Kabanata 1

418 4 1
                                    

Kabanata 1

Highschool palang kami noong inamin niya sa akin na mahal niya ako, actually hindi lang niya sa akin inamin kundi sa buong campus. Alam nilang lahat. Lahat sila ay tuwang tuwa noon dahil first year highschool palang kami ay tampulan na kami ng tukso. Nagsimula yun noong kami ang nilaban para sa Mr. and Ms. Freshmen para sa section namin. Doon nagsimula ang lahat.

Doon siya nahulog sa akin. Sa coronation night ay sinabi niya ang nararamdaman niya para sa akin.


"Samantha I'm inlove with you." Sabi niya sa akin habang may hawak siya na bouquet of roses sa isang kamay niya habang ang isa nyang kamay ay hawak ang mikropono.


Bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa nangyari, nasa stage kami dahil katatapos lang ng coronation night para sa Mr. and Ms. Freshmen at nanalo kaming dalawa.


Narinig ko ang tilian ng mga tao. Sobrang ingay na halos mabingi na ako.


Pagkatapos kong mabawi ang gulat ay tumakbo ako papuntang backstage. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakagulat! Oo alam kong nagbibigay siya ng motibo na gusto niya ako pero hindi ko inaasahan na aamin siya ngayon, tatlong buwan palang kami magka-kilala pero sasabihin niya na mahal niya ako? Sinong niloloko niya?! Hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa kanya.


Playboy ang isang yon kaya sigurado akong pinaglalaruan niya lang ako! Hinding hindi ako maniniwala sa kanya.


Narinig ko ang yapak sa likod ko at ang paghinga na alam mong tumakbo ang taong nasa likod ko ngayon.


"Samantha bakit mo naman ako iniwan doon?" Sabi niya sa akin. Dala padin niya ang bouquet of roses at halata din ang iilang butil ng pawis sa noo niya.


"Bakit?" Mataray kong tanong sa kaniya.


"Nag-confess ako ng pagmamahal ko sayo tapos iiwan mo lang ako doon?" Sabi niya sa akin at halata na din ang frustration sa boses niya.


"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa yo? Oh please wag mo akong pagtripan!"


Hindi mo ako maloloko. Kung ang iba ay maloloko mo! Hah! Ibahin mo ako kasi hinding hindi ako magpapaloko sayo!


"Hindi kita pinagtritripan! Sa tingin mo ba ay magco-confess ako sa yo sa harap ng madaming tao kung pinagtritripan lang kita?" Tanong niya sa akin.


"Ewan ko sa yo Theo! Hindi ko naman alam kung anong iniisip mo eh!" Sabi ko sa kanya at tumalikod na at naglakad.


"Samantha naman. Sagutin mo na ako." Sabi niya sa akin.


"Huh? Sa pagkakatanda ko wala kang tanong na tinanong sa akin. Ang sabi mo ay inlove ka sa akin. Tanong ba yun para sagutin?" Sabi ko.


Totoo naman. Ang sabi niya ay inlove siya sa akin pero wala siyang tinanong kaya ano ang sasagutin ko? Pero kapag tinanong niya ako alam nyo nanaman ang sasagutin ko! Isang malaking HINDI!


"Ay oo nga noh." Napakamot siya sa ulo niya.


Bugok talaga ang isang to.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay habol ng habol sa akin.


"Sandali lang naman Samantha. Mag-usap muna tayo" sabi niya sa akin.


Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.


"Oh anong pag-uusapan natin?" Tanong ko habang nakapamewang.


"Pwede bang manligaw?" Sabi niya at iniabot sa akin ang bouquet of roses.


"Hindi!" Sabi ko at tumalikod na sa kanya at naglakad.

Endless ChaseWhere stories live. Discover now