#15

16.6K 430 27
                                    

DANIELLE

     Balik sa normal state at mas maingat na ang bawat galaw ko dahil SIKAT na kasi ako sa buong school maraming estudyante na ang nagpapaautograph sa akin at feeling close. At yeah bumalik muna ako sa form ni Danielle hangga't kaya ko pa.

"Hoy, Danielle iexplain mo kung bakit mo hinalikan si Quen!" inis na sabi ni Allison napangisi ako nagseselos ba siya? Don't tell me tibo siya?

"Hoy, Danielle baka mamaya niyan naging sikat ka lang kalimutan mo na kami!" inis din na sabi ni Ashley

"Kaya nga! Paalisin mo nga yung mga fans mo letche!" inis rin na sabi ni Caleigh pinakaayaw niya na maraming atensyon na nakatuon sa amin kaya nahihighblood siya

"Guys, pwede mamaya na kayo magpaautograph? Medyo naiinis na tong mga kaibigan ko eh konting respeto lang." sabi ko nagsitanguhan nalang sila habang nakangiti at umalis na din

"See? Ganun lang kadali!" pagmamayabang ko pa sa kanila. Buti pa si Alyssa ay tahimik lamang at mas piniling magbasa na lamang ng libro. Ewan ko dito sa mga ito. Lalo na si Allison at Ashley. Mga sobrang affected eh.

"Yabang! Hmph di mo pa sinasagot yung tanong ko!" inis na sabi ni Allison

About kay Quen tinanggal ko na yung love charms ko dun para maging matino na siya. Naawa naman ako dun lalo na ng marinig ko kung ano no ang mga pinag gagagawa nun habang nasa under siya ng love spell ko. Papatagalin ko pa nga sana eh kaso baka maipatawag pa ako ni Headmaster kung malalaman nila ang dahilan ng pagwawala ni Quen. Napabuntong hininga nalang ako ang kulit kasi ni Allison. Edi ayon inexplain ko na ginawa ko lang yun para mailigtas ang sarili ko dahil time handler siya syempre hindi ko sinabi na trip ko lang talaga halikan si Quen.

"Okay." Yun nalang sinabi niya at tinalikuran na ako

Anong problema nun? Hindi ko siya maintindihan baka may dalaw lang talaga tong babaeng to. Huminga ako ng malalim at nagsalita sa kanilang apat

"Guys kung may pagkakataon na sinabi ko sa inyo kunwari lang ha.. Na lalaki pala ako?" Biglaang tanong ko

Nasamid sila Caleigh at napaharap biglaan si Allison aba interesado? "Anong klaseng tanong yan!?" Napasigaw na sabi ni Ashley

"Sagutin niyo nalang." patay malisya na sabi ko

"Erm, ayos lang naman basta pogi ka wuehehehe." -Ashley na parang kinikilig na bulateng ewan

"Ayos lang din pero siguraduhin mong ieexplain mo ang lahat sa amin kung sakaling mangyari yun." sabi naman ni Caleigh napatango nalang si Alyssa

"H-Heh kung naging lalaki ka wag kang lalapit sa akin!" Sabi naman ni Allison na parang namumula pa ang mukha. Sa inis siguro.

"At bakit?" Tanong ko naman at nag pout

"B-Basta!" Sabi niya at tumalikod nanaman. Napataas nalang ako ng isang kilay. May problema ba yun?

"Para saan ba yang mga tanong mo?" Singit ni Ashley

Umiling lang ako at ngumiti ayos na rin siguro tiyaka ko nalang sasabihin ang lahat sa kanila. Gusto ko lang kahit papaano ay may kakaunti akong binigay na idea sa kanila.

RILEY

Kanina ko pa pinagmamasdan si Danielle iba ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraang araw matapos niyang mahimatay ng araw na iyon. Tapos mag tatanong pa kung sakaling naging lalaki siya. Feeling naman na mangyayari yun baka nauntog sa bato hung ulo niya kaya ganyan ang nangyayari sa kanya. Malamang ay narinig ko ang usapan nila ay dahil malapit lang kami sa kanila.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon