#45

300 10 4
                                    

THE NEW DARK AGE

"Lahat ay naaayon sa ating plano. Tuluyan na natin silang mabubura sa mundong ito. Kaunti na lamang ay kayo na ang mamumuno, aming Panginoon." Ngiting ngiti ang lalaki habang pinagmamasdan nila ang mga kaganapan sa buong Altherianavi. Humagalpak naman sa tawa ang tinatawag nilang Panginoon.

"Tama yan. Nalalapit din ang oras na mapabagsak natin silang lahat. Mabuti na lamang ay uto-uto ang mga nilalalang na iyon." Matagal na nilang inaasam ang kanilang matamis na tagumpay. Sila ang maghahari sa mundong Altherianavi.

"Panginoon, sadyang kayo lamang ay biniyayaan ng katalinuhan at kagalingan! Mabuhay ka Pinuno!" Ayon naman ng isa pang kasamahan nito at sabay sabay nilang itinaas ang kanilang kamao sa hangin.

"Mabuhay! Mabuhay!"

***

Malapit ng makarating sila Shiori sa kaharian ng Light Kingdom, kung saan naruruon ang kanilang pakay.

'Ito na talaga ang tamang oras, Ama at Ina.. Panahon na upang kunin namin ang dapat na para sa amin.' Isip isip ni Shiori. Sapagkat hindi lamang nila pakay ang maipaalam sa Hari at Reyna ng Light Kingdom kung sino talaga sila. Mayroon pa silang sadya rito.

SHIORI POV

Labis ang kaba na nararamdaman ko. Ipinagdadasal ko na may maabutan kami ng aking kapatid. Nawa'y ligtas ang mga magulang ni Kayden. Sapagkat nasa kanila ang susi upang magampanan namin ang misyon namin. Pagkapasok namin sa kaharian ay puno ng ingay ng pakikipaglaban. Tinignan ko naman ang aking kapatid at alam niya kung ano ang ibig kong ipahiwatig. Agad naman niyang tinulungan ang mga kawal na sugatan. Ako naman ay dali-daling lumapit sa mga kawal na maaaring maisalba pa.

"Healing Spell! Cure all wounds." Mabuti na lamang ay isa ito sa mga itinuro ni Kuya Kiev. Isa itong 4th class tier na healing spell. Kahit na masyadong malalim ang mga natamo nitong sugat ay gagaling pa rin. Ngunit kahit gaano kadami ang natulungan namin ng aking kapatid... Patuloy pa rin ang pagdami ng mga kalaban.

"Parami pa rin sila ng parami!"

"Depensa!!! Huwag hayaang makarating sila sa kwarto ng ating Hari't Reyna!"

Napalingon naman ako sa gayon kung saan namin narinig ang pamilyar na boses na iyon. At hindi ako magkakamali.. Si Headmaster Rain! Nakasuot ito ng armor at mukhang isa ito sa mga namumuno sa pakikipagsapalan sa mga nilalang ng Dark Kingdom.

"Headmaster Rain!!!" Tawag ko rito habang patakbo kaming lumapit sa kaniya. At agad naman itong tumingin sa amin

"Shiori! Bakit kayo nandidito???" At kahit hindi siya nakatingin ay agad nitong naputulan ng ulo ang nagtangkang atakihin si Headmaster mula sa likod. Woah. As expected sa aming headmaster!

"Kailangan naming makausap ang hari at reyna." sabi naman ni Kuya

***

"Lola! Lola! Sabihin niyo na kung anong nangyari! Nagkausap ba ang prinsesa ng Earth Kingdom at ang hari???" Pangungulit ng isang batang lalaki naitulak pa nito ang kanyang kambal na babae talagang hindi sila mapakali sa kinukwento ng kanilang Lola Saya. Gabi-gabi ay ito na ang pinakakinaabangan nilang istorya.. ang patungkol sa isang mundong wala ng nakakaalam kung ito ba'y katotohanan o pawang gawa-gawa lamang.

"Papaano po Lola yung Mystique Academy? Natalo po ba nila ang mga Goblins?" Mahinhin na tanong naman ng batang babae habang akap akap nito ang laruang itinahi ng kanilang Lola Saya. Paborito nito ang mga laruang gawa ng kanilang Lola, isa sa mga tanyag ang kanilang Lola sa pag gawa ng mga pambatang laruan

"Hmm. Ikwe-kwento ko na nga ba?" Tanong nito na tila pang aasar sa mag kambal. At natawa naman ito ng magwala ang dalawang batang kaniyang inaalagaan

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon