Endless Chase

570 7 0
                                    

Prologue

Nandito kami sa garden ng bahay nila. Nakaupo ako sa upuan na kahoy habang siya naman ay nakatayo at nakatingin sa mga bulaklak nila.

"Theo mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya at bumuhos na ang luhang matagal ko nang pinipigilan.

"Mahal? Sinasabi mo lang yan kasi ngayon may kahati ka na sa atensyon ko. Sinasabi mo lang yan kasi natatakot kang mapalitan." Sabi niya na nakaharap padin sa mga bulaklak nila at hindi tumitingin sa akin.

"Hindi. Mahal talaga kita. Sorry kasi natakot akong aminin sayo na mahal kita kasi natatakot akong masaktan pero ngayon handa na ko, kahit gaano kasakit pa yan tatanggapin ko kasi mahal kita." Sabi ko sa kaniya at nakatingin padin sa likod niya.

"Kung mahal mo talaga ako ikaw naman ang mag-habol" sabi niya sa akin na ngayon ay humarap na sa akin.

Hindi ako maka-imik. Hindi ko alam kung kaya kong maghabol sa kanya.

Highschool palang ako noong sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi ako naniwala sa kaniya noon kasi bata pa kami 14 years old palang kami noon. Bata pa kami para malaman ang salitang mahal kaya hindi ako naniwala sa kanya.

Noong nag-college kami ay hindi parin siya sumuko. Hinabol parin niya ako at pinaramdan sa akin na mahal niya talaga ako pero hindi ko parin siya pinansin kasi sa mga panahonh iyon ay hindi pa ako handang magmahal. Pero alam ko sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya kaso lang natatakot ako.

Pero ngayon ay sumuko na siya. Siguro masiyadona siyang nasaktan sa pagbabalewala ko sa lahat ng effort niya. Nakahanap na siya ng iba. Yung babaeng pahahalagahan lahat ng gagawin niya, yung hindi siya babalewalain.

"Kung talagang mahal mo ako, ikaw naman ang maghabol ngayon. Kasi ako sawa na, sawang sawa na ako balewalain." Sabi niya saakin at naglakad na palayo.

Endless ChaseWhere stories live. Discover now