#44

295 14 4
                                    


Hindi makapaniwala si Knight sa mga nakikita. Binabantayan niya ang buong Mystique Academy mula sa opisina ni Rainier, gamit gamit ang isang magical tool kung saan ay namomonitor ang iba't -ibang sulok ng paaralan. Hindi lang basta bastang kalaban ang kanilang makakaharap, isip ni Knight. Hindi rin niya makausap ang nakakatandang kapatid na si Rainier gamit ang kanilang mga special ability na kagaya ng kay Kayden, ang telepathy.

"Talagang pinaghandaan ng mga Darks ang araw na ito." Saad ni Justin ng makapasok sila sa isang silid kung nasaan si Knight

"Akala ko ba ay tuluyan ng nawala sa mundo natin ang mga nilalang na iyon?" Nandidiring saad naman ni Sui

"Goblins.." Pabulong na saad naman ni Alyssa "Maaring nahanap ng mga Darks ang lagusan na mag kokonekta sa iba't - ibang dimensyon.. Hindi malabo mangyari iyon. May mga nabasa akong libro na sa ating mundo ay may mga lugar na may mga portal ngunit kinakailangan ng maraming mana upang mapagana ang isang portal." Pagpapaliwanag ni Alyssa, mabuti nalang ay simula bata pa lamang siya ay talagang mahilig siyang magbasa ng libro.. Kung kaya't hindi na siya natakot sa itsura ng mga Goblins na ngayong nakapalibot sa Mystique Academy. Kinakailangan nilang mag ingat lalo na ang mga kababaihan, sapagkat ang mga Goblins na iyon ay hayok na hayok sa mga kababaihan.

Matagal ng nabura sa historya ang mga nilalang na katulad ng mga goblin. Isa yon sa ipinagtataka ni Alyssa, dahil bigla na lamang ipinagbabawal sa Altherianavi ang mga librong may kinalaman sa mga species na dati namang tumutuloy sa mundong ito.

Ngunit kung kaniyang aalalahanin ay may mga uri ng mga Goblins. Hindi lahat ay masama at hindi rin lahat ay mabait. Ang kanilang nakikita ngayon ay may balat na kulay itim at may mga nakaukit na mga marka sa katawan na ito.

"Hindi maaari... Sabihan ninyo sa lahat na ingatan ang mga kababaihan." May pangamba sa boses ni Alyssa ng sambitin niya ito naguluhan naman sila Sui

"Anong meron Alyssa?" Tanong ni Justin at nagtinginan naman sila Ashley

"Mahilig sa mga babae ang mga Type 3 Goblins. Kinakatakot ko na lamang ang mangyayari kapag may mga estudyante silang madakip. Sinisiguro ko'y may mas mataas pa sa kanilang klase ng antas at duon nila ibibigay na muna ang makukuha nilang mga kababaihan bago nila ito pagpyestahan." Ani ni Alyssa

Batid na ni Alyssa na naiintindihan na nila Sui ang mangyayari. Agad naman rumesponde ang mga members ng Student Council at ipinahayag ang impormasyon patungkol sa kalabang sumusubok pumasok sa paaralan. Isa sa mga miyembro ng student council ay may abilidad kung saan makakapag anunsyo ito sa buong paaralan tanging makakarinig lamang ang mga estudyante ng Mystique Academy.

"Kasama ng mga Goblins ay mga Mirorians. Hindi ko akalain na makikipagsabwatan sila sa mga Goblins.." -Alyssa

"Mirorians? Teka. Kung gayon bakit sila magkasama ngayon?"

"Hindi ko rin alam. Maaring matagal ng plano ng mga Darks ito. Ang pagkasunduin ang mga iba't ibang mga halimaw. Mag ingat ang lahat. Pagkat kinokopya ng mga Mirorians ang elementong makakatapat nila. Upang matalo ang mga ito kailangang opposite element ang kanilang makalaban. Mas makakasiguro ang kaligtasan kung mag kakasama ang iba't ibang elemento bilang isang pangkat. Kailangang maging mas maingat tayo kapag magkasama ang mga Goblin at Mirorians. Tara na!"

Higit sa lahat si Alyssa ang mas nakakasiguro kung ano ang kahinaan ng mga kalaban nila. Hindi siya pwedeng magkamali rito. Noon pa lamang ay nagagalak nitong inaaral simula bata pa siya ang mga nilalang ng iba't ibang dimension.

ALYSSA POV

Alam kong hindi ako malakas at kumpara kila Shiori ang kaalamanan ko lang halos ang maiaambag ko. Nasabihan na ng mga student council ang impormasyong nalalaman ko at plano na isinagawa namin nila Prinsipe Knight.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon