Kabanata 2

307 3 0
                                    

Kabanata 2


Pagkatapos nga araw na yon ay bumalik sa normal ang lahat. Masasabi ko nga bang normal eh ang daming bumabati sa akin. Naging instant sikat ako dahil sa pagka-panalo ko bilang Ms. Freshmen.

Halos sa lahat ng madadaanan ko ay may bumabati sa akin. Sumasakit na nga ang panga ko sa kaka-ngiti eh.

Dumating ako sa classroom na kakaunti pa lang ang tao. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 6:15 palang. Kaya naman pala, napaaga ako ng alis ng bahay 7:00 pa kasi ang simula ng klase.

Wala pa ang bestfriend kong si Coleen paniguradong late nanaman ang babaeng yun. Araw-araw yung napapagalitan ng teacher namin dahil araw-araw late.

Umupo muna ako sa upuan na naka-assign sa akin at tumungo. Mahaba pa naman ang oras eh pwede pa akong umidlip ng 30 minutes.

Sa kalagitnaan ng mahimning kong pag-tulog ay biglang may kumalabit sa akin.

"Huy!" Sabi ng damuhong kumakalabit sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtulog.

"Huy Samantha gising na!" Sabi ulit nitong kumakalabit sa akin.

Bwisit tong hinayupak na to. Ang sarap sarap ng tulog ko eh. Napaka-istorbo.

"Bwisit ! Ano ba kasi yon?!" Umalis ako sa pagkakatungo at tumingala sa kanya. Nagulat ako ng makita ko si Theo na naka-ngisi sa akin.

"Wala naman, ginigising lang kita malapit na din kasing mag-time." Sabi niya sa akin na hindi parin nawawala ang ngisi sa labi.

Problema ng isang to nabasted ko na nga kagabi nakangiti padin. Baliw na ata to eh.

"Sam may laway ka oh." Sabi niya sabay turo sa gilid ng labi oko. Nagpipigil siya ng tawa. Halos mamula na ang mukha niya sa sobrang pagpipigil.

Napatalikod ako sa kanya at kinuha ang panyo ko. Shet oo nga may laway! Kadiri naman ako. Hayaan mo siya baka maturn-off sa akin at tantanan na ako.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10 minutes nalang ay magsisimula na ang klase. Unti unti na ding dumadami ang tao sa classroon. Ang iba ay binabati ako at kino-congratulate. Ganon din ang ginagawa nila kay theo at ngini-ngitian naman sila nito.

Saktong 7:00 ay dumating na ang adviser naming si Ma'am Gomez.

Wala padin si Coleen. Paniguradong late nanaman ang isang yon at lagot nanaman siya kay ma'am.

Pagpasok ni ma'am ay nagdasal at may pinakopya sa amin. Pinakopya niya iyon sa blackboard sa secretary naming si Hazel.

7:10 ay biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin.

Binuksan ito ni Ma'am Gomez at bumungad ang nakatungong si Coleen.

"You're late again!" Sigaw ni Ma'am kay Coleen.

"Ma'am i'm sorry, traffic po kasi." Sabi ni Coleen na ngayon ay nakatungo padin.

"Traffic nanaman?! Diba sinabi kong umalis ka ng maaga sa inyo para hindi ka ma-traffic!" Sabi ni Ma'am.

"Sorry po talaga ma'am." Sabi ni Coleen.

Araw-araw ay sanay na kami sa ganyang eksena.

"O'sya pumasok ka na. Kopyahin mo na yang pinapakopya ko." Sabi ni ma'am

Mabait naman talaga si ma'am strikta lang talaga siya.

Tumabi sa akin si Coleen.

"Oh bakit ka nanaman late?" Tanong ko sa kanya.

"Traffic nga kasi." Sagot niya habang kinukuha ang notebook niya sa bag.

"Traffic my ass. Ang sabihin mo galing ka nanaman sa boyfriend mo!"

May boyfriend ang isang to! Mas matanda sa kanya ng dalawang taon at sa kabilang university nag-aaral. Ang alam ko ay hindi sila legal kaya laging patagong nagkikita.

Hindi sumagot si Coleen at nag-umpisa na sa pagkopya.

"Ganun ba talaga pag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat? Magpapaka-tanga ka?" Bigla kong natanong kay Coleen.

Usap-usapan sa school namin na ang boyfriend ni Coleen ay may ibang girlfriend sa university nila. Ang sinasabi nila ay pera lang daw ang habol nito kay Coleen kaya hanggang ngayon ay hindi padin iniiwan. Ang bata bata pa namin pero ganito nang problema ang dinadanas ni Coleen, maaga kasi siyang nag-mahal eh.

"Siguro ganun nga. Ganun kasi yung nangyayari sakin eh." Sabi niya sa akin.

Kaya ako ayaw ko munang mag-mahal. Kung magmamahal man ako sisiguraduhin ko munang mahal na mahal niya talaga ako.

Endless ChaseWhere stories live. Discover now