#05

19.7K 478 35
                                    

"Okay, Class ngayong araw gaganapin ang pag te-test ng kapangyarihan niyo tatawagin ko kung sino ang magiging kalaban niyo at kapag mataas ang level niyo mataas din ang halagang makukuha niyo." sabi ni Ma'am

Hmm, nakakaexcite naman so heto nga lahat kami ay nasa quadrangle ng paaralan na ngayon ay prinoprotektahan ng ginawang barrier or shield ng mga gurong may special abilities sa paggawa ng mga barrier or protection incase na magkaroon ng pagsabog or so whatever is that.

Napangisi ako sino kayang makakalaban ko sana siya.

Flashback

"Hi... Ako nga pala si Justin Ventus Aquilo, Air Manipulator..."

Isang lalaking kulay itim ang mata at grey din ang buhok medyo katangkaran at maputi. Siya yung sinasabi ni Kuya Kiev na gentleman kaya wala naman akong dapat ikabahala nakakagulat nga lang dahil dito ko siya pala siya matatagpuan o siguro ay nagkataon lang

"Hi. Ako nga pala si Danielle Zyther Nice to meet you." sabi ko naman at nginitian siya wala akong nasesense na masama siyang tao kaya totoo ang sinabi ni Kuya Kiev

"May itatanong ako sayo." Seryosong sabi niya na ipinagtataka ko naman kung ano. Wag lang sana math problems dahil bilang si Danielle ay mahina ako sa math and I hate math as a girl!

"Ano yun?" tanong ko naman

"Naaalala mo ba ako?" tanong niya

Wtf. Anong naalala wala naman ah? Ang alam ko lang kaklase ko siya bakit naman ganyang klaseng tanong ang itinanong niya. Like I mean this is the first time na nagkausap kami.. I think?

"Bakit? Do we have any connections aside from being classmates?" tanong ko naman napaenglish naman ako ewan kabado? Siguro. Medyo lumungkot ang itsura niya. May nasabi ba akong masama? I'm just being honest here.

"W-Wala naman..." sabay iwas ng tingin.

"Ah, ganon ba? Anyway nice meeting you pero kailangan ko nang bumalik sa dorm." sabi ko naman tinapik ko siya sa braso at umalis naramdaman ko rin na hindi lang siya basta basta malakas nga siguro ang kapangyarihan ng lalaking ito. Mukha lang lampa. Pero mukhang may ibubuga.

End of flashback

Pero ano bang connect ko sa kanya? Wala naman akong maalala sa nakaraan ko bukod sa inalagaan ako nila Mama at Papa. Dahil batang bata pa ako wala akong matandaan kung ano talagang buong pangalan ko

Dahil sabi ni ama at ina naka nakaburda daw sa panyo ang pangalan na 'Danielle Zyther' ayun lang at wala nang iba pa. Pero.. Hindi naman na ako sanggol nung inalagaan ako nila Mama at Papa siguro ay nasa anim na taong gulang ako? 

"Huy! Lalim ng iniisip natin ngayon ah?" nagulat naman ako natawa naman si Ashley lokaret talaga tong babaeng toh eh panira rin ng moment. Siguro di pa ito yung tamang oras para isipin ang nakaraan.

"Tulala ka dyan Danielle may problema ba?" tanong naman ni Allison

"Wala, ano ba yun?" tanong ko

"Tinititigan ka ni Justin!" sabi naman ni Caleigh na parang kinikiliting ewan bakit ba ang big deal sa kanila kapag tinitignan ako? Bawal ba ako tignan? Kung sabagay gusto kong ipinagdadamot ang kagandahang taglay ko eh *flip hair*

Napalingon ako nakatitig nga siya nginitian ko lang siya sinuklian naman niya ako ng ngiti. Napataas nalang ako ng kilay ng batukan siya nung lalaking may kulay blue ang buhok siya ata yung tinutukoy ni Kuya Kiev na water manipulator.

"Uy, ano yan? Inuunahan mo ako ah." natatawang sabi ng lalaking may kulay blue na buhok . Di na ako nakinig sa ibang pinagusapan nila masama ang nakikinig sa usapan ng iba.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon