Kabanata 3

276 5 0
                                    

Kabanata 3

"Dismiss." Sabi ni Ma'am Ocampo na teacher ko sa English.

Sa wakas ay tapos na ang klase. Makaka-uwi na ako at makakatulog. Dumaan ang araw na halos wala man lang akong nagawang mabuti. Halos hindi ako nakinig sa mga teacher ko dahil lutang pa ako sa nangyari kagabi.

"Sam una na ako, baka mapagalitan pa ako ni mama." Sabi ni Coleen.

Hindi maganda ang pakikitungo ng mama ni coleen sa kanya. Hindi naman niya ito totoong mama, step mom niya ito. Kaya takot itong mapagalitan.

"Sige. Ingat ka. Wag ka nang magpa-late bukas ha." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga notebook ko.

"Hahaha! Ita-try ko. Sige alis na ako, bye." Nagbeso muna siya sa akin bago tuliyang umalis.

Habang nag-aayos ako ng gamit ay nagulat ako ng biglang may nag-salita.

"Samantha date tayo please?" Sabi ni Theo habang nakatayo sa harapan ko.

"Asa ka. Uuwi na ako." Sabi ko at sinakbit na sa likod ko ang backpack ko.

"Sam naman!" Pigil niya sa akin.

Ang kulit talaga ng isang ito. Sabi nang ayaw ko eh. Gusto kong matulog! Gusto kong magpahinga.

Hindi ko siya pinakinggan at dire-diretsong lumabas ng classroom!

"Samantha Andrea Aquino sasama ka o sasama ka?" Sigaw ng walanghiyang Theo na to. Ipagsigawan ba naman ang pangalan ko. Napaka-ano talaga ng lalaking to.

Ang ibang estudyanteng nasa hallway ay napapa-tingin sa amin. Nakakahiya. Nakatungo kong tinungo ang hallway.

Naririnig ko na pinagbubulungan kami ng mga estudyante. Kainis talaga tong lalaking to pasikat aba!

"Sila ba? Bagay sila."

"Ang sweet naman ni kuya."

"Ang cute nila together."

Oh please kung alam nyo lang na ayaw kong kasama ang isang to. Hindi nyo ba nakikita tinatalikuran ko lang.

"Wow. Binigyan mo pa ako ng choice. Bwisit ka talaga." Dire-diretso ako sa paglalakad habang siya naman ay sunod ng sunod sa akin. Argh! Nakakaasar na talaga ang lalaking to.

"Oo at choice mong sumama sa akin."

Hinatak niya ang braso ko. Kinaladkad niya ako palabas ng campus. Sa nakita niyo este nabasa niyo maniniwala ba kayong mahal ako ng damuhong ito?! Hindi diba?! Hindi! Pinagtritripan lang ako ng bugok na to.

"Dahan dahan naman nasasaktan ako." Inis kong sabi sa kanya.

"Sorry. Ikaw naman kasi gusto mo pang kinakaladkad ka." Sabi niya at binitawan na ang hawak sa braso ko.

"Bwisit ka okay?! San ba kasi tayo pupunta?!" Sabi ko sa kanya ata lalo pa yatang nadagdagan ang inis ko.

"So pumapayag ka na?" Sabi niya habang ngiting-ngiti.

"Ay hindi. Kaya nga ako nandito eh. Kung ayaw ko edi sana nanakbo na ako nung binitawan mo ang braso ko. Pisti ka." Sarkasto kong sabi sa kanya.

Nako. Pagbigyan na nga ang damuhong ito. Ngayon lang ito promise, ngayon lang.

"Dami mo pang sinasabi eh. Tara na nga." Hinwakan niya ang braso ko ng mas malumanay kaysa kanina.

"Kaya mo naman pala akong hawakan ng maayos eh, bakit kinaladkad mo pa akong pisti ka?!"

"Eh ikaw naman kasi. Pakipot ka pa, gusto mo din naman."

"Oh please wag kang mag-yabang pinagbibigyan lang kita. Kawawa ka naman eh."

"Oo na. Salamat sa pagbibigay ng awa." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Hindi ko naman matatangging gwapo ang damuhong ito. Gwapo talaga siya okay, gwapo siya. Kaya naman hindi ko maikaka-ila na madaming nagkakagusto sa isang ito. Ang swerte ko nga kasi ako ang gusto niya eh, kung totoo man na gusto niya ako kasi feeling ko talaga pinagtritripan lang ako nito eh.

Endless ChaseWhere stories live. Discover now