Highschool palang si Theo nang magustuhan niya si Samantha ngunit hindi nito masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Theo sa kanya dahil masyado siyang natatakot magmahal. Pero alam niya sa sarili niya na nagugustuhan na din niya anh binata. Paano kung dahil sa takot ni Samantha na magmahal ay mawala sa kanya si Theo? Handa kaya siyang maghabol para sa taong minamahal niya? Paano kung mapagod na sa paghahabol si Theo at makahanap na ng iba? Magkakaroon kaya ng happy ending ang kanilang storya? Samahan natin sina Theo at Samantha na kiligin, tumawa at umiyak sa kanilang kwento ng pag-ibig.