#23

13.6K 322 31
                                    

ASHLEY

"Uy, Kayden anong trip nila Justin at Allison?" Tanong ko kay Kayden na busy kumain. Nakikain na rin ako sa kanoya nakakatakam nga kinakain niya e.

These days ewan ko lang ha? Pero ang darling Justin baby ko (wow dami) eh palaging sumasabay sa amin sa lunch. Parang pinagpipilitan ako ni Allison kay Justin (kahit hindi naman niya ako pilitin sasama ako kay Justin)

At itong si Allison eh dikit naman ng dikit kay Kayden.

Something malansa ha?

"Wahaha manhid!" Biglang sabi ni Caleigh napataas kilay ako sinong manhid? Me? No way baka si Kayden kamo sarap batukan eh halata namang crush siya ni Allison. Sabagay pogi naman ang dear Kayden ni Allison (Oh yan na allison ah! Sayo na si Kayden nagparaya na ako ng isa kong crush!)

"Tch, ang clingy na ni Allison nakakarindi na guys." sabi ni Kayden na kanina pa badtrip. Oo clingy na si Allison at clingy na din si Justin nag aacting ako na medyo asar tulad ni Kayden pa hard to get. Parang effective naman kasi kita niyo naman guys.

Pero ewan ko lang kung type ni Kayden si Allison..

"Nako bro... babae yan wag kang ganyan hayaan mo nalang." sabi naman ni Kuya Kiev

"Yun nga eh! Ang panget tignan sa mga babae ang clingy masyado! Di naman siya unggoy para sumabit sabit sa akin at mas lalong di ako puno para pagsabitan niya! Tch, sa pogi kong ito eh.." Haha ang Cute ni Kayden eh habang ngumunguya nagsasalita tsk tsk walang manners sa pagkain pero ang cute lang haha!

"Hangin mo dude ano nanaman ba yan?" Biglang singit ni Riley

"Hoy, Riley anong ginagawa mo!?" Biglang sigaw ni Caleigh tumabi kasi si Riley kay Caleigh

"Umuupo malamang." sagot niya na medyo asar

"Dun ka nga!!!" Inis na sabi ni Caleigh

Palagi nalang ganito ang scene si Riley na aasarin si Caleigh at mapipikon naman si Caleigh at sisigawan si Riley

"Hey, Alyssa masarap ba yang kinakain mo huh??" Mapang akit na sabi ni Sui kay alyssa

Napataas kilay si Alyssa "Get lost flirt." sabay irap nito

At palagi namang lalandiin ni Sui si Alyssa at tatarayan naman ni Alyssa si Sui. Kung nagtataka kayo kung kailan nagsimula yan... nagsimula lang naman yan last week.

Dahil nga daw sila ay grupo ng mga prinsipe na talaga namang kay po-pogi! At lider si Kayden syempre kung close ni Kayden kami eh dapat din daw close nila kami -_-

Pero okay lang baka ito na pala ang chance na maging akin ang pinakamimithi kong Justin Aquilo. I wouldn't mind if I marry him and if he made me his queen ;) Like duh? Sobrang bagay kaya ng mga pangalan namin. Ashley Zayden-Aquilo o diba sobrang bagay! Umangal tanga.  Kaya back off girls akin lang si Justin Aquilo sorry kayo (makapagsalita eh di pa nga kami xD)

"Hey Ash.. ito na yung pinabibili mo." bati ni Justin with his sweet smile
>\\\\< ang cute ng dimple niya wahahaha gusto ko talaga siya tuloy ikiss sa pisngi pero ugh kailangan magpigil!

"Thanks." sabay ngiti ko rin (wow pahumble si ateng)

"Get a room!" Biglang sigaw ni Ian haha walang love life si Kowya kahit si Kiev eh. Sainyo nalang sila tutal sila ang pinakamature at masasabi kong kapag siguro nainlove yan ipapakita na nila ang corny este sweet side nila xD

"H-Hey Kaydee juice mo oh... libre ko hihi." pagpapacute ni Allison pero nakakunot noo si Kayden at di tinablan sa pagpapacute ni Allison. Gustong gusto kong tumawa pero pinigilan ko, mangiyak ngiyak kong iniwasan nalang ng tingin si Allison.. hindi bagay sa kanya! HAHAHA.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon