niya nagulat naman siya dun hinatak ko siya malapit sa akin "Tara." at naglakad na kami para siyang bata na kinakaladkad ko

"T-T-Teka!!! Bagalan mo naman!" sigaw niya edi binagalan ko nauntog pa tuloy siya sa likod kong napakagwapo. Lol, ano yun may mukha?

"Tsk." oo na wala akong gaanong masabi di ko rin siya mabulyawan dahil iba naman kasi sa mundo ng mga tao lalabas kang masama lalo na may babae ka pang kaholding hands iisipin nila ang sama kong boyfriend. Although di ko naman girlfriend si Allison

Napansin kong natulala siya sa kamay naming dalawa hinigpitan ko ng kakaunti ang pagkakahawak ko sa kamay niya namula siya lalo.. napansin ko lang na ang liit ng kamay niya. Tapos napakainit at napakalambot ng kamay niya

"Kailan mo balak sabihin sa iba na prinsesa ka?" bulong ko napabuntong hininga siya

"Mamaya na.. Ano kayang magiging reaksyon nila?" tanong niya naman halatang kinakabahan siya

"Edi magugulat. Ikaw ba naman prinsesa pala eh kung makaasta ka dyan kala mo kung sino eh." pang aasar ko nag pout naman siya. Natigil ako. Cute.

"I just did it to hide my identity!" pang iingles niya

"You don't english me Princess! Alam mo ba kung nasaang bansa tayo?" tanong ko napasimangot naman siya

"Hindi malay ko ba sa mundong ito? Hindi naman ako interesado kung nasaang lupalop tayo eh! Dahil interesado lang ako sayo..."

Ano daw? Putcha eh bakit ba kailangan niya pang bumulong?

"Ano sabi mo? Di ko narinig yung bandang dulo putcha kasi eh bakit ba nilakasan ng shop na ito yung patugtog nila?!" Sigaw ko naman yep biglang nagpatugtog yung shop ng pagkalakas lakas kaya di ko na narinig

"Hindi ko na uulitin noh! Sayang pogi ka naman bingi lang ang dami na talagang poging bingi ano?" pang aasar din niya

"Pogi lang ako di bingi." sabi ko naman

"Sige nga ano yung sinabi ko sa huli?" pang cha-challenge niya

Seryoso ko siyang tinignan at "Sabi mo MAHAL MO AKO."

ALLISON POV

Spell NGA-NGA.

"Sabi mo... MAHAL MO AKO." seryosong sabi ni Kayden

Dug.Dug.Dug.

"H-Hindi kaya.." mahinang saad ko

WAG MO AKONG BIGLAIN NG GANYAN KAYDEN HINDI PA AKO HANDA!!!!

"I was joking there Princess.. don't take it seriously." and there he was LAUGHING. Parang sobrang tagal nang panahon ng huling nakita ko si Kayden na tumawa yung tawa niyang napakamanly. Yung gusto mo paulit ulit mong maririnig. Kaso baka mabaliw naman siya kapag ganun..

Ayun inaya niya akong bumili ng inumin sa favorite shop niya daw. Nasa table ako habang siya nag presinta na mag oorder ng iinumin namin.

Habang hinihintay siya biglang may tumugtog na music... nagandahan naman ako dun at pakiramdam ko narerelate akong ewan.

You're the Light, You're the night

You're the color of my blood

You're the cure, You're the pain

You're the only thing i wanna touch

Never knew that it could mean so much, so much

You're the fear, I don't care

Cause I've never been so high

Follow me to the dark

Let me take you past our satellites

You can see the world you brought to life, to life"

Biglang dumating si Kayden na may bitbit na tray at ngumiti sa akin bakit ba sa oras na ngingiti si Kayden di talaga ako makahinga? Ganun na ba talaga kalakas ang tama ko sa kanya?

"Enjoying the music?" pangisi ngisi niyang sabi bakit siya ngumingisi ng ganyan

"Ano naman kung naeenjoy ko ha? Eh sa maganda eh." sabi ko naman natawa siya

"Nabalitaan ko kasi yang kanta na yan ay galing sa..." bigla niyang binulong sa akin yung last part hindi naman ako makapaniwala dun nahampas ko siya sa braso sa gulat ko at tatawa tawa naman siyang lumayo ng kaunti sa akin

"I don't believe you ang ganda ng kanta tapos galing lang sa..ano...sa yun nga!!!" halos mamula mula na panigurado ang mukha ko

"Don't worry maganda yung storya na yun even though may halong ganun..." sinamaan ko siya ng tingin

"At bakit naman alam mo?!?" tanong ko

"Nabasa ko yung storya may libro nun eh sikat na sikat kaya." pag kwe-kwento niya naman

"Manahimik ka nga!!!!"

"Oo na hahaha."

Marami siyang kinuwento sa akin about sa mundo ng mga tao atleast matino yung kwento niya ngayon kaya naentertain ako at todo kinig ako sa kanya. Kahit ano namang ikwento niya makikinig ako eh.

Maya maya ay bumalik na kami sa meeting place nandun na pala ang iba lahat sila mukhang nag enjoy except dun sa dalawa si Sui at Alyssa parang ewan kasi parang may awkward aura yung dalawa. Even though pangiti ngiti sa kawalan si Sui ano kayang nangyari dun?

"Tagal niyong dalawa ah!" pang aasar ni Ashley

Pinamulahan ko siya ng mukha waaahh naalala ko yung part na... NAGHOLDING HANDS KAMI NI KAYDEN!!!!! KYAAAHHH!!!

"Hoy, anong nangyari?! Anong ginawa mong asungot ka kay Allison?" asar na sabi ni Caleigh at tumingin ng masama kay Kayden

"Wala akong ginawa dyan." blank face na sabi ni Kayden SIYA KAYA FIRST KO! Sa holding hands syempre!

"K-Kalma lang Caleigh wala naman talaga eh." pilit na ngumiti ako tinaasan lang ako ng kilay ni CAleigh at biglang bumulong sa akin na.. "Magkwento ka mamaya." mataray na sabi niya pero alam kong kinikilig din yan deep inside.

"Oo nga pala magsihanda kayong mamayang gabi may importanteng sasabihin si Allison sa inyo." napalunok ako ng biglang nagsalita si Kayden lahat sila napalingon sa akin at nagtatakang tumingin nginitian ko lang sila ng kaunti..

Kailangan ko na talagang sabihin..

'Kuya nasaan ka na?' isip ko naman kung kailan ko siya kinakailangan tiyaka naman siya wala. Palagi naman eh walangya talaga yung kuya ko =_____=

'Andito lang sa tabi tabi princess don't worry magpapakita rin ako.' nagulat naman ako dun

Oo may pagkakatulad ng kaunti ang special abilities namin ni Kayden alam kong kaya niyang makipag usap gamit ang utak ako naman ay kaya ko lang kumonekta sa iisang tao hindi katulad ng kay kayden kahit sino at kahit maramihan ay kaya niyang makausap sa utak at kahit malayo.

Ang kuya ko naman ay mind reader din. Panigurado ngang nandidito lang ang kuya ko sa tabi tabi.. at sigurado akong sobrang lapit niya lang sa amin. Humanda siyang mabuti dahil huhulihin ko siya.

"Tara na."

At yon umuwi na muna kami sa Krutsarth Mansion...

8315

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon